Chapter 13

53K 1.2K 70
                                    

"BITIWAN mo ako, ano ba?" angil niya. Tumaas ang blouse niya at nararamdaman niya ang init ng mga braso ng binata sa kanyang tiyan.

"Iyan ba ang isasalubong mo sa akin?" nahihimigan niya ng amusement sa tinig nito. Marahan siya nitong ibinaba sa lupa pero hindi binibitiwan. "Tara doon sa may batis." Inakay siya nito at nagpatiunang lumakad. Halos magkandarapa siya sa pagkakatisod sa ilang mga nakausling sanga ng puno. Kung hindi mahigpit ang hawak nito sa kanya ay nadapa na sana siya.

"Nasasaktan na ang kamay ko, bitiwan mo ako!" sigaw niya.

"Sshh— magigising mo pati panggabing ibon diyan sa ingay mo," natatawang sinabi nito na hinawi ang sa palagay niya ay mababang puno ng kape dahil nabanaagan niya sa kapirasong liwanag ng buwan ang maliliit na butil na tumama sa kanyang mukha.

Narinig niya ang marahang lagaslas ng tubig na dumadaloy mula sa sinasabi nitong batis. Kumikislap ang tubig na tila brilyante sa dilim kapag napapadaan sa nakausling bato.

Hinubad ng binata ang jacket at inilatag sa damo. "Halika, maupo ka rito sa tabi ko." Nauna itong naupo at hinawakan siya sa kamay.

"Bumalik na tayo, Renz. Tiyak na hahanapin ka nila," aniya sa malamig na tinig. Nilinga ang buong paligid na puro kadiliman. Tumingala siya, bilog ang buwan at maraming bituin.

"Tinitiyak kong hindi nila tayo makikita rito. Walang maghihinalang dito tayo nagpunta." At hinatak siya nitong bigla na nawalan siya ng panimbang. Napaupo siya sa makapal na damo at agad siyang niyakap nito pahiga.

"Bitiwan mo ako!"

Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki. "Bakit ka ganyan? Ngayon lang tayo nagkita tapos iyan ang isasalubong mo sa akin?" may bahagyang galit sa tinig nito. "May boyfriend ka na bang iba, ha? May ipinalit ka na sa akin?" Mahigpit nitong hinawakan ang baba niya. Bahagya siyang nakadama ng takot.

"Let me go, Renz, at baka hinahanap na ako ni Kuya Patrick." Marahan niya itong itinulak. Subalit malakas ang binata't muli siyang inihiga nito, pinning her arms down.

"O, what the hell...!" At marahas siya nitong hinalikan. Nasasaktan siya. Malaking kaibahan ang halik na iyon sa halik na iginawad sa kanya nito dalawang taon ang lumipas. Bagaman may kakaibang init siyang nadama ay nangingibabaw ang takot niya sa ginagawa ng binata.

Nagpursigi siyang manlaban at nagpumiglas. At nang pakawalan siya nito ay hinabol niya ang paghinga. Dinama ng dila niya ang mga labing tantiya niya'y namantal. May nalasahan siyang maalat. It could be blood!

Nasindak siya. "I hate you, Renz! I hate you!" sigaw niya na sinabayan ng hikbi.

"Sshh— don't cry, sweetheart," he whispered in a ragged breathing at niyakap siya. "I didn't mean to kiss you like that. Nagagalit lang ako sa reception mo sa akin. You're so cold."

"Hindi mo aasahang salubungin kita with open arms and sweet smile, matapos kayong maghalikan ni Dianne sa harap namin!" pagalit niyang sinabi na pilit bumabangon. Malamig ang damo sa likod niya.

Pumuno sa katahimikan ng paligid ang malakas na tawa ni Renz. "At nagseselos ka!"

Pinagtatawanan siya nito at lalo siyang napika. Mabilis siyang bumangon paupo. "Oh, how I hate you!"

"Halika nga," malambing nitong hila sa kanya. "Wala kang dapat ipagselos kay Dianne. Wala kaming relasyong dalawa. Matagal nang tapos iyon, 'di ba?"

Nanlaki ang mga mata niya. "Walang relasyon! Matapos kayong maghalikan sa madla na tila... tila..." hindi niya matapos-tapos ang sasabihin.

"Correction, please. Hindi kami naghalikan. Hinalikan niya ako. Kung marunong kang tumingin, you probably have noticed I did not even respond."

Umirap siya. "How would I know?"

Hinawakan ni Renz ang baba niya. "Yes. How would you know?" banayad nitong sinabi. "You are not like the other girls na nakilala ko. Your innocence is refreshing. Like breathing into fresh air, tulad ngayon dito sa may batis."

"Dianne would not be kissing you so passionately kung wala siyang pagtingin sa iyo," patuloy pa rin niya.

"Believe me, sweetheart. Talagang ganoon lang si Dianne. Sanay na ako roon at hindi lang sa akin ganoon iyon. Don't let us talk about her. Ngayon lang tayo nagkita tapos ibang tao pa ang pag-uusapa natin. Let's talk about you. How have you been? Nagkagusto ka ba sa iba?"

"I kept my promise..." anas niya.

"Yes, you did," he said softly at tumingala sa langit. "Isn't this just the right setting for romance? Two lovers under the moonlight?" Muling ibinalik ang tingin sa kanya.

"We are not lovers..." mahinang sagot niya.

"We will be. Tonight..." At bago pa nakapagtanong si Kimberly kung ano ang ibig nitong sabihin ay siniil na siya ng halik ni Renz. Kaiba sa naunang halik. Pagkatapos ay bahagyang nagtaas ng mukha at tinitigan siya. "Didn't I promise to give you a real kiss when you get older? Ngayon na iyon."

Then he kissed her again. Thoroughly... as promised. Kahit bahagyang pagtutol ay walang ibinigay si Kimberly. She loved and wanted this man so much. And all reasons were thrown into the air.

He had made love to her that night. Under the moonlight. Kinuha ni Renz ang lahat-lahat sa kanya noong gabing iyon. Not once but twice. He took everything from her. Her body, her love, and her innocence.

"I love you..." bulong ni Renz sa kanya matapos ang glorious moments.

"And I love you, too, Renz..."

Tumayo si Renz at inabot ang kamay niya. "Ayusin mo ang sarili mo. Babalik na tayo sa bahay. Sasabihin natin sa kanila ang tungkol sa atin."

Mabilis siyang umiling. "Huwag, Renz. Huwag muna," naisip ang pangakong binitiwan sa mga magulang. Maliban doon ay parang napakabilis ng pangyayari. Sa kanila ay hindi dahil nasimulan na nila ang relasyon noon pa man. Pero hindi sa mga kakilala at kaibigan na buong akala ay magkapatid halos ang turingan nila dahil kay Patrick.

Nagsalubong ang mga kilay ni Renz. Sandaling nag-isip. "All right, I'll be away for six months. Siguro two to three weeks from now ay ipadadala ako ng Arch Pharmaphils sa main office nito sa Amerika for further training. Pagbalik ko ay pakakasal tayo."

Iyon ang napagkasunduan nila bago bumalik ng bahay. Sinabi rin ng binata na kinabukasan ng Linggo ay muli na itong babalik ng Maynila dahil hindi naman pinayagan ang leave of absence nito.

Walang nakapuna sa pagkawala nila maliban kay Dianne na nakabalik na mula sa bahay nito.

"Hi, saan ba kayo nanggaling at kanina pa ako rito ay 'di ko kayo nakita?" nakangiting salubong nito sa dalawa.

"Diyan lang sa tabi-tabi," si Renz ang sumagot na ngumiti.

"Really, Renz. Hindi ka pa rin nagbabago." Tapos ay nakangiting sumulyap kay Kimberly. "Renz is a natural charmer and bolero, Kimberly. Kung ako sa iyo ay hindi ko paniniwalaan alin man sa sinasabi nito. He'll break your heart, tulad ng lagi na lang niyang ginagawa sa akin. Kaya lang ay sanay na ako rito sa darling kong ito."

Tumawa si Renz. "Tumigil ka, Dianne. Baka maniwala sa iyo si Kimberly."

"Dapat lang, 'di ba, Kim?" matamis nitong ngiti sa kanya. Hindi siya kumibo kundi gumanti rin ng tipid na ngiti. Imahinasyon lamang ba niya ang talim sa mga mata ni Dianne sa tuwing titingnan siya? Pero nakangiti ito and seemed so friendly.

Maligayang umuwi si Kimberly nang gabing iyon. Halos hindi siya makatulog sa kaligayahan. Binabalik-balikan sa isip ang nangyari sa kanila ni Renz sa batis.

In seven months time ay magpapakasal na sila ni Renz. Natitiyak niyang hindi tututol ang mga magulang niya kapag nagsabi na si Renz sa mga ito.

She was really so inspired na ang dating subjectna mahihirap ay minamani lamang. Isang linggong mahigit pa uli ang matulinglumipas mula nang umalis patungong Maynila sina Renz at Dianne. Sa pagkakataongiyon ay naparam lahat ang naunang panibughong mayroon siya sa babae. 

Sweetheart Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon