Chapter 20

54.3K 1.3K 11
                                    

KUNG paano siyang nakasakay sa taxi ay hindi alam ni Kimberly. Nanginginig ang mga kamay niya. Hindi niya ngayon maintindihan kung bakit naisip niyang kayang pakitunguhan ang mga pangyayaring darating sa kanyang buhay. Ang buong akala niya'y nag-mature siya sa nakalipas na tatlong taong mahigit. That she was a smart and composed woman. Na pinatatag siya ng hirap na dinanas mula nang malamang niloko at pinabayaan siya ni Renz.

Napakagaga niya para isipin iyon. Sa ibang mga lalaki marahil. Nagawa niyang idistansiya ang sarili sa mga ito sa nakalipas na panahon. May tawag nga sa kanya ang mga classmate niyang lalaki noon sa unibersidad, ice maiden. Ganoon din ang mga kaopisinang lalaki niya ngayon. Maraming nagtangkang makalusot sa pader na inilagay niya sa sarili pero nangabigo ang mga ito.

Pero hindi si Renz. She was still no match for him.

Dapat ay naisip na niya iyan noon pang una silang magtagpo nito sa kasal ng kapatid niya.

Sa townhouse siya tumuloy. Hindi na niya kayang pumasok at wala rin siyang magagawa. Tinawagan niya si Laura at ipinaalam ditong napasakanila ang kontrata at bukas na lamang sila mag-uusap.

"Come here, honey," aniya sa anak. Kinarga at niyakap nang mahigpit.

"Can't breathe..." reklamo ni Ralph.

Natawa siya. "Sorry, darling. Maghapon mo akong kasama ngayon, Ralph. What do you want us to do?"

"Play ba'ketball," sagot ni Ralph. Kinuha nito ang laruang plastic na pinipindot at tataas ang bolang maliit upang pumasok sa ring. Pang-dalawahang tao ang laro.

Natawa siya. "Ito ba ang paglalaruan natin?"

Tumango ang bata na pumuwesto sa tabi niya.

"Tomorrow, I'll buy you a real ball. Kahit iyong maliit lang basta bola."

"Buy ball?" Kumislap ang mga mata ng bata.

"Promise. Don't you know that your daddy is very tall? Six feet and two inches. He is so handsome like you, Ralph. And a star player ng basketball noong araw sa campus. I sometimes wondered kung bakit hindi siya pumasok sa PBA," wala sa loob na nagkuwento sa anak. "At ikaw, mahilig ka rin sa bola, ha? Minana mong lahat. You even looked exactly like your daddy," tuloy-tuloy pa rin niyang sinabi na tila may gulang na ang anak.

"My daddy?" ulit ni Ralph na nakatanga sa kanya.

"Yes, your dad—" hindi niya natapos ang sasabihin.

Biglang napawi ang ngiti at napatitig sa anak. Buong buhay nilang mag-ina ay hindi niya binanggit dito ang tungkol kay Renz.

"Sa'n daddy ko?" si Ralph na isinubo ang isang daliri at tumingala sa kanya. Nanlumong napasandal siya sa sofa. That was an honest mistake. And she must pay for it. At hindi niya alam ngayon kung paano sagutin ang anak.

"Sa'n Daddy, Mommy?" ulit ni Ralph.

"Ang... w-well..." nagkakandautal siya. Dinampot ang anak at tuluyang napaiyak.

Ang buong akala niya'y kumpleto na silang mag-ina. Hindi nila kailangan ang kahit na sinong lalaki. Pero ang hindi niya napaghandaan ay ang ganitong pagkakataon.

Ralph Lawrence Antonio—paano kung tanungin siya nito pagdating ng araw kung bakit magkapareho sila ng apelyido? Paano niyang pakikitunguhan at haharapin ang bawat pagkakataong magtatanong si Ralph tungkol sa ama?

Lahat ng iyon ay pabalik-balik sa isip ni Kimberly at isa man ay wala siyang maapuhap na sagot.

Sweetheart Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon