Chapter 8

53.3K 1.2K 22
                                    

Dumeretso siya sa refreshment area at kumuha ng maiinom. Tumanggi siya sa mga nagyayakag sumayaw at halos hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi ng mga classmate niya. Ang isip niya'y naroon kina Dianne at Renz.

Nagseselos siyang isiping magkasama ang dalawa. Parang may bahagi ng dibdib niya na hinihiwa ng isang patalim. Oh, dear, Lord! She could not be in love with Renz. Crush lamang ang nadarama niya para sa binata at lilipas din iyon kaya hindi totoong nasasaktan siya. Paulit-ulit niyang ipinapasok sa isip niya iyon.

Party ng mga bata! Dianne sugar-coated the insult sa pamamagitan ng paimbabaw na ngiti. Bata! Eh, mas matangkad pa siya rito.

Hanggang sa makauwi sila'y iyon pa rin ang iniisip ni Kimberly. Lalo na ang sinabi ni Renz na kung hindi lamang bata pa siya ay liligawan siya nito. Bakit ganoon? Magkasing-edad lamang ito at ang kuya niya pero kasintahan na ng kapatid si Laila. At isang taon lang naman ang tanda ng huli sa kanya.

Nag-aalala kaya si Renz dahil kaibigan nitong matalik si Patrick? Hanggang sa makatulog siya'y iyon ang laman ng isip niya.

Dumating ang araw ng graduation. Valedictorian siya samantalang cum laude si Renz. Batian at kamayan at kung ano-ano pang kuwentuhan pagkatapos ng commencement exercise. Ang mga magulang niya ay kausap ng mga magulang ni Renz at ang principal. Si Patrick ay kausap si Laila at ilang mga newly graduates. "Basta pumunta kayong dalawa sa amin dahil naghanda ang mommy ko," imbita niya kina Lilibeth at Gigi.

"Tiyak iyon, eh, masarap yatang mag-spaghetti ang mommy mo," si Gigi.

"Excuse me, girls," si Renz na humalo sa kanila. Hinawakan sa braso si Kimberly. "May sasabihin lang ako dito sa sweetheart ko," kinindatan nito ang dalawang dalagita. Pagkatapos ay hinila si Kim sa likod ng stage. Nagpahabol si Gigi na baka makita sila ni Dianne ay magselos ito.

"Bakit ba?" Bahagya siyang umangil upang hindi mahalata ang kabang nadarama niya sa tuwing lalapit ang binata. "Baka nga makita tayo ni Dianne ay pagselosan pa ako noon." Oh, dear! Ang corny niya talaga.

"Forget her. Kahit bago pa ang senior prom ninyo ay nakipag-break na ako sa kanya," sagot ng binata na may dinukot sa bulsa.

Nakadama siya ng galak sa sinabi nito. May katotohanan man iyon o wala ay hindi mahalaga. Ang batang puso niya ay naniniwala. At ang isa pang ipinagtataka niya ay ang pag-uukol nito ng pansin sa kanya nitong mga nakaraang araw.

"Congratulations," ani Renz na inabot sa kanya ang isang rectangular box na malapad lamang nang kaunti sa lagayan ng Parker ballpen.

"A-ano ito?"

"Para sa iyo sa graduation mo," nakangiting sagot nito.

Sinikap niyang maging kaswal. "Magreregalo ka rin lang, ang liit pa ng kahon."

Natawa si Renz. "The most precious things in the world are wrapped in small packages."

Umirap siya. "Oo na. At ano naman po ang laman nito?"

Pumormal si Renz. "Sa inyo mo na buksan, sweetheart. Binili ko iyan mula sa sarili kong allowance. It may not be very expensive pero ang thought na nakapaloob diyan ay higit pa sa mamahaling regalo."

"W-well... thank you, Renz. Nakakahiya sa iyo, wala akong regalo."

"You already gave it in advance," he spoke huskily habang nakatitig sa mga labi niya.

Namula ang dalagita. Hindi man niya itanong ay alam niya ang ibig sabihin nito.

"Halika na at baka hinahanap na nila tayo." Muli siyang hinila nito pabalik sa karamihan.

Mula sa isang grupo ay hindi niya napuna si Dianne na sinundan sila ng tingin at sa munting kahong hawak niya.

"O, saan ka ba galing? Aalis na tayo," si Cristina. "Nauna na si Daddy mo sa kotse kasama si Patrick at si Laila. O, ano iyang hawak mo?" tanong nito nang mapuna ang hawak niya.

"Mula kay Renz, Mommy," wala sa loob niyang sagot.

"How thoughtful!" nakangiting sinulyapan ni Cristina ang binatang kasama na ng mga magulang patungo sa sasakyan ng mga ito.

Pagdating sa kanila ay agad siyang humingi ng paumanhin na papanhik muna at magbibihis. Nag-lock siya ng pinto ng silid at naupo sa kama. Kinakabahang binuksan ang kahon habang ingat na ingat na hindi mapunit ang wrapper.

Isang kulay pink na papel ang una niyang nabungaran na nakapaibabaw. Inangat niya ito at natambad sa kanya ang isang gold-chain bracelet na may namesake. Naka-engrave doon ang pangalan niya at may "R" sa dulong kanan.

"Oh, Renz!" Gusto niyang maiyak sa nag-uumapaw na kagalakan. Ikinabit niya sa kanang braso ang pulseras at pagkatapos ay saka pa lamang dinampot ang kulay rosas na papel.

Sulat para sa kanya!

Sweetheart Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon