NANG gabing iyon ay si Patrick ang kumawala ang pagtitimpi. Kung hindi sa matinding pagpipigil sa sarili ay baka nasaktan ito ng kapatid. Sa halip ay dingding ang pinagbuntunan ng galit.
"That son of a bitch! Para kaming magkapatid!" halos maiyak ito. "Tinraydor ako ng walanghiya! Pati ikaw ay kinatalo niya. Ang tagal naming magkasintahan ni Laila but we never go beyond simple kissing."
"K-kasalanan ko..." mahinang wika niya sa pagitan ng marahang pag-iyak. Hindi niya akalaing sinaktan niya ang pamilya sa nangyari. Sinulyapan ang ama na hindi nagsasalita. Nakatiim lamang ang mga bagang at nakakuyom nang mahigpit ang mga palad.
"Kasalanan mo? Hindi, Kimberly! Bata ka at walang muwang, sinamantala niya iyon! Ipakukulong ko siya! Kailangang panagutan niya ang nangyari sa iyo. Kakausapin ko ang mga magulang niya!" baling sa kanya ni Patrick.
"Nasa ibang bansa na sila ni Dianne. At maaaring sa sandaling ito ay mag-asawa na sila," sinikap niyang patatagin ang tinig. "Please, ayokong malaman ng kahit sino na si Renz ang ama ng dinadala ko," pagsusumamo niya. Pagkatapos ay binalingan ang ama. Hinawakan ang mga kamay nito.
"Dad, magsalita ka, please. Kausapin mo ako... kahit saktan mo ako. Huwag lang ganyan. Tinatakot mo ako..." naghihisterya na siya sa pananahimik ng ama.
Itinaas ni Joseph ang kamay at kinabig ang anak sa dibdib. May tumulong luha. Lumakas ang iyak ni Kimberly. Napakawalang utang na loob niya sa kahihiyang idinulot sa mga magulang at kapatid.
"We are going to get through with this together, aren't we," ani Joseph sa gumaralgal na tinig. Tiningnan ang asawa't panganay. "I have always implanted morality sa pamamahay na ito but you strayed. Ikaw lang ang maaari kong sisihin sa nangyari sa iyo, Kimberly, pero hindi ito ang oras para doon. Tutulungan ka namin, anak, bakit hindi. But you have to face the consequences and I hope na mula rito ay matuto ka. Baka hindi ako makapagpatawad sa susunod."
LUMUWAS ng Maynila si Joseph. Dalawang araw roon. Pagbabalik nito ay may kasamang anak ng isang kaibigan. Si Marlon. Sa loob ng halos isang linggo ay nanatili sa bahay ng mga Antonio ang binata bilang bisita.
Ipinakilalang kasintahan ni Kimberly. Na matagal na ang mga itong magkaibigan at nagsusulatan. Hindi naging mahirap iyong tanggapin ng mga kaibigan niya dahil sa mga cards na padala ni Renz sa eskuwelahan na lagi na'y itinutukso sa kanya. Besides, Marlon was so convincing and cooperative.
"Maganda ka, Kimberly, at matalino. I like you. Maliban sa katotohanang nagdadalang-tao ka ay wala ka pa ring muwang. Mapalad ang lalaking iyon," sinabi ni Marlon minsang nasa bayan sila at kumakain sa isang kilalang snack house.
"Salamat, Marlon. Pero nagtataka ako kung bakit ka pumayag sa pakiusap ng Daddy."
Nagkibit ng balikat ang binata. "You're doing me a favor. I'm having my vacation here. Maliban pa sa matalik na magkaibigan ang Mama at ang daddy mo." Nilaro nito ang tinidor sa pinggan. "I'm going back to the States next week, Kimberly. Sumama ka sa akin," seryosong sinabi nito.
"Marlon! Baka nakakalimutan mong buntis ko," natatawang bulong niya sabay linga sa paligid.
"I'm thirty-two at hanggang ngayon ay wala akong makitang babaeng gusto kong pakasalan. Wala akong maipipintas sa iyo, Kimberly. I'm willing to take your lover's place and marry you in the States."
"Salamat uli, Marlon. Pero huwag. Hindi ko kayang ipaako sa iba ang anak ko."
"Dahil ba sa age gap natin? Eighteen ka lang at fourteen years ang tanda ko sa iyo?"
"Goodness, no. Kaya lang..." malungkot siyang yumuko.
Huminga nang malalim ang binata. "The same old romantic reason. You are not in love with me. Well, I guess we do not agree on that. Hindi ako naniniwala sa pag-ibig. Compatibility and companionship ang sa akin."
Napangiti si Kimberly. Magandang lalaki si Marlon at nakatutuwang isiping may mga taong hindi naniniwala sa pag-ibig.
Pinalipas muna ng pamilya Antonio ang isang linggong makaalis si Marlon bago lumuwas ng Maynila ang buong pamilya. Napabalitang ikinasal si Kimberly kay Marlon sa isang civil wedding. At nang magbalik ang mga Antonio sa San Ignacio ay hindi na kasama ang anak na babae. Sa Maynila na ito maninirahan kasama ng "asawa."
BINABASA MO ANG
Sweetheart Series 1
Romance"Ikaw ang aking panaginip... ang aking magandang pag-ibig." Isang matinding crush ang umusbong sa batang puso ni Kimberly para kay Renz noong sixteen siya. Love letters and gift, waltz and song, promises and the very first kiss. All grow into a beau...