PABILING-BILING sa higaan si Kimberly. Sa pakiwari niya ay may gumagalaw sa kanya. Pataas-patagilid.
May humahaplos sa buhok niya, humahalik sa mukha niya, sa noo, sa ilong at sa mga labi. It feels so heavenly.
"I love you, sweetheart. So very much. Hindi ko sinabi ang mga salitang iyan sa kahit na kaninong babae," ang sinasabi ng tinig sa panaginip niya. Patuloy ito sa pagyakap at pagdama sa katawan niya. It was a glorious feeling. Hindi niya gustong gumising.
"I love you, too, Renz. Walang ibang lalaki... ikaw lang..." she was murmuring. Hindi niya maidilat ang mga mata niya. She's too tired and sleepy. Isa pa, talagang hindi niya gustong magmulat dahil baka maputol ang panaginip niya.
"I know that now. Patawarin mo ako sa mga kasalanan ko sa iyo," ang boses uli. Sinusuklay ng kamay nito ang buhok niya at marahang hinahagod at pinipisil ang batok niya.
"Hmm..." she felt so relax at isiniksik ang sarili sa mainit na katawang iyon.
INAANTOK pa siya pero naliligalig siya sa throbbing sound na naririnig niya. Bakit ba parang may kumikiliti sa ilong niya at bakit parang may mabigat na bagay na nakadagan sa mga binti at baywang niya?
Napilitan siyang unti-unting magmulat ng mga mata. Marahang iniatras ang ulo. Matitipunong dibdib ang namulatan niya at marahil ay ang tibok ng puso nito ang naririnig niya. At ang mga pinong balahibo sa dibdib ang kumikiliti sa ilong niya.
Pipikit sana siyang muli nang may maisip. Balahibo sa...! Kasabay ng pagbangon ay tumili si Kimberly. May katabi siyang lalaki sa higaan! Nakayakap at nakadantay sa kanya!
Naalimpungatang nagmulat ng mga mata ang lalaki. Tinutop ang noo na biglang napaangat sa pagkakahiga.
"Ano'ng...?" Napapikit ito nang makitang siya ang tumili. "Oh, sweetheart, you'll drive the whole town rushing here sa sigaw mo na iyon."
"Ano ang ginagawa mo rito, Lorenzo Marzan?" sindak niyang tanong na bumaba ng kama. "Bakit ka narito? Paano kang nakapasok dito sa silid ko?" Pagkasabi noo'y mabilis na lumabas ng silid.
Pinagbubuksan ang dalawang silid sa itaas at hinanap ang mga magulang at anak kasabay ng malakas na tawag. Nang hindi makita ay bumaba ng hagdan.
"Mom! Dad!" Naikot na niyang lahat ang buong kabahayan at likod-bahay. Wala ang mga magulang niya at si Ralph. Wala rin ang kotse ng daddy niya sa garahe. Sa driveway ay ang Strada ni Renz.
Kung paano siya kabilis na bumaba ay ganoon din siya kabilis na nakabalik sa silid niya. Naroon pa rin si Renz na nakadapa sa mga unan niya at walang pakialam sa histerya niya.
"Bumangon ka diyan, Renz, at mag-usap tayo!" hiyaw niya. "Nasaan ang mga magulang ko? Ang anak ko? Bakit ka narito? At ano ng ginagawa mo diyan sa higaan ko? Ano ang... ginawa mo sa akin?" sunod-sunod na pahisterya niyang tanong.
Ni hindi kumikilos ang binata bagaman sumagot. "Wala akong ginawa sa iyo maliban sa pinalitan ka ng damit pantulog. You just dropped dead in your bed with everything on including your muddy shoes," sagot nito na hindi halos maintindihan ni Kimberly dahil nakabaon ang mukha nito sa unan. "Oh, well, except for a few kisses which you deliriously accepted."
"Oh!" Tumingala siya sa kisame. And she thought she was dreaming. Nang malamang may humahaplos sa katawan niya'y muling bumaling sa binata. "Hindi ako naniniwala sa iyo, Lorenzo. I could feel that... that..." Hindi niya matapos-tapos ang sasabihin. Nahahati sa pagitan ng galit at hiya.
BINABASA MO ANG
Sweetheart Series 1
Storie d'amore"Ikaw ang aking panaginip... ang aking magandang pag-ibig." Isang matinding crush ang umusbong sa batang puso ni Kimberly para kay Renz noong sixteen siya. Love letters and gift, waltz and song, promises and the very first kiss. All grow into a beau...