Chapter 21

55.2K 1.4K 6
                                    

Pumasok siya kinabukasan na naroon na si Laura sa silid niya.

"You're early today," bati niya. Inilagay sa mesa ang bag at attache case. Pagkatapos ay inayos ang mga gamit sa mesa.

"Ibinitin mo ako kahapon, Kimberly. Ano ang nangyari sa pag-uusap ninyo ng manager ng Bio-Natura?" Naupo ang matandang babae sa gilid ng mesa.

Matabang siyang ngumiti. "Tulad na ng sinabi ko sa inyo kahapon, sa atin ibinigay ang contract"

"That fast?" Tumaas ang mga kilay nito na bagaman nagtataka ay umaliwalas ang mukha "Oh, well, they must really have appreciated your work kaya ganoon kadali. And I'm really so glad, Kimberly. Medyo nahihirapan ang kompanya ngayon, hija. at talagang kailangan natin ang trabahong ito. Money aside, Aldana Advertising keeps me going. Ano ang gagawin ko kung wala ang kompanya?"

Nakadama siya ng habag sa matandang babae. Mula nang mamatay ang asawa nito'y ibinuhos na ang lahat ng panahon sa kompanya. Si Marlon ay hindi naglalagi sa Pilipinas. At iyon ang talagang dahilan kaya hindi niya maaaring pabayaan ang trabahong ito. Malaki ang utang-na-loob niya kay Laura dahil sa tulong na ginawa ni Marlon nang magpanggap itong asawa niya.

"Hindi mawawala ang kompanya, Tita Laura," paniniyak niya "Maliban sa Bio-Natura, marami pa tayong makukuhang kontrata."

"With you around, hija, I can be very sure of that."

Isang tikhim ang nagpalingon sa dalawang babae sa nakabukas na pinto Nakatayo roon si Renz in a dashing signature polo-shirt na kulay puti at itim na slacks.

"Good morning, ladies." Ngumiti ito na ang mga mata'y nagtagal kay Mrs. Aldana at bahagyang sinulyapan si Kimberly.

"H-hello, Renz." Bumilis ang tibok ng dibdib niya "Maupo ka. Tita Laura, this is Mr. Lorenzo Marzan, ang managing director ng Bio-Natura Philippines."

Ngumiti si Laura at inabot ang kamay. "Oh, hello, Mr. Marzan. I'm Mrs. Aldana."

"My pleasure, ma'am," hindi nito inaalis ang mga ngiti sa mga labi. "I'm terribly sorry if I dropped by this early pero nalimutan ni Kimberly na ibigay sa akin ang advertising campaign na ginawa niya." Sinulyapan nito si Kimberly na pinanlakihan ng mga mata.

"Nakalimutan?" bulalas ni Laura. Pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Ibig mong sabihin you never had the chance to even look at it?'"

Bahagyang ikiniling ni Renz ang ulo tanda ng pangsang-ayon.

"Then how were you able to study and approved her work kung—"

"'The Antonios and the Marzans were friends way back, Mrs. Aldana," amused nitong sagot. "Pareho kami ng alma mater ni Kimberly at alam kong mahusay siya."

Damn you, Lorenzo Marzan!

"And you're giving us the contract dahil lang doon?" Hindi pa rin makapaniwala si Laura.

"That and my confident sa kakayahan at husay ni Kimberly. Puwede ko bang hingin ngayon iyon and probably discuss with you some of the ideas?"

"But of course... of course..." agap ni Laura na nilingon ang nakatangang si Kimberly. "Nasaan iyon, hija?" Pagkatapos ay muling bumaling kay Renz. "I'm sorry, I forgot to offer you something. What would you like to have, Mr. Marzan, coffee? Juice?"

"Coffee is fine, thank you."

Dadamputin sana nito ang intercom upang magpapasok sa sekretarya pero minabuting hindi na. May nararamdaman itong tensiyon na hindi mawari.

"I'll fix it myself," anito na sinabayan ng labas.

"Damn you, Renz!" pabulong na sinabi ni Kimberly na namumula sa galit. "Pinagmukha mo akong gaga at tanga! Natitiyak kong itatanong ni Tita Laura kung bakit mo ibinigay ang kontrata sa amin nang hindi pa man lang nakikita ang trabaho ko."

Nagkibit ng balikat si Renz. "Di sabihin mo sa kanya ang totoo na sa paniningil ko ay nagawan ko ng malaking pabor ang kompanya niya."

Ibinagsak niya ang mga papel sa mesa. "Alin bang paniningil ang sinasabi mo. Kung anuman ang namagitan sa atin noon ay tapos na iyon. Wala akong utang na dapat bayaran sa iyo. Kaya hindi kita naiintindihan kung anong kasalanan ang dapat kong pagbayaran sa iyo.'' Sa kabila ng galit ay nagbabadya ng pagsusumamo ang mga mata niya.

Tumalim ang mukha ni Renz at nilapitan siya. Napasiksik sa dinding si Kimberly. "Stop the theatrics. Kimberly! Alam kong mahusay ka diyan."

"For heaven's sake, Renz, maupo ka!" Gusto na niyang maghisterya.

"Well, well, I still have that effect on you, haven't I?'' bulong ng binata sa mapanganib na tono. Inabot ang batok niya at marahas na hinila pakabig.

kung hindi niya naisip na nasa opisina sila ay sumigaw na siya. Ibinuka ang bibig upang magprotesta subalit hindi nagawang makalabas ng tinig niya. Mga labi ni Renz ang tumakip doon at siniil siya ng halik. Marahas na mga halik tulad din noong nasa batis sila.

Gusto niyang magpumiglas pero hindi niya nagawa. She was paralyzed with mixed emotions. Malaki ang epekto ng ginagawa ni Renz sa katawan niya. And after all these years... after missing him so much.

Nagbago ang paraan nito ng paghalik sa pagpapaubaya niya. He was kissing her softly and tenderly na tila siya babasaging kristal. Tulad din ng gabing iyon sa batis, in the moonlight, when he so gently took her.

Bigla ang paghinto ni Renz nang malasahan nito ang alat ng nag-iisang luhang kumawala sa mga mata niya.

"Damn you, Kimberly!" he whispered in an angry and husky voice. "Bakit ka nag-asawa ng iba?" Sa pagkakataong iyon ay hindi nito nagawang itago ang kapaitan sa tinig.

Nag-angat ng mukha si Kimberly "Bakit?" bulong niya sa ganoon ding tinig. "You're so unfair, Renz... you're so unfair!" At tuluyan nang kumawala ang mga luha niya.

Sa sandaling iyon piniling pumasok ni Laura na dala ang tray ng kape. Nagsalubong ang mga kilay nito sa dinatnang eksena. Dinampot ng binata ang mga papel sa mesa.

"Ikinalulungkot kong kailangan kong umalis, Mrs. Aldana. Nakalimutan kong may appointment nga pala ako ngayong umaga," wika nito kay Laura na naguguluhang nakatingin pa rin sa kanila. Nilingon ni Renz si Kimberly. "I'll see you in my office, Kimberly. Bukas ng alas-diyes para sa kontrata," ang awtorisadong salitang binitiwan bago lumabas.

Ibinagsak niya ang sarili sa silya at nagtuloy-tuloy ng umiyak. Sandaling hinayaan siya ni Laura sa ganoong ayos.

"You can have my shoulder to cry on, hija," banayad nitong sabi.

Nagtaas ng mukha si Kimberly. Inabot ang tissue at nagpahid ng mukha. "Siya ang... ama ni Ralph, Tita Laura," aniya makaraan.

"Oh!"

Sweetheart Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon