KABANATA 17

42 1 0
                                    


Margaux POV


After two hours huminto na rin kami. Isang parang walang hanggang mataas na pader at malaking gate na nasa gitna ng mga kakakahuyan ang tanaw namin mula rito sa hinintuan namin medyo malayo kami sa mismong hinintuan nina Jaxon upang hindi nila kami mahalata. Nakapark sa labas ang kotse nila. 


"Woah! What is this place?" / "Is this a secret place? Why they build it here?" Both said in amusement. Nanatili akong tahimik at pinagmamasdan ang galaw ni Jaxon at mga kaibigan nito.


Bumaba na sa kotse ang apat. Ibinigay nila ang mga susi nila sa apat na lalaking sumulpot nalang bigla galing sa kung saan. Ipinasok nila ang kotse nila Jaxon at mga kaibigan nito sa loob ng malaking gate.


Nagtungo sa right side ng gate Sina Jaxon pagkatapos sa pinakagilid nito may maliit na pintuang bakal na kulay itim at sa gitna ng pintuan may hugis parisukat na hindi ko alam kung para saan. 


Tumapat si Jaxon rito. Hindi ko masyadong nakita kung ano ang eksaktong ginagawa niya dahil natatakpan siya ng tatlo niyang kaibigan at sa mahigit kalahating segundo bigla nalang umangat ang maliit na pintuang bakal, pumasok rito ang apat na magkakasunod.


Nang mawala na sila sa aming paningin agad kaming bumaba sa kotse at dahil wala namang nagbabantay madali lang kaming nakapunta sa mismong kinatatayuan nina Jaxon kanina. Kita namin ang isang hugis parisukat na bagay sa gitna ng pintuan. Lumapit kami rito upang Makita kung para saan iyon.


Itinapat ko ang muka ko rito upang suriin kung ano iyon nang bigla nalang itong umilaw. Nagulat ako at napapikit dahil sa ilaw na tumama sa aking muka.


"It's a face recognition device. This place has a high security system huh? I'm wondering whats hidden inside of this huge gate." Sabi ko. Excitement is rising inside me.


"So how are we gonna get I--?"


"Access Granted. The door is now opening"


Naputol ang sasabihin ni Tresha at namilog ang mga mata ng biglang tumunog ang device na nasa harapan namin at dahan dahang umangat ang pinto kung saan pumasok ang apat kanina. Pareparehas kami ng reaksyon, we are all surprised.


"OMG! How you opened it Margaux!"


"Do you have an access to it? Hoy babaita umamin ka nga. Have you been in this place before? Baka naman isinaman mo kami rito kasi may balak kang masama saamin. Aha! ikaw mismo ang may balak ipalapa kami sa mga mababangis na hayop rito. Nooo! I won't let that happen. Masasayang ang beauty ko! Magpapakasal pa kami ni papa Kaiden. " Mabilis at maarteng sigaw ni Demi saakin.


"Ay teh! Paranoid much lang? Wag ngang OA Demi" Maarteng pang-gagaya ni Tresha kay Demi sa sinabi nito kanina. Napairap lang si Demi sa kawalan.


"This is my first time here too alright" Sagot ko. Agad rin akong nakabawi sa gulat kanina at naglakad na papasok. Bigla ring nagsara ang pintuan pagkatapak namin sa loob. 


May kadiliman rito dahil torches lang ang nagsisilbing ilaw. Tahimik lang kaming naglakad sa loob. Para itong hugis rectangle na tunnel at ang malaking gate na nakita namin kanina ay parang disguise lang upang hindi mapansin na may iba pang daanan rito papunta sa kung saan.


Matagal tagal rin kaming naglakad at habang palapit kami ng palapit sa dulo ng tunnel may mga naririnig kaming mga hiyawan at palakas ito ng palakas.


"Wow!"/ "Woah!"/ "OMG!" ang tanging nasambit naming tatlo ng makarating kami sa dulo nito.


What we saw amused the three of us and leave us speechless for a second. We are standing inside a large hemispherical color black roof or I should simply say a black dome. The whole place is surrounded by dim lights and peoples are sitting around. At the center is a circular stage with a cage and above the stage there are four huge screens where you can watch closely with a clear view what is happening inside the circular caged stage.


At the huge screen, I saw two people. They are looking intensely at each other and it's obvious that they are fighting one on one. But wait....



"He looks familiar" I mumbled

ESCAPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon