Chapter 7

55.6K 1.3K 24
                                    

SABADO ng gabi ng sumunod na araw ay ang senior prom. Napakaganda ni Kimberly sa off-shouldered pink chiffon dress na may nakakabit na rosas na ginawa sa ganoon ding tela sa may dibdib niya.

Ang mommy niya ang naglagay ng makeup sa kanya. Very light na halos hindi mapupuna at dinampian ang mga labi ng frosted pink lipstick.

"Wow, sis! Mukhang hindi ka sixteen, ah. Dalagang-dalaga ka na sa ayos mo." May paghangang sinuyod siya ng tingin ni Patrick.

"Ikaw rin, Kuya. Natitiyak kong sa gabing ito ay ikaw lang ang makikita ni Laila," nakangiting tukso niya.

Biglang hinila ni Patrick ang kapatid sa sulok. "Iyang bibig mo, ha. Mamaya marinig ka ng Daddy."

"Ano ang maririnig ni daddy ninyo?" Si Cristina na sumungaw sa pinto kasunod si Joseph.

Nagkamot ng ulo si Patrick. "Wala, Mommy."

"Patrick, hijo, baka naman ikaw ay nakikipag-girlfriend na niyan, ha? I have nothing against it, anak. Kaya lang baka hindi mo kayang i-maintain ang distansiya ninyo sa isa't isa ay masubo ka. Mahirap magpamilya nang hindi handa, hijo." Si Joseph.

"I promise you, Dad. Hindi ako mag-aasawa hanggang hindi ko kayang suportahan ang magiging pamilya ko. I'm giving you my word of honor," seryosong sinabi ng binata.

Tumango-tango si Joseph. "I'll count on that."

"Patrick, hindi gaanong magpapagabi, ha? Huwag mong iiwanan ang kapatid mo habang nasa likod ka ng halamanan," natatawang bilin ni Cristina.

"Mom!" Nilingon ng binata ang nagtatawang si Cristina.

"Did it hit home, son?"

"Sinabi n'yo pa, Mommy," segunda ni Kimberly na kung hindi nakatakbo ay napalo sa likod ng kapatid.

Tulad ng inaasahan na niya ay dinaanan muna nila si Laila sa bahay nito. Marami nang tao pagdating nila at nagsisimula na ang programa. Pinagkalumpunan kaagad si Kimberly ng mga boys na bawat isa ay nagnanais na maisayaw siya.

Ilang tugtog ang walang hinto niyang isinayaw. From slow drag to rock. At nag-e-enjoy siya, idagdag pa ang mga papuri ng mga kasayaw.

Kasalukuyan niyang kasayaw ang presidente ng student council nang lapitan sila ni Renz.

"Excuse me, puwede bang ako na ang magtuloy, pare?" nakangiting wika nito sa partner niya na bagaman gustong tumanggi ay nagbigay.

Abot-abot ang tahip ng dibdib m Kimberly nang hapitin siya ni Renz at pumagitna sila sa bulwagan sa saliw ng Tales from the Vienna Woods.

"Para kang bulaklak na pinagkakaguluhan ng mga bubuyog, sweetheart. You never missed a single piece."

"Bakit ka narito?" pormal niyang tanong. Ang kuya niya ay nasa labas at kausap si Laila at may palagay siyang kahit abutin ng ilang oras na hindi pumasok ang kaibigan ay bale-wala rito. "Paano kang nakapag-party crash?"

"I'm surprised you asked me that. Tiya ko ang principal ng high school, nalimutan mo na ba? Ayun siya, o," inginuso nito si Mrs. Peralta na kasama ng ibang mga guro.

That was stupid of her. Pero ano ba ang maaari niyang ipagkipag-usap dito? Bahagya siyang inilayo ni Renz at sinuyod ng tingin.

"You're looking good, sweetheart. As if you're celebrating your debut," wika nito nang nangingislap ang mga mata. Hinapit nito ang dalagita.

Hindi niya magawang sumagot. Ano ba ang sasabihin niya? Ang tanging alam niya'y magkadikit silang dalawa. Nasasamyo niya ang panlalaking cologne nito and it's tickling all her senses.

"Nagagalit ka ba sa akin dahil sa nangyari kahapon?" tanong ni Renz na ipinagkamali ang pananahimik niya.

Umiling siya. "Hindi. It was just a game, wasn't it?" sagot niya sa malamig na tinig. Inulit lamang ang sinabi ng binata kahapon.

Amused na ngumiti ang binata. "Don't go sophisticated on me, sweetheart. Maaaring mukhang dalaga ka na sa ayos at suot mo, but you're still my sweet sixteen. Hindi mo kailangang lagyan ng yelo ang tingin mo."

"Siguro nga, dahil hindi ko alam ang mga isasagot ko sa mga sinasabi mo. Maliban sa gusto kong itanong kung bakit ka gumamit ng possessive pronominal adjective na para bang pag-aari mo ako?"

Malakas na tumawa si Renz na ikinalingon ng mga ibang nagsasayaw sa kanila. "Speaking like a valedictorian. My lang ang ginamit ko, kung ano-ano nang term ang sinabi mo." Huminto ito sa pagsasayaw at hinila ang dalagita palabas.

"Saan mo ako dadalhin, ano ba, Renz?"

"Sa labas. Mainit dito at tinititigan na ako nang masama ng Tita Gwen. Five minutes lang kasi ang paalam kong nasa loob. Ang kaso, hindi naman ako makasingit sa mga nakapaligid sa iyo dahil hindi naman ako senior high."

Para siyang pinipilit sa gusto sa paghilang iyon ni Renz sa kanya. Lumabas sila sa may halamanan kung saan may mga bench na bato. Naupo si Renz pero nanatili siyang nakatayo.

"Maupo ka. Hindi ka ba nangangawit niyan?"

"Baka hanapin ako ni Kuya," aniya na lumingon sa pinanggalingan nila.

"Abala siya sa pakikipag-usap kay Laila. Don't worry."

Sumandal si Kimberly sa isang poste ng building.

Tumayo si Renz. Itinukod ang isang braso sa poste sa ibabaw ng ulo ni Kimberly habang itinaas ng isang kamay nito ang mukha niya.

"You're only a baby. Kung hindi lang liligawan kita," bulong nito sa kanya. Marahan nitong pinaglandas ang forefinger sa pisngi ni Kimberly na napatanga sa caress na iyon.

"Come on, lover boy, don't be a cradle snatcher," anang tinig sa likuran nila.

Nilingon ito ni Renz. "Dianne? Ano'ng ginagawa mo rito?" may bahagyang iritasyon sa tinig ng binata.

"Galing ako sa inyo. Sinabi ng mama mo na nandito ka nga raw. Pati ba naman ang party ng mga bata, Renz, pinatulan mo pa," nakangiti ang dalaga. May himig ng tukso ang tinig. Pagkatapos ay sinulyapan nito si Kimberly na hindi pa rin makakilos. Nginitian siya. "Sige na. Kimberly, bumalik ka na sa party ninyo. Don't let this guy spoil it. Pati ba naman ikaw ay kinakatalo nito," wika nito sa friendly voice.

Marahang humakbang si Kimberly. Ewan niya pero hindi siya naniniwala sa palakaibigang tono ng boses ni Dianne. Somehow, alam niyang pakitang-tao lamang iyon. Kung bakit kailangang gawin nito ang ganoon ay hindi niya alam.

"I'll take you back there, Kim," si Renz na akmang hahawakan siya sa braso subalit pinigil ito ni Dianne.

"She won't get lost, Renz," at tumawa ito nang marahan.

"S-sige. maiwan ko na kayo..." Tuloy na sa paglakad ang dalagita na hindi lumingon.

Sweetheart Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon