"Hoy Margaux! Ano na teh? Naghihintay ka ba ng pasko o bagong taon?! Aba! June palang bakla! Wala ka bang balak bilisan ang pagpapatakbo?! Jusko mas mabagal pang umusad itong sasakyan mo kaysa sa alaga kong pagong!" talak ni Demi sa backseat habang nagmamaneho ako papuntang university.
"Deminador Ruis can you please shut up? Hindi ka naman tatakbuhan ng University! Bakit ka ba nagmamadali?" inis na sagot ko sa mga reklamo niya.
Hindi siya sumagot. Pagtingin ko sa rear view mirror nakangiwi ito, nakatingin ng masama saakin at napairap.
"What? What's with that look?" I ask while laughing.
"Baklang Tresha! Sa bagal nitong magpatakbo wala na tayong maabutang enrollment pagkarating natin sa eskwelahan!" Idinuro pa ako.
Hindi niya pinagtuunan ng pansin ang tanong ko at ibinaling ang atensyon kay tresha na patawa-tawa lang habang nakikinig saamin at chill na chill na nakaupo sa tabi ko.
"What do you want me to do then?" tanong ni Tresha sa kanya habang tumatawa
"Anything! Just make her drive faster! Gosh! Nakakapanget kayong dalawa!" Sigaw na sagot niya with matching face palm.
"wow! May ipapanget ka pa pala?" I said jokingly. Tresh laugh louder.
I chuckled, frustration is written all over his face. Oh! How I love to mock this guy. Ops! Gay pala haha.
The moment I stop the car nagmadaling bumaba si Demi at ibinagsak pasara ang pintuan ng kotse ko. Sumunod naman kaming bumababa ni Tresha.
"Kaimbyerna! Ang bully mo Margaux. Kainis! Kung hindi lang kita kaibigan. Nako! Isasalvage kita at isasama na rin yang walang kwentang mabagal mong sasakyan!" Iritang sabi niya
"Oh?" ang tanging komento ko. Napangiti na lang ako sa kanyang itsura
"OMG guys! Can you see what i see?!" rinig naming mahinang tili ni Tresha habang nagtatatalon at nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa isang banda.
Sinundan namin ni Demi ang tingin niya. May isang grupo ng mga kalalakihan ang nakatayo sa ilalim ng puno sa hindi kalayuan. May mga itsura naman? Ngunit ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang pinakamaputi sa kanilang lahat.
Tumatawa ito habang nakikipagkwentuhan sa mga kasamahan niya. He is tall, His black messy hair looks perfect to him, he has beautiful eyes with long eyelashes, pointed nose and thin red sexy curve lips. Playful aura surrounds him.
"Wahh! Mga fafa baklaaa!! Nakita ko na rin sa wakas ang nawawalang asawa ko! Jusko" / "May lovelife na ako! Ihhhh saakin si kuyang brown ang buhok! Omyyy! He's looking at me! He's looking at me!" malanding tili ng dalawa. Hindi mapakali at naghahampasan pa. Kulang nalang maglaway sila. Magmumukang asong ulol na.
Dahil sa malakas na boses ng dalawa naagaw namin ang atensyon nila at ibang taong malapit na nakapaligid saamin. Napatigil sila sa kanya kanya nilang ginagawa at nakatingin silang lahat sa direksyon namin ngayon.
Seriously? Nakakahiya! "oh please! Stop it you two. ang lalandi niyo! We're here to enroll and study. Hindi para magBoy hunt!" Inis na bulong ko. Napailing ako sa mga reaksyon nila.
Gustuhin ko man maglakad na at tumungo sa dapat naman talaga naming pupuntahan ng makauwi na nagaalangan akong maglakad patungo sa enrollment section dahil madadaanan namin ang grupo ng mga kalalakihan na pinagpapantasyahan ng dalawa.
"tss! KJ!!" singhal nila at napalabi.
"Tara na nga girl! Relax okay? Dadaan tayo sa harapan nila. Postura okayy! Wag mong ipahalata na kinikilig ka!" Bulong ni Demi kay Tresha na sumangayon sa sinabi niya at naglakad na sila na parang walang nangyaring kahiya-hiya kanina.
Nakatungo akong sumusunod sa likuran ng dalawa.
Nang nasa tapat na nila kami biglang may pumatid sa paanan ko at napahiga ako sa carpeted grass. Mabuti nalang at naka jeans ako, kung hindi nasilipan na ako.
Nagtawanan ang mga taong nakapaligid saamin.
"What the hell!?" sigaw ko. Dinaluhan ako ng dalawa kong kaibigan ngunit "Margaux! Are you okay?! Tumayo ka nga diyan nakakahiya sa kanila!" si Tresha. "bakla ang epic mo naman eh!" si Demi
"Wow! Mabubuting kaibigan! Concern ba kayo? Hindi ko halata." sarkastiko kong tanong sakanila "Is it my fault that someone stupid tripped me?!" inis na dugtong ko pa
(CONTINUATION NEXT UPDATE)
BINABASA MO ANG
ESCAPED
Mystery / ThrillerI run away, but no matter how far I run. They are still there. They are everywhere. There is no way to avoid. There is no way to ESCAPE.