HUSTONG alas-nuwebe y media ay nasa Paseo de Roxas siya. Nasa fifth floor ng building na iyon ang opisina ng Bio-Natura Philippines, Inc.
"Good morning," bati niya sa receptionist. Ibinigay ang calling card niya dito. "I have an appointment with Mr. del Rosario this morning. He is expecting me."
"Oh, yes," sagot ng receptionist nang mabasa ang pangalan niya sa tarheta. "I'm sorry, Miss Antonio, pero may hindi maiiwasang appointment ngayong umaga si Mr. del Rosario."
Biglang gumuhit ang disappointment sa mukha ni Kimberly. Hindi niya inaasahan ito dahil ipinakompirma niya ang appointment kahapon. Malalaking kompanya ang mga kalaban niya tiyak at kung mapapalyahan niya ang pakikipag-usap sa manager ay maaaring maunahan sila ng ibang advertising company.
"But one of the directors is available at the moment and he would like to see you instead," dugtong ng receptionist.
"Oh," umaliwalas ang mukha niya. "Can I see him now?"
Tumayo ang receptionist. "This way, please..." nagpatiuna ito at kumaliwa sa isang hallway. Marahang kumatok sa isang silid bago itinulak ang pinto. "Sir, narito na ho si Miss Antonio."
Bahagya na niyang narinig ang 'send her in' na isinagot ng nasa loob.
"Pumasok ka na," nangiting wika nito bago muling lumakad pabalik sa reception area.
Bakit ba kinakabahan siya, eh, dati naman niyang ginagawa ito. Sinuklay ng mga daliri ang buhok. Huminga nang malalim at pagkatapos ay pinihit ang doorknob at tuloy-tuloy na pumasok.
Nakatalikod sa kanya ang taong kakausapin at nakatanaw sa labas ng bintana. Hawak ng isang kamay nito ang hinawing kurtina. Kulay abuhin ang business suit.
Marahan itong humarap sa kanya at kulang na lamang ay himatayin siya. Bahagya siyang umatras upang sumandal sa pinto. Humigpit ang hawak sa attache case na para bang buhay at kamatayan ang nakasalalay roon.
"Hello again, sweetheart," bati ni Renz sa pormal na tinig. Itinuro nito ang swivel chair sa harap ng executive deck. "Please, have a seat."
Marahan siyang humakbang. She won't break into pieces dahil lamang nasa harap niya si Renz. Marahang naupo and crossed her legs.
"This... is quite a surprise," aniya na lumunok.
"Inaasahan kong ganoon nga. Pero hindi ba at sinabi ko sa iyo na magkikita pa rin tayo," wika nito na naupo sa sariling silya.
Napaangat ang paningin ni Kimberly. "I-ibig bang sabihin niyan ay hindi nagkataon lang ang pagkikita nating ito?"
Bahagyang ngumiti ang binata. "Kung sasabihin kong nagkataon nga lang ay hindi mo paniniwalaan, 'di ba?"
Tumaas ang dibdib niya at sinikap pigilin ang paghinga. Sinasadya ba ni Renz ang pagkikitang ito? Pinlano?
"Ako ang nag-utos kay Mr. del Rosario na tawagan ang Aldana Advertising, Kimberly. Dahil kung siya ang masusunod, ang malalaking advertising company ang gusto niyang makausap," sinagot nito ang nasa isip niya.
"Hindi maliit na kompanya ang Aldana, Renz," gustong magpanting ng tainga niya sa ini-imply na insulto.
"Siguro. Pero hindi rin naman ito malaki kompara doon sa mga naglalakihang advertising companies."
"Ganoon naman pala at sa tono ng salita mo'y hindi kami aabot sa standard ng opisinang ito, bakit kailangang tawagan mo ang opisina para magpakita ng trabaho?" halos paangil niyang sinabi. Mas gugustuhin pa niyang ginagalit siya ng taong ito kaysa nai-intimidate.
BINABASA MO ANG
Sweetheart Series 1
Romance"Ikaw ang aking panaginip... ang aking magandang pag-ibig." Isang matinding crush ang umusbong sa batang puso ni Kimberly para kay Renz noong sixteen siya. Love letters and gift, waltz and song, promises and the very first kiss. All grow into a beau...