Walang namagitang salitaan sa dalawa ng kung ilang sandali. Si Kimberly ang bumasag ng katahimikan at sinabi sa matandang babae ang lahat. Mula sa simula.
"Hindi natin kailangang gawin ang trabaho, hija. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mahalaga ang pera. Totoo, we need this contract to keep Aldana Ad going. But not at your expense. The nerve of that guy na ang akala yata ay siya ang pinakamagandang regalo ng diyos sa mga babae."
Napangiti siya roon. Probably Renz thought so.
"I owe your father a great deal, Kimberly. Nagtataka ka siguro kung bakit napapayag ko si Marlon na magtungo sa San Ignacio at magpanggap na boyfriend mo?"
"Ang sabi ng daddy ay magkaibigan ang pamilya ninyo."
"Totoo. Pero higit pa roon ang dahilan. Ipinagkasundo kaming ipakasal sa isa't isa ng aming magulang and both of us agreed. Magkasundo kami sa lahat ng bagay and I respected him. But along the way, I met Mr. Aldana. I fell in love with him at once. The feeling was so intense na hindi ko na halos gustong humiwalay rito, if you know what I mean."
Tumango siya nang wala sa loob. Kilala niya ang damdaming iyon. She felt the same intense feeling for Renz.
"Pero nakatakda na ang kasal namin ni Joseph at naipit ako sa pagitan ng moral na obligasyon ko sa ama mo at sa pag-ibig ko kay Mr. Aldana."
"At pinili mo si Mr. Aldana?" aniya which was obvious.
Tumango si Laura. "Sa mismong araw ng kasal namin ni Joseph ay sumama akong magtanan kay Mr. Aldana."
"Oh!"
"Yes. Pero pinatawad ako ng daddy mo, Kimberly, kaysa sa mga magulang ko. Tiniis ang kahihiyan kaya nagpa-assign siya sa malayo. Doon niya nakilala si Cristina. They fell in love and the rest is history." Tumayo ito at nagpalakad-lakad sa loob ng silid. "So, you see? Do not feel obligated dahil sa ginawa ni Marlon. Kalimutan mo na ang kontrata sa Bio-Natura. Marahil ay may iba pang mga trabahong darating. We'll survive."
Huminga siya nang malalim. Bahagyang lumuwag ang dibdib. "Thank you, Tita Laura. Pero itutuloy natin ang trabaho. Tiniyak ni Renz na susundan niya ako saan man ako magpunta, lalo na ngayong wala na akong asawa sa pagkakaalam niya. Kung bakit sa palagay ko'y gusto niya akong saktan ay hindi ko pa rin maunawaan."
"Pero mas lesser ang pagkakataon ninyong magkita kung hindi ka nagtatrabaho sa kanya."
"Hindi tayo nakasisiguro kay Renz. So, we might as well take advantage. Once it is aired, tapos na ang trabaho. Ang gusto ko lang na maingatan ay ang huwag silang magkita ni Ralph."
"Ikaw ang bahala, Kimberly. At kung gusto mong magbago ng isip ay huwag kang mag-atubiling bitiwan ang trabaho sa Bio-Natura."
![](https://img.wattpad.com/cover/135599716-288-k207867.jpg)
BINABASA MO ANG
Sweetheart Series 1
Romance"Ikaw ang aking panaginip... ang aking magandang pag-ibig." Isang matinding crush ang umusbong sa batang puso ni Kimberly para kay Renz noong sixteen siya. Love letters and gift, waltz and song, promises and the very first kiss. All grow into a beau...