Chapter 6

55.5K 1.3K 31
                                    

"YES! May paraan!" aniya. Tumaas ang mga kilay ni Renz na bahagyang ikiniling ang ulo.

"Puwede kang tumanggi. Sasabihin ko sa kanila na hindi mo gustong halikan kita... that you don't like to participate. Yes, that's it!"

Tinitigan ng binata ang dalagita. Noon lamang hustong napagtuunan ng pansin ng binata si Kimberly. Para dito, kapatid na rin ang turing nito sa dalagita dahil nga matalik nitong kaibigan si Patrick since elementary days.

Pero minsan ay talagang nagtataka si Renz kung bakit nitong huli ay may mga binatilyong malimit na napagkikita sa bahay ng mga Antonio. Nang mahirang si Kimberly bilang Miss High school, he attended the coronation dahil lamang kay Patrick pero ang totoo, ni hindi nalaman ni Renz o napanood ang buong programa. Naroon ito sa likod ng science building, necking with his current girl, Dianne.

Nasa harap nito ang dalagita. Nakasabog sa mukha ang kulot-kulot na buhok. Parang painting ng mga sinaunang pintor sa Italy. Shy and pretty. Young and fresh like a flower not yet in bloom. At dapat sa mga pisikal na katangian na ito ng dalagita ay may boyfriend na tulad ng ibang mga kasing-edad na kakilala nito. Pero wala na lamang ganoon si Renz.

"Hey, hindi ka na kumibo. Bakit titig na titig ka sa mukha ko?"

"Because I want you to kiss me, sweetheart," ani Renz.

"A-ano?" hindi makapaniwalang bulalas ni Kimberly. Tama ba ang narinig niya?

"Ang sabi mo nga, sport lang sila sa bahagi nila. Bakit hindi ikaw? And were you not suppose to kiss me at sight? The mere fact na sinasabi mo sa akin ito ay nandadaya ka na. Pagkatapos ay gusto mo pang umiwas. You can't cheat, can you?" nakangiting sinabi nito.

"Pero... pero..." hindi siya makaapuhap ng sasabihin. Sa palagay niya ay nanlalamig ang buo niyang katawan.

Sana'y si Mang Tasyo na lamang ang dumaan, kahit na siguro hindi ito naliligo. "Nagbibiro ka lang, 'di ba?"

"Sweetheart, I've never been serious in my whole life. Besides, this is just a game. Be sport."

Walang masabi si Kimberly. Nanatiling nakatanga. Nanlaki ang mga mata niya at napalunok siya nang banayad na hawakan ni Renz ang baba niya at itingala.

"This is already cheating you know? Ikaw ang dapat na humalik sa akin. Not the other way around," bulong ni Renz habang unti-unting bumababa ang ulo nito tulad sa isang slow-motion patungo sa mga labi niya.

Gusto niyang umatras at umiwas pero tila siya naestatwa sa kinatatayuan.

When he touched her lips, ipinikit niya ang kanyang mga mata on instinct. And he gave her the softest and gentlest kiss ever.

Pagkatapos ay unti-unti rin ang pagbitaw na ginawa nito sa kanya that she even parted her lips a little. Nang magmulat ng mga mata si Kimberly ay litong tinitigan niya si Renz. Nakita niyang nagsasalubong ang mga kilay nito. Hindi niya maunawaan ang ekspresyong nakabadya sa mukha ng binata. Pero iglap lamang iyon. Ngumiti ito.

"So there, mission accomplished," kaswal nitong sinabi.

Kumislap ang mga mata ni Kimberly sa biglang pamumuo ng mga luha sa mga mata niya. She blinked the mists away and swallowed hard.

"There's no need to be misty-eyed, sweetheart. I just gave you my fastest kiss on record." Marahan at banayad ang tinig nito pero nahihimigan niya ng amusement.

Bahagyang umatras nnag dalawang hakbang ang dalagita. Pagkatapos ay tumalikod at patakbong bumalik sa building. Hindi pa siya halos nakakapasok ay nagkakantiyawan na ang mga classmate. Nanlalambot ang mga tuhod na umupo siya sa baldosa. Bahagyang humihingal. Hindi niya alam kung dahil sa ginawang pagtakbo o dahil sa halik na iyon.

"Goodness, Kim, how lucky can you get!" Si Lilibeth.

"Gusto kong himatayin!" kinikilig nitong sinabi na umupo na rin sa tabi niya.

"Oh, dear! Bakit hindi sa akin natapat ang utos na iyon at sa oras ding iyon. Puwede ko sanang itala sa diary ko na ang first kiss ko ay ang crush kong pinakaguwapong lalaki sa buong campus!" Si Gigi.

"Anong first kiss mo? Nagbibiro ka. Huwag mong sabihing hindi ka pa nahahalikan ni Jimmy?" Si Laila na natatawa.

"Spoilsport!" angil ni Gigi. "Basta, talagang naiinggit ako sa halik na iyon, Kimberly!"

"Hus, halik ba iyon? Dampi lang, eh," pangangatwiran ng dalagita. Sunod-sunod pa rin ang kabog ng dibdib.

"Dampi! That was four seconds to be exact. Oh dear, it was like watching a romantic dream. Like Lancelot to Guinevere... and Prince Charming to Sleeping Beauty."

"So kilig talaga, Kim!"

"O, sige na. Kilig na kung kilig. I'm only sorry na hindi ganoon ang nararamdaman ko," aniya na wala sa loob na inikot-ikot ang bote ng softdrink.

Tinitigan siya nina Lilibeth at Gigi. Si Laila ay tahimik lamang na nakamasid at ngingiti-ngiti.

"Alam mo, sa lahat sa ating apat, ikaw pa lang ang ni minsan man ay hindi pa nagkaka-boyfriend. At isiping halos may crush sa iyo ang male population ng high school department," ani Lilibeth na naghihinalang nakatitig sa kanya. "Kung nasa akin lang ang beauty and brain mo, 'day, naku iyang boys na iyan."

"Mabuti na lang at hindi sa iyo napunta," natatawang wika ni Laila.

Hanggang sa pauwi sila'y hindi pa rin matigil sina Gigi at Lilibeth sa katutukso sa kanya. Nakitawa at nakisakay siya dahil hindi niya gustong mahalata ng mga kaibigan ang damdamin.

Her very first kiss! Nararamdaman pa niya ang mga labi ni Renz sa mga labi niya She was only too glad na hindi nito napuna ang panginginig ng mga tuhod niya.

Can a kiss really be so electrifying?

Anuman ang nangyari, lumipas man ang panahon, she will always treasure that moment.

Sweetheart Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon