KABANATA 2

76 9 0
                                    

"Ladies and gentlemen this is your captain speaking we like to welcome you to Philippines. On behalf of the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again. Have a nice evening!~"

Naalimpungatan ako dahil sa ingay. Nakalapag na pala ang eroplanong sinasakyan namin, kahit nakaupo lang sa loob ng mahigit labing-anim na oras ramdam ko ang pagod dulot ng byahe. Magaalas-onse na ng gabi ng napatingin ako sa suot kong relo.

"OMG! After 4 years we're really back!" Tresh happily exclaimed sabay yapos sa mga braso ko at hinila ako palabas ng eroplano.

"Yeah! We're back Tresh" I said nonchalantly and smiled sweetly.


"Mga baklaaaaa!! Wahhh! Ditooo!"

Hindi pa man kami nakakarating sa mismong arrival area rinig na rinig at tanaw na namin ang taong susundo saamin.

Parehas kaming natawa ni Tresh dahil kahit malayo halata ang pagpilantik ng mga kamay nito habang kumakaway saamin.

Pagkarating namin sa harapan niya bigla na lang siyang tumalon saamin at sabay kaming niyakap.

"Namiss ko kayo ng bonggang-bongga huhu"

"Ang bigat mo! Alis!" pagrereklamo ko

Umalis siya sa pagkakayakap at tinignan kami mula ulo hanggang paa ng nakataas ang kilay at nakahalukipkip.

"Ganoon na ba nakakaganda ang klima sa Estados Unidos?! Bakit mas naging dyosa kayong dalawa? Ha?!" mataray na pagtatanong niya sabay beso sa aming dalawa. Tresh and I shrug and we both laugh.

"Deminador Ruis! Wow! Look at you! Binata ka na!" sabi ko ng may halong pangaasar. Nanlaki ang kanyang mga mata pagkarinig ng buong pangalan niya.

"Bakla! You look so handsome. I like you na!" napanganga siya habang nanlalaki ang mga mata pagkarinig ng idinugtong ni Tresh. Sabay kaming natawa sa reaksyon niya.

He is gay yes! But he doesn't look like one. Why? Muka siyang greek god na bumagsak galing sa langit, siya yung tipo ng lalaking pagnakita mo babalikan mo ng tingin dahil muka siyang Adonis but in reality he is NOT. Hindi ko nga alam kung nagpapanggap lamang siyang bakla o hindi because his actions contradict to what he looks like.

"Whuuut?! You like me? Yuck! Kadiri ka hindi tayo talo! At gorgeous babaita Tresha hindi handsome! And you Margaux for your information my name is DEMI Ruis okay? Just DEMI. Itatak mo yan sa kokote mo. So don't call me that ewweee name. Kalurkey kayo! Ang sakit niyo sa bengs! Mga bully!" halata ang inis at maarte na sabi niya ng nakapamewang.

"Relax hahaha. Niloloko ka lang girl!" pagpapakalma ni Tresh kay Demi dahil konti nalang mukang magagalit na.

"Namiss namin kadaldalan at kaartehan mo."

"Whatever! O siya tama na ang drama at asaran! tara na sa sasakyan ng makauwi at makapagpahinga na kayo. Gosh I'm so excited to hang out again with you guys!"

Sabay sabay kaming naglakad palabas ng airport.

Papasok na kami ng sasakyan ng nakaramdam ako na parang mayroong nakamasid sa akin at pinagmamasdan ang bawat galaw ko.

Inikot ko ang aking paningin at naghanap ng taong kahina-hinala kung meron man ngunit wala akong nakita. Siguro ay guni-guni ko lamang.

"Hey Margaux! Wala ka bang balak sumakay babaita? Gusto mo ata magcommute? Sabihin mo lang. Willing naman kaming iwanan ka" Pang-aagaw atensyon na sabi ni Demi habang nakadungaw sa bintana ng kotse niya

"Sorry naman! Eto na sasakay na nga eh!"



After an hour we arrived at Colt residence. Dito kami tumuloy ni Tresh sa mansion. May sariling kwarto si Tresha dito. She's always welcome here because we are best of friends and magkapatid na ang turingan namin sa isat-isa.

Pagbukas namin ng pintuan ng bahay. "WELCOME BACK LADIES!" Sabay sabay na sabi nila at may confetti pa. Family ko, Family ni Tresh and some of our relatives ang bumungad saamin upang batiin kami sa aming pagbabalik.

Halata ang gulat sa muka namin ni Tresha. Ang alam namin busy silang lahat kaya si Demi ang sumundo saamin sa airport. Iyon naman pala balak nila kaming sorpresahin. May hawak silang banner na may kalakihan at nakasulat ang malalaking titik na Welcome Home.

"Mom! Dad! I missed you so much!" Pinuntahan ko ang mga magulang ko at sabay silang binigyan ng mahigpit at mainit na yakap.

Ganoon rin naman ang ginawa ni Tresh sa mga magulang niya.

"God! It's been 4 years baby! Look at you! You're so beautiful!" "Our princess is a fine lady now. You are not a kid anymore" my mom and dad said with awe.

I just laugh. Kanino pa ba ako magmamana? Sa kanilang dalawa lang naman. I said to myself. I smile at that thought. I'm very lucky to have them both!

"Margaux iha! Kamusta ka na?! Kamusta ang pag-aaral sa U.S?" my uncle Richard interrupted.

Ako lang ba o talagang mayroong tunog panguuyam ang huling katanungan niya?

"Ohh! hi tito! I'm good. Ayos naman po" then I smile

He smiled back. Actually he is one of my closest uncle even aunt Louise his wife, but sadly she's now dead. Iwinaksi ko sa aking isipan ang kung anumang iniisip ko. Pagod lang siguro ako.

Pagkatapos ng maikling kamustahan. Lahat kami ay tumungo sa hapagkainan dahil naghanda sila ng kaunting salo-salo. Kahit magaalas-dose na ng madaling araw.

Madaling araw na ng matapos ang kaunting salo-salo at kwentuhan.

Dumeretso agad ako sa aking silid upang makapagpahinga at makatulog na.

Huwebes na ngayon, Bukas kami pupunta ni Tresha sa Unibersidad na papasukan namin upang ipagpatuloy ang kolehiyo. Last day of enrollment na kasi bukas dahil sa lunes na ang umpisa ng klase.

Sasama si Demi sa amin dahil magttransfer din siya sa papasukan namin.


"it's good to be back." I smile and whisper before I close my eyes and drown myself to sleep.

ESCAPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon