Chapter 27

87.3K 2.1K 203
                                    

Tumihaya ang binata at sa pag-ikot ay kumawala ang kumot na nakatakip sa katawan nito. Napapikit si Kimberly.

"Wala akong ginawa sa iyo, believe me, sweetheart," nakangiting wika nito. "Who wants to make love to a dead tired sleeping beauty? Surely not even prince charming. But I cannot promise you na wala akong gagawin ngayon," muli ang pilyong ngiti. "Have I told you how beautiful and sexy you are this morning? Even with your hysterics?"

"Oh!" aniya uli na hindi makatingin sa binata. "Takpan mo ang sarili mo, puwede ba? Kung wala kang ginawa, bakit ka nakahubad?"

"I always sleep in the nude, sweetheart. Di lalo na kung katabi kita," may amusement sa tinig nito.

"Oh, stop it, Renz! Takpan mo ang sarili mo at sagutin mong lahat ang mga itatanong ko!" Naiiyak na siya sa pinagsama-samang emosyon.

Itinaas ng binata ang dalawang kamay. "Okay... okay..." Kinuha ang kumot at itinabing sa ibabang bahagi ng katawan. "I can't believe this! Nagkaanak na't lahat sa akin pero... o, 'ayan. Maupo ka rito at sasagutin kong lahat ang tanong mo."

"Hindi. Mag-usap tayo nang ganito."

"Lumapit ka, Kimberly, o ako ang tatayo at bubuhatin kita pabagsak dito sa kama," may threat ang tinig nito. "Kagabi ko pa gustong magalit sa iyo dahil sa ginawa mong pagbibiyahe sa anak ko sa dis-oras ng gabi."

Biglang tumalim ang mga mata ni Kimberly at dinampot ang isang unan sa kama at inihampas kay Renz.

"You beast! lkaw pa ang may ganang magalit, ha!" Walang tigil siya sa sunod-sunod na paghampas. Naiiyak siya sa galit.

Hinawakan ni Renz ang mga braso niya at hinila pahiga sa kama and pinned her down.

"Sshh..." bulong nito na ang mukha'y halos nakadikit na sa kanya. "I drove like hell last night sa pagsisikap na abutan ko ang bus na sinakyan ninyo ni Ralph. Nauna lang kayong makarating dito nang mahigit sa kalahating oras."

"Bitiwan mo ako!" Pilit siyang nagpupumiglas. "Wala kang karapatang gawin sa akin ito! Paano kang nakapanhik dito? At nasaan ang mga tao sa bahay na ito?"

"I'm telling you now and stop wriggling. I'm beginning to feel something else. Baka kung ano ang matapos nating gawin sa halip," nangingiti nitong sinabi.

"Oh!" Pinanlakihan siya ng mga mata sa nararamdaman niya mula rito.

"Yes, oh! So better behave and listen, you little adorable prude. You are not helping me a bit fighting for self-control if you keep on wriggling. Nag-iiba lang ang pakiramdam ko and I miss you so much," he said in a controlled and husky voice.

Unti-unting huminto sa pagpupumiglas si Kimberly. Titig na titig lamang sa binata. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang intense desire. At tulad ng dati, she feared him that she trembles a little. Gusto man niyang magpumiglas ng todo at itulak ito ay alam niyang hindi niya kaya si Renz.

"Hindi... ako makapaniwalang pinapanhik ka ng mga magulang ko rito..." bulong niya. Sinisikap bahiran ng galit ang tinig.

Ngumiti ang binata. Nilaro ng daliri ang contour ng mukha niya. "Wanna bet? Pinapanhik ako ng daddy mo dito but I paid a price. Nakikita mo ba 'tong pangingitim sa ibaba ng mata ko?"

Noon lamang napuna ni Kimberly ang pasa nito sa mukha. Nagsalubong ang mga kilay niya.

"Nakakita talaga ako ng dancing star, sweetheart," natatawang wika nito.

"You deserved it!"

"Inaamin ko. Halos magmakaawa akong pakinggan ng daddy mong magpaliwanag. Kung hindi dahil sa mommy mo ay baka hanggang ngayon ay nasa loob pa rin ako ng pickup. Nakahanda akong matulog at maghintay roon kagabi." Huminga ito nang malalim. "Maraming sinabi ang mommy mo sa akin. So many misunderstandings all because of Dianne. Hindi ko alam noon kung paano siyang napasama sa trip patungong LA. But later, nalaman kong ginamit niya ang charm sa isa sa mga big boss ng kompanya. One week na kami sa Amerika nang ibigay niya sa akin ang bracelet mo along with your message na tinatapos mo na ang lahat sa atin."

Sweetheart Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon