Chapter 18

52.2K 1.4K 19
                                    

PATULOY sa paglipas ang mga araw. Unti-unti nang naalis sa isip ni Kimberly ang pagkikita nila ni Renz sa kasal ng kapatid.

"Kimberly, hija, nakausap ko ang manager ng Bio-Natura Philippines. They intend to advertise their beauty products at isa tayo sa binigyan ng pagkakataong makapag-submit ng advertising campaign," excited na balita ni Laura Aldana isang umaga.

"Hindi ba at multi-level marketing ang palakad ng mga iyon?" aniya na hindi inaalis ang mga mata sa computer. The company deals on herbal and phytotherapeutic products at nakagamit na siya ng mga produkto nito. Superior ang quality bagaman may kamahalan.

"Oh, yes. Pero gusto nilang mag-advertise ng beauty products. Like Bio-scrub na may volcanic ash, etc., etc., at iyong Bio-Rejuvenessence. Pero ang supplemental and therapeutic products will still be multi-level and being sold over-the-counter para sa mga medical rep," patuloy ni Laura. "This is our chance, Kim. Kailangang-kailangan natin ang trabahong ito."

"Paano kung hindi nila magugustuhan ang advertising campaign na ipapasa natin?"

"Be optimistic. Malaki ang tiwala ko sa iyo. Wala ka pang trabahong na-reject," patuloy ni Laura na ang excitement sa tinig ay hindi nawawala.

"They're small and newly established companies, Tita Laura. Maliban pa sa hindi naman talaga tayo nag-charge competitively," katwiran niya na binitiwan ang trabaho.

"How could you be so humble. Matagal na ako sa trabahong ito, Kimberly. At alam ko ang husay ng mga ideya mo."

"Thanks, Tita. Gaano katagal natin gagawin ang ad?"

"Two weeks, hija." Kumislap ang mga mata nito. "I have this feeling na mapapasaatin ang kontrata ng Bio-Natura. I have so much faith in you, Kimberly. Be original about the ad, darling. Pambabae ang produkto."

ILANG araw na pinagpuyatan ni Kimberly ang trabaho. At sa umagang iyon ang appointment niya kay Mr. del Rosario. Ipinakumpirma na niya ito kahapon sa sekretarya ni Laura.

Umikot siya sa salamin at binigyan ng huling tingin ang sarili. Smart and business-like. Iyon ang gusto niyang i-portray. Pero anuman ang pagpipilit niyang manatili sa ganoon ay lagi nang humihigit pa roon. Hindi iilang businessman ang nagkakainteres sa kanya.

Tulad ngayon, business suit ang suot niya. Puting pencil cut na palda na may slit sa likod, coordinates na black and white na blouse at puting blazer na tailored-cut. A black stockings and two-and-a-half inches high heels. Ang impact niya—smart and sexy!

Idagdag pa ang buhok niya na natural and unruly ang kulot. Hindi niya maipusod kaya hinahayaan na lang niyang nakalugay na nagdadagdag lamang sa alluring look niya.

Dinampot niya ang attache case at lumabas ng silid. Nasalubong niya sa ibaba ng hagdan si Ralph na karga ni Grace, ang katulong.

"Mommy, h'wag alis..." si Ralph na pilit na kumakawala sa pagkakarga ni Grace. Inilapag niya ang attache case at inabot ang anak.

"May appointment si Mommy, honey. Promise, uuwi si Mommy nang maaga and I will bring home your favorite french fries, okey?" Sinabayan niya ng halik sa pisngi.

"Fench fies?"

"Yap. French fries," natatawang ulit niya. Maliban sa ganoong mahihirap na salita ay matatas at deretsong magsalita ang anak. Sa gulang na dalawang taon at tatlong buwan ay malaking bulas. Ang kulot lamang nitong buhok ang sa palagay niya'y nakuha sa kanya. All the rest ay kay Renz lahat.

Huminga siya nang malalim at muling ibinalik kay Grace ang bata. "Be a good boy. And don't you cry when you want something. Men don't cry. At hingin mo nang maayos, ha? Huwag mong aawayin si Grace," pabirong bilin niya sa anak.

Atubiling binitiwan ni Ralph ang lapel ng blazer niya. Nakabadya ang iyak sa mukha nito.

"Opps... ang sabi ko'y huwag iiyak." Itinuro niya ang ilong ng anak.

"Men don't cry..." ulit ni Ralph na pinipigil ang paghikbi. Natawa si Kimberly at muling hinalikan ang anak.

"Bye, love."

Sweetheart Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon