"We accidentally find this place"
"Huh? We?" tanong ko. Napaiwas ito ng tingin at ibinaling ang paningin sa harap.
"I mean, my first love. Kasama ko siya ng una kaming mapunta rito. This place is very important and memorable to me." nakangiting saad niya
"Ohh! Wow! That's sweet?" alanganing sagot ko.
"Yeah. Kaso kinalimutan niya ako" ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses ng sabihin niya ang mga katagang kanyang sinabi. Kahit nakangiti siya ngayon ramdam ko ang sakit na dinadala niya.
"I'm sorry for bringing up that topic" mahinang bulong ko. Naiinis akong makita siyang nasasaktan. Gusto ko nakangiti lang siya. Hindi ko alam kung bakit.
Tumayo ako sa aking pagkakaupo at tumingin sa kanya. "Stay" ang tanging sinabi ko bago ako umalis.
Naglakad ako patungo sa mga kumakanta upang humingi ng pabor at bumalik ako sa harap niya ng nakangiti. Bakas ang pagtataka at pagkalito sa kanyang muka ng makalapit ako. Ibubuka na sana niya ang kanyang bibig upang magtanong ngunit mabilis akong yumuko at pinigilan siya sa kanyang pagsasalita gamit ang aking hintuturo.
Ngumiti lang ako ng malapad, binigyan siya ng isang kindat bago tumugtog ang kantang hiniling kong tugtugin ng mga umaawit kanina.
Umatras ako ng kaunti sa kanya at inumpisahan ko na ang pagkanta ng may halong action at sayaw.
It might seem crazy what I'm about to say
Sunshine she's here, you can take a break
I'm a hot air balloon that could go to space
With the air, like I don't care, baby, by the way 🎶🎤
Sa totoo lang hindi ako marunong sumayaw. Pero kinapalan ko na ang aking muka mapasaya lang ang lalaking nasa aking harapan. Siguro nagmumuka na akong tanga dito pero itinuloy ko pa rin.
Because I'm happy clap along if you feel like a room without a roof.
Because I'm happy clap along of you feel like happiness is the truth.
Because I'm happy clap along if you know what happiness is to you.
Because I'm happy clap along if you feel that's what you wanna do. 🎤🎶
Nagulat ito sa aking ginawa nung una ngunit kalaunan natawa nalang ito. Kita ko ang saya sa kanyang mga mata.
Pagkatapos kong kantahin hanggang chorus hinila ko siya patayo. Ang ending parehas na kaming kumanta at sumayaw ng tumatawa. Halos hindi na maintindihan ang aming kinakanta dahil halos puro kami tawa habang sumasayaw ng kung ano-ano.
Naghihiyawan naman ang mga nanonood saamin at napapasabay nalang rin sa pagkanta at pagtawa.
Ng matapos namin ang kanta hinawakan niya ang aking kamay at hinila ako patakbo. Dahil siguro sa kabaliwang ginawa namin. Tumakbo lang kami habang patuloy na tumatawa.
Ng huminto kami pareho naming hinabol ang aming hininga dahil sa pagod.
"Woahhh! That was fun!" He shouted happily
"Yeah" I smile while looking at him. I can tell that my decision awhile ago na kapalan ang pagmumuka kong kumanta at sumayaw is worth it. Really worth it.
Umalis na kami sa parke dahil dumidilim na rin. Dumaan muna kami sa isang fancy restaurant upang kumain ng gabihan bago niya ako hinatid sa condo unit na tinitirhan namin ni Tresh.
Ang ngiti niyang nakakahawa ang aking huling nakita bago ako bumaba ng kotse niya. Pareho kaming nakangiti dahil sa mga nangyari ngayong araw. Hindi ako nagsising sumama ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
ESCAPED
Misteri / ThrillerI run away, but no matter how far I run. They are still there. They are everywhere. There is no way to avoid. There is no way to ESCAPE.