KABANATA 9

41 4 0
                                    

"Good Afternoon Miss Catherine" bati ng mga kasambahay na nadadaanan ko paakyat sa aking kwarto sa mansion ngunit hindi ko sila pinansin dahil nagmamadali ako.

Wala rito ang mga magulang ko dahil busy sila sa trabaho.

Pagkakuha ko ng sulat sa locker ko sa kwarto agad akong nagtungo saaking higaan para maupo. Binuksan ko ang sulat at binasa ulit ang nakasulat rito.

"A nightmare for you, happiness for me. I am always around but never seen. I am often avoided but you can't run out. I will come with cold embrace. I am your finale fate. I am near" mahinang bulong ko ng paulit-ulit

Ano ba ang masamang panaginip para saakin na ikasasaya ng iba?

Hindi ko alam. Maybe if it just a nightmare, it is losing my family at hindi naman iyon ang kasagutan kung babasahin ng mabuti ang buong talata.

Always around but never seen?

"hangin?" sagot ko sa sarili ko. Napailing ako.

Often avoided but I can't run out?

"Uhh Utang?" Nah! Definitely not. Come on Margaux! Make your brain work and think properly!

Napakagat ako sa mga kuko ko. I'm doing this whenever I can't think properly.

I feel frustrated.

Seriously? Bakit hindi nalang dineretso ng sender ang gusto niyang iparating? Bakit kailangang paghirapan ko pang isipin iyon?

Come with cold embrace and finale fa--te?

"Ohh! Finale fate?!"

Napahinto ako. Parang naisip ko na ang kasagutan ngunit hindi ko maalala kung ano iyong gusto kong isipin. Nasa dulo na ng aking dila ngunit hindi ko talaga maalala.

Final fate? Inulit ko pa ng maraming beses itanong iyan sa aking isipan.

Marahas akong napatayo mula sa pagkakaupo sa aking kama. I close my eyes and cover my face. I stop myself from wanting to shout. Instead, I sighed heavily to cast out all of the frustration I'm feeling right now. I really can't remember the right word I'm thinking!! Damn!

Inilagay ko muna ang sulat sa side table sa kama ko then I walk towards the door. Pupunta muna ako sa garden dito sa mansyon. Maybe I need to relax first, to unwind for me to think properly.

"manang padala naman po ako ng meryenda sa garden please. Salamat" Pakiusap ko sa nadaanan kong medyo may katandaan ng kasambahay.

"Sige po Miss Catherine. Isusunod ko nalang po" sagot nito. Napatango nalang ako bago dumiretso sa labas.

Fully carpeted ang kabuuan ng garden. Punong puno ng ibat-ibang makukulay na halaman. Hanggang ngayon alagang-alaga pa rin ito.

Naupo ako sa porch swing na nasa ilalim ng nagiisang malaki at mayabong na puno sa pinakagitna nitong garden.

Ito ang pinakapaborito kong parte rito dahil maraming paru-paro ang nagkalat dahil pinaliligiran ng makukulay na bulaklak.

Amoy na amoy ang mabangong halimuyak ng ibat-ibang uri nito at mahangin rin. Tahimik at minsan tanging huni lamang ng mga ibon ang maririnig. Nakagagaan sa pakiramdam, talagang makakalimutan mo lahat ng problema.

"Eto na po ang meryenda niyo Miss Catherine" sabi ng kasambahay habang hawak-hawak ang tray na naglalaman ng Apple Juice, 1 medium slice of black forest gateau cake and lasagna with small garlic bread on side.

Nagningning ang mga mata ko ng makita ang ihihanda ni manang na meryenda para sa akin.

"Salamat manang!!" I excitedly and happily exclaimed. Agad-agad kong kinuha ito at ipinuwesto sa tabi ko. Mahaba at medyo maluwang naman ang porch swing na kinauupuan ko, kasya ang anim na katao rito kaya pwede ka pang mahiga kung gugustuhin.

Tapos na akong magmeryenda at ramdam ko ang paggaan ng aking pakiramdam. Madilim na pala. Tumayo na ako at naglakad pabalik sa kwarto ko.

Pagpasok ko, naagaw ng cellphone na tumunog sa ibabaw ng kama ang aking atensyon. Lumapit ako at kinuha ito.

102 messages and 53 miscalls ng tignan ko ang nasaScreen. From Demi and Tresha. Hinahanap ako, nagtatanong sila kung nasaan ako. Halata ang pagaalala sa mga mensaheng pinadala nila.

Napasapo ako sa aking noo. Hindi ko nga pala nasabi na nandito ako ngayon sa mansyon. Rereplyan ko na sana sila ng napansin ko ang nagiisang text galing sa taong hindi ko kilala. Hindi nakaregister ang numero niya sa phone ko.

Napakunot ang aking noo at binuksan ito.

'Hi honey babe! :D I missed you already. I know you missed me too and you're thinking a lot about me! But don't worry starting on Monday you'll going to see your boyfriend's handsome face and I promise that you'll be with me often. So chill alright? ;)'

Napaangat ng konti ang labi ko at napataas ako ng kilay pagkabasa ko nito.

Wow! I'm not informed that I already have a boyfriend huh? And honey babe? Duh. Ang corny niya at ang hangin ng kung sino mang nagpadala ng mensaheng ito at saan niya nakuha ang number ko?

Napailing nalang ako at hindi inintindi kung sino man siya. Baka nagkamali lang ng sent saakin. Itinext ko si Tresh at Demi, humingi ako ng paumanhin at sinabing nandito lang ako sa mansyon, dito muna ako matutulog ngayon gabi at wag nila akong alalahanin dahil ayos lamang ako.

'Goodness gracious Margaux Catherine! You make me worried so much! I thought there is something bad happened to you! Next time huwag kang umaalis at nagpupunta kung saan-saan ng hindi manlang nagpapaalam! Mamatay ako sa pagaalala sayo alam mo ba iyon?!' -Tresh

'Nako naman babaita! Pumapanget ako sa pagaalala sayo juskoo! Halos hindi kami mapakali ni Tresha ng malaman naming wala ka sa condo niyo!! Ang panget mo alam mo ba yun?! Nakakainis ka! Kaimbyera nabawasan beauty ko dahil sayo! Nagkawringkles ako! O siya! Take care okay?' -Demi

Natawa ako sa reply ng dalawa. Having Tresha and Demi is really a great blessing for me. I'm so lucky to have them both even though sometimes they are acting overly.

Itinabi ko na ang cellphone ko at napangiti ako. Pahiga na sana ako sa aking kama ng mahagip ng aking paningin ang locker sa kwarto ko. Lumapit ako rito at binuksan ito gamit ang aking thumb mark. Mas lalo akong napangiti ng makita ang laman nito. Lumang video cam, flash drive, diary, photo albums, letters at iba pang bagay na mahalaga sa akin mula sa pagkabata ko. Apat na taon ko na rin itong hindi nagagalaw.

Kinuha ko ang video cam at bubuksan na sana ito ng bigla nalang may kumatok sa aking pinto at binuksan ito.

"Miss Catherine handa na po ang dinner" magalang na sabi ng isa sa aming kasambahay.

"Sige po. Susunod na po ako sa ibaba"

Ibinalik ko ang video-cam sa locker, isinara ito at bumaba na ako upang kumain.

Kumainako ng tahimik. Ng matapos ako, bumalik na rin agad ako sa aking kwartoupang makapagshower at makatulog na dahil maaga pa akong gigising bukas.

ESCAPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon