Chapter 2

74.4K 1.7K 41
                                    

Nilingon ni Kimberly ang mga magulang. Nakita niya ang biglang pagtigas ng mukha ng ama. Ganoon din si Patrick na nagtagis ang mga bagang. Kung mayroon mang nakapuna ay hindi masabi ni Kimberly.

"Mom, please, pagsabihan ninyo si Kuya. Nakikiusap ako..." Tumango si Cristina at kaswal na lumakad patungo sa kinaroroonan ng bagong-kasal. Isang pisil sa balikat ang ibinigay nito sa anak at nagpatiunang sumalubong sa mga bagong dating.

Nilingon ng dalaga ang ama. "Dad, kung paano ninyo pakikiharapan ang mag-asawang Marzan, sana ay ganoon din kay Renz. Please, Dad, ayokong may mag-isip kung bakit may namamagitang animosity sa inyo."

"I cannot promise a warm reception, hija. But I will be very civil," ani Joseph na hinawakan ang nanlalamig na palad ng anak bago sinundan si Cristina.

Nakita niyang tumayo si Laila bagaman bantulot ang pagsunod ni Patrick.

"Hello, Renz. This is quite a happy reunion. Wala na akong mahihiling pa. Pareho kayong nandito ni Kimberly pagkalipas ng tatlong taon." Narinig niyang sinabi ng hipag.

"My best wishes, Lai," kinamayan ng lalaki si Laila. Pagkatapos ay tumingin kay Patrick at yumakap dito. "Congratulations, pare. After five years, kayo pa rin talaga."'

"Iyan ang kaibahan nating dalawa, Renz. Tapat akong magmahal at hindi ako naglalaro sa babae," sagot ni Patrick na bagaman bahagyang ngumiti ay binigyang diin ang mga sinabi.

Hindi maunawaan ni Renz pero nahihimigan nitong may ibang kahulugan ang sinabi ng kababata at kaibigan kung sa ibang pagkakataon nasabi iyon ay tatawanan lamang ni Renz. Lagi nang nabibiro nang ganoon si Patrick kung tungkol din lang sa pagpapalit-palit ng girlfriends ang binata.

Samantalang si Kimberly ay nilapitan ng mga magulang ni Renz.

"Kumusta ka na, hija?" Si Guada Marzan. "Kung hindi pa pala ikinasal itong si Patrick ay hindi ka mauuwi rito sa San Ignacio. Pareho kayo nitong si Lorenzo. Halos dalawang taon sa Amerika. At nang mauwi naman dito sa Pilipinas ay ngayon lang muli tumuntong sa lugar natin."

"Hello, Kimberly. It has been a long time." Si Renz sa malamig na tinig at blankong ekspresyon.

"Renz..." bahagya siyang ngumiti. Pilit itinago ng ngiti ang kaba ng dibdib at panginginig ng mga tuhod. How dare he look even better than he had three years ago. Mula nang umalis siya sa San Ignacio tatlong taon na ang nakararaan, tinaglay niya sa isip na walang ibang lalaking maaaring pumantay rito. Ang tila nangungusap na mga mata... ang pilyong ngiti... ang pagsasalubong ng mga kilay kapag nagagalit, all added to his good looks. At nagagalit siya sa sarili dahil hanggang ngayon ay para pa rin siyang teenager na nakamata rito.

"Eh, ang napangasawa mo, hija, talaga bang wala na kayong pag-asang magkasundo pang muli?" Si Mrs. Marzan.

Ang pinraktis na lungkot ay natural na lumabas sa mukha niya. Sa mga pagkakataong ganito na may nag-uusisang mga taga-San Ignacio sa "asawa" niya ay ganoon ang ginagawa niya. Tulad ngayon.

"Oh, I'm sorry, hija," bawi ni Mrs. Marzan. "Alam kong masakit para sa iyo ang nangyari. Nalulungkot din kami, Kim. You are such a nice girl and you really deserved a better husband "

"Did you file an annulment, Kim?" Si Mr. Marzan.

"I... I'm working on it. Pero alam naman ninyo ang mga ganitong legal matters, taon ang binibilang," aniya.

"But surely, hindi mo kailangang maghintay ng annulment para magkaroon uli ng panibagong kakasamahin, 'di ba, Kimberly?" Si Renz na may bahid ng malisya ang tinig. Gulat na napatingin dito si Kimberly.

Sweetheart Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon