Margaux POV
Maayos natapos ang klase namin sa araw na ito. Mabuti nalang at walang nangyaring hindi maganda sa pagitan ni Jaxon at Astin but they are acting like they do not know each other. Siguro mas okay na iyon kaysa naman mag-away silang dalawa.
After class may inasikaso ako sa library. Pinauna ko nang umuwi si Tresha at Demi kaya mag-isa ako ngayon. Naglalakad ako papunta sa parking area kung saan naka park ang kotse ko para umuwi na sana dahil medyo dumidilim na nang makita ko si Jaxon at Astin na nakatayo sa medyo madilim na bahagi ng parking lot.
Seryosong naguusap ang dalawa kaya medyo binilisan ko ang lakad patungo sa kinatatayuan nila upang makalapit agad dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan nila.
"Traitor? Hah! Look who's talking." I heard Astin sarcastically said ng medyo malapit na ako sa kanilang dalawa. Hindi nila ako napansin na papalapit dahil masyadong tutok ang dalawa sa isat-isa.
"Does Margaux know who you really are Jaxon?" Dugtong na tanong ni Astin. Napatigil ako sa paglapit ng marinig ko ang pangalan ko at mabilis na nagtago sa gilid ng isang sasakyan malapit sa kanilang dalawa upang marinig ko ang pinaguusapan nila.
Tila nagulat si Jaxon sa tanong ni Astin. Nang makabawi ito kwinelyohan niya si Astin "Wag mong isali si Margaux sa usapan. Labas siya rito!" Walang emosyong sagot ni Jaxon.
Astin chuckle after he heard what Jaxons said.
"Ohh so that's a No? Margaux doesn't know anything huh? Hindi siya labas rito. You know that too well"
"Shut up" Malamig na untas ni Jaxon na tila nagbabanta na kapag hindi pa ito tumigil ay baka kung saan pa mapunta ang usapan nilang dalawa.
Tinabig ni Astin ang kamay ni Jaxon na nakahawak sa kwelyo niya and he became serious. He looked at Jaxon directly at the eyes. Ganun rin naman ang ginawa ni Jaxon. Nagsukatan ng tingin ang dalawa.
"Why. Are you afraid? Hindi mo maitatago habang-buhay kung ano man iyang tinatago mo Matthews. Gustuhin mo man o hindi darating rin ang araw na malalaman niya ang totoo." Huling sabi ni Astin bago ito umalis sa kinatatayuan nila at dumiretso sa kanyang sasakyan.
Jaxon seemed stuned on what Astin said before he leaves. After a minute nakabawi rin siya at umalis na rin. Naiwan akong gulong-gulo sa gilid ng sasakyan na pinagtaguan ko kanina.
Am I the Margaux they are talking about or kapangalan ko lang? Naguguluhan ako. Ngayon ko lang nakilala si Jaxon at Astin kaya malabong ako ang tinutukoy ni Astin but why do I feel like ako nga ang pinag-uusapan nila?
Ang gulo! Ang gulo gulo! Simula ng bumalik kami rito sa Pilipinas ang daming nangyayari sa aking hindi ko maipaliwanag at hindi ko maintindihan.
May mga bagay bang hindi ko alam tungkol sa sarili ko? May mga nakalimutan ba ako sa nakaraan ko? Sino-sino o ano-ano ang mga iyon kung meron nga?
"Eavesdropping eh?" Napatalon ako sa gulat ng biglang may magsalita sa aking likuran.
Lumingon ako rito upang Makita kung sino siya.
"Parker?" I mumbled to myself the moment I saw who the person infront of me. Hindi ko manlang namalayan na may tao pala. Siya iyong nagsabi sa aking layuan ko si Jaxon noong una kaming magkita.
"Clueless huh? Poor you."
Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi nito. Did she know something? Ahh of course she did! Pagbabantaan ba ako nito kung wala siyang alam.
"What do you mean by saying that I am clueless? Is there something I need to know?" I asked but she didn't answer me. Tinitigan lang ako nito na parang inaalam kung ano-ano ang mga nasa isip ko.
"Answer me." I demanded using my authoritative voice. "Is there something I need to know?" Inulit ko ang tanong ko baka sakaling sagutin nito. But Instead of answering my question she just gave me a devilish smirked. Tumayo ang mga balahibo ko dahil dito, hindi ko alam kung bakit. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.
Lumapit siya ng dahan-dahan sa akin. Gusto ko nang umalis ngunit parang nakapako ang mga paa ko sa aking kinatatayuan. Napapikit ako nang malapit na malapit na siya sa akin.
"What are you doing? Move! That's my car. Paano ako makakapasok sa loob kung haharang-harang ka sa pintuan." Mataray na sabi nito saka ako tinulak ng medyo may kalakasan kaya muntik na akong natumba buti nalang at nabalanse ko ang aking sarili.
"Damn!" Tanging nasabi ko ng tuluyan na itong makaalis. Napabuntong hininga nalang ako.
Ang daming nabuong katanungan sa aking isipan ngayon, gulong-gulo akong umalis sa parking area at wala sa sariling nagmaneho paalis ng aming eskwelahan.
Pagkatapos ng hindi ko alam kung ilang minuto o oras na pagmamaneho, namalayan ko nalang na dinala ako ng pagmamaneho ko sa tapat ng malawak na exclusive at high security village kung nasaan ang unit na tinutuluyan ng kaisa-isang taong pwede kong makausap at alam kong makakatulong sa akin upang malaman ang mga sagot sa mga katanungang gusto kong malaman.
BINABASA MO ANG
ESCAPED
Mystery / ThrillerI run away, but no matter how far I run. They are still there. They are everywhere. There is no way to avoid. There is no way to ESCAPE.