Jaxon's POV
Pagkatapos naming magEnroll nagpaalam ako sa mga kaibigan ko at dumiretso ako dito sa bar.
Bumungad saakin ang napakalakas na tunog ng musika at pinaghalong amoy ng sigarilyo, alak at halo-halong pabango na galing sa ibat-ibang tao.
Kahit maaga pa marami-rami na ang mga taong nandito, mga taong walang magawa sa buhay at maglustay lang ng pera ang alam at halos lahat sa kanila sinusundan ako ng tingin lalo na ang mga kababaihan.
Napangisi ako ng palihim dahil dito. Sino ba namang hindi mapapalingon sa akin?
I am Jaxon Matthews, mayaman, ma-appeal, gwapo, matipuno at lahat na ng magandang katangian nasasaakin na and I am proud to say that I am the one and only greatest cassanova in town.
pumwesto ako sa pinakagilid ng front bar. I'm here to relax and to think properly not to flirt kaya hanggat maaari ayoko ng may sagabal sa pagIisip ko.
"Classic Manhattan please" I order
Hindi mawala sa isip ko ang babaeng pinatid ko kanina. Siya lang talaga ang babaeng naglakas loob sigawan ako at nagsabing kahit kailan hindi magkakagusto saakin. I'm somewhat fascinated though.
Gusto ko siyang halikan kaninang lumapit ako sa kanya. Nakakatemp dahil sa manipis at mapulang labi nito. Pinigilan ko lang ang aking sarili dahil baka mas lalo siyang mainis saakin pagItinuloy ko ang balak ko.
Pinatid ko siya dahil alam kong hindi niya ako mapapansin kung hindi ko ginawa iyon. Gusto kong tumatak ako sa kanyang isipan kahit sa hindi magandang paraan.
And about what I said awhile ago. I mean it. I really mean it. I will make her fall in love with me no matter what, because everything that Jaxon Matthews wants, Jaxon Matthews gets.
"so prepare yourself to fall...HARD" as I muttered to my self a devilish grin curved to my lips.
Margaux POV
Pauwi na ako kanina ng may makita akong parke. Dumeretso ako rito at pumwesto sa parte nito na wala masyadong tao upang makapagIsip-isip ng maayos.
Pinilit kong isawalang bahala ang tungkol sa sulat na nakita ko kanina ngunit hindi ko magawa. Ano ang gustong iparating ng nagpadala nito at bakit ako pinadalhan ng ganoong sulat?
*bell rings*
Naagaw ng tunog ng batingaw ng mamang nagtitinda ng sorbetes sa may kalayuan ang aking atensyon.
Nagningning ang aking mga mata. Lumapit ako rito at bumili, paborito ko ito, madalas kong kainin sa tuwing may problema ako o may gumugulo sa aking isipan.
Matagal na akong hindi nakatikim ng ganitong klase ng Ice cream. Sa U.S kasi wala akong nakikitang nagtitinda ng dirty ice-cream na katulad nito kahit saan.
Pabalik na ako. Malapit na ako sa dati kong pwesto ng may bigla nalang umakbay saakin at palihim na tinutukan ako ng kutsilyo sa aking tagiliran gamit ang kabila niyang kamay.
"miss huwag kang sisigaw kung ayaw mong masaktan. Ibigay mo nalang ng matiwasay ang wallet at cellphone mo at sumama ka saakin" mahinang bulong ng lalaki at rinig kong napangisi ito.
Napahinto ako at hindi kumibo. Mula sa peripheral vision ko napansin kong hindi ito katangkaran at patpatin ang pangangatawan, mukang manyak at drug addict sa kanto.
Siguro naman kakayanin ko itong labanan. Marunong naman ako ng basic martial arts. Nagsasanay kami ni Tresh noon sa U.S tuwing walang pinagkakaabalahan. Pang self defense lang.
"Dalian mo miss! Bakit ka huminto sa paglalakad? Sasaksakin kita kung magmamatigas ka pa! Titikman lang naman kita pagkatapos ko makuha mga gamit mo!" galit na bulong ulit nito at medyo idiniin sa aking tagiliran ang kutsilyong hawak nito.
Napabuntong hininga nalang ako. Masyado namang mainitin ang ulo nito, siya pa ang galit? Dapat nga ako ang may karapatang magalit dahil gusto niya akong gawan ng masama.
Siniko ko ang sikmura nito at tinapakan ng malakas ang kanang paa niya. Ng medyo nailayo niya ang kamay niyang may hawak na kutsilyo sa aking tagiliran agad kong hinawakan ito gamit ang isang kamay kong walang hawak na ice-cream, dali-dali kong inikot papunta sa likuran niya ang kamay niya na siyang dahilan ng pagsigaw niya ng mahina, idiniin ko pa ito sa kanyang likod upang mabitawan niya ang kutsilyo. Mula sa likuran niya sinipa ko ng malakas ang paa niya, napaluhod siya at tinulak siya para mapahiga ito ng nakadapa.
Tatapakan ko na sana ang kanyang likuran ng bigla niyang hawakan ang isang paa ko at hinila ito. Nawalan ako ng balanse kaya napaupo ako sa damuhan at nabitawan ko ang ice-cream na hawak ko.
"Yung ice-cream ko!!" malakas na sigaw ko. Ugh-uh wrong move you moron you just push my berserk button.Marahas akong napatingin ng masama sa kanya na ngayon ay kakatayo lang galing sa pagkakadapa.
(CONTINUATION NEXT UPDATE)
BINABASA MO ANG
ESCAPED
Mystery / ThrillerI run away, but no matter how far I run. They are still there. They are everywhere. There is no way to avoid. There is no way to ESCAPE.