KABANATA 13 CONTINUATION

36 4 0
                                    

"Honey babe! I'm so sorry please. Alam mo namang ikaw lang ang nagiisang mahal ko. Wag mo naman akong pagbintangan na nambababae ako. Wag mo naman akong hiwalayan ng dahil lang sa maling sabi-sabi ng iba." malakas na sigaw nito ngunit may tunog paawa ang boses nito.

What the hell? Ano ang ginagawa at pinagsasasabi ng lalaking ito?! Ang kapal niya! Natigilan ako sa pamamalo at pagpupumiglas.

Lumuhod ito sa aking harapan "Honey babe! Sorry na. Ako na ang nagsosorry kahit wala naman talaga akong kasalan. Patawarin mo lang ako" paawang sabi nito.

Napanganga ako sa mga kasinungalingan at kadramahan ng lalaking ito.

"miss maawa ka naman sa boyfriend mo"

"miss patawarin mo na, wala daw siyang kasalanan"

"miss umiiyak na siya oh"

"miss ang swerte mo dahil ganyan boyfriend mo"

"bilang nalang ang mga ganyang lalaki, wag mo ng pakawalan"

I looked around. All students here in the corridor is looking at me. I didn't notice na marami na pala ang nanonood saamin rito.

Halata sa muka nila ang inis yung iba naaawa sa lalaking nakaluhod sa aking harapan. I gritted my teeth. How dare him! Pinagmumuka niya akong masama! He's a Liar! Jerk! Pervert!

Mas lalong lumakas at dumami ang mga sinasabi ng mga tao na nakatingin saamin.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ako mapakali rito sa pwesto ko dahil nasaakin, nasa amin ang atensyon ng lahat.

Lumingon ako sa lalaking nakaluhod sa aking harapan ngayon. Nakatungo ito ngunit halatang nakangisi. Hinihintay ang kung ano man ang gagawin ko.

I close my eyes and fists tightly. I heave a sigh of frustration. Then I calm myself before I walk towards him. Looks like he wants to play a game with me huh? Then fine! I will play his stupid game.

Lumuhod rin ako sa kanyang harapan at hinawakan ang kanyang muka. Iniangat ko ito upang magtama ang aming paningin.

I caress his face using my hand. Natigilan ito sa aking ginawa. Mukang hindi ito ang kanyang inasahan na aking gagawin.

"Hey. I'm sorry. I'm sorry for accusing you na nambababae ka. Its just that, I-I dont want to lose you that's why I confronted you but l-looks like mali ang pagkakaintindi mo. I love you okay? You know that! And I can't afford to break you up. I can't afford to lose you h-honey babe. I-Im really sorry" malumanay na sabi ko habang nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata "Im so sorry" huling sabi ko at humagulgol ako sa kanyang harapan habang nakaluhod.

Kita ang gulat sa mga mata nito. Agad siyang nataranta at mukang hindi niya alam ang kanyang gagawin ng makita niyang humahagulgol na ako. Napangisi ako ng palihim dahil dito. Got ya! Wag ako.

"anong klaseng boyfriend yan?!"

"kawawa naman yung babae"

"ang dami talagang manlolokong lalake sa mundo!"

"ang ganda pa naman ni miss, pinapaiyak lang"

"Tss jerk!"

Rinig kong komento ng iba.

Aligagang tumayo ang lalaking nasa harapan ko hindi pinansin ang bulong-bulungan sa paligid at agad akong hinila patayo at niyakap.

"shhhh. Stop crying. I-I-Im sorry. H-hindi ko s-sinasadyang paiyakin k-ka. Im s-so s-sorry. Hush now p-please" utal-utal na sabi nito habang hinahagod ang aking likuran upang patahanin ako.

Isiniksik ko ang aking muka sa kanyang leeg at mas lalo pa akong humagulgol.

"Oh shit!" mahinang bulong nito at mas lalo pang nataranta.

Natawa nalang ako sa aking isipan dahil dito.

Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako. He cup my face using his two hands and he wipe out my tears. He look at me straightly. I can see that concern is visible on his beautiful eyes. Natigilan ako sa paghagulgol ngunit may luha pa rin lumalandas sa aking mga pisngi. Yumuko ito. Idinikit niya ang kanyang noo sa aking noo at pumikit ito ng mariin.

"I'm sorry. I'm so sorry." he whispered. I can feel his sincerity. "Stop crying please. I don't want to see you crying. It breaks my heart. So please. Stop." He pleadingly said. May lumandas na dalawang butil ng luha sa kanyang mga mata then he kiss my forehead.

Nagulat ako. Why do I feel like he is serious? Or not? Maybe he is just a good actor? Pero hindi eh. I can hear the seriousness in his voice and I'm sure that he really meant what he said.

Kusang napatango nalang ako at tumigil sa pag-iyak. Ibinukas niya ang kanyang mga mata at ngumiti ng tipid saakin. Makikita pa rin ang pag-aalala sa kanya.

Lumayo siya ng kaunti sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay at hinila paalis sagitna ng mga taong nakapaligid saamin. Kusa namang humawi ang mga tao sa aming dinaanan.

ESCAPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon