Chapter 24

62.5K 1.7K 69
                                    

Makalipas ang ilang minuto ay umalis din si Renz. Marami siyang gustong itanong at linawin kay Kimberly. He'll make her talk. Baka isa sa mga dahilan kung bakit nag-asawa ito ay dahil din kay Dianne.

Makalipas ang kalahating oras ay nasa opisina na siya ng Aldana Advertising.

"Nandiyan ba si Miss Antonio?" aniya sa receptionist-secretary.

"Wala pa po, sir," nakangiting sagot nito.

"What about Mrs. Aldana?"

"Tumawag po siyang mali-late ng dating. Gusto po ba ninyong magbilin na lang o maghintay sandali at baka dumating ang sino man sa kanila?"

"Maghihintay ako," aniya at lumakad patungo sa may sofa at naupo.

Beinte-minutos pa uli ang matuling lumipas at mag-aalas-dose na. Tumayo siya at muling nilapitan ang empleyado. Nginitian ito in his most charming way that no woman would ever resist.

"I really have this important meeting with a client, honey, and I can't wait another minute. Importanteng makausap ko si Miss Antonio tungkol sa Bio-Natura project. Puwede ko bang hingin na lang sa iyo ang address niya sa bahay?"

Ang ngiti, ang endearment, the handsome face, at ang pagbanggit sa kompanya ay sapat na upang ibigay ng empleyado ang hinihingi niya kahit labag sa panuntunan ng kompanya. Alam din nitong mahalaga para sa Aldana Ad ang nasabing project.

"Heto na po, Sir." Iniabot nito ang kapirasong papel sa kinasusulatan ng address ni Kimberly.

Kinindatan ni Renz ang dalaga. "Thank you. You're a real darling." At mabilis na lumabas ng building.

Sa mismong garahe ng unit ipinarada ni Renz ang sasakyan niya. May ilang segundo din siyang naghintay bago may sumagot sa doorbell.

"Sino po sila?" si Grace na bahagya lamang binuksan ang gate.

"Nariyan ba si Kimberiy?"

"Wala pa po."

"Maaari ko ba siyang hintayin sa loob?" Atubiling sumagot ang katulong. Ngumiti si Renz. "Hindi ako masamang tao. Taga-San Ignacio din ako at kaibigan ko ang mga Antonio. Wala siya sa opisina niya dahil galing ako roon. Tawagan mo kung gusto mo. Kilala ako ng sekretarya."

Sandali lamang nag-isip si Grace. Pinapasok ang binata. Inikot niya ang mga mata sa buong kabahayan. Simple lang lahat ang ayos pero may touch of class. Walang naroong kasangkapang hindi ginagamit.

"Maupo ho kayo," itinuro ni Grace ang sofa.

Hindi tumitinag ang binata. Nanatiling nakatayo. Napagtuunan ng pansin ang mga laruang nakakalat sa sahig.

"Sa anak ni Kimberly?" Nilingon niya si Grace na tumango. "Nasaan ang bata?"

"Pinapakain ko po sa dining room," sagot nito nang biglang parang may bumagsak na nabasag sa kusina. Mabilis na tumakbo roon si Grace. Sumunod si Renz.

Si Ralph na umahon mula sa high chair at naabot ang baso sa mesa at natabig. Marahil ay tangkang kuhanin.

"Ralph! Naku, muntik ka nang mahulog," bulalas ni Grace na agad kinarga ang bata.

Bahagyang itinulos sa pagkakatayo si Renz nang lumingon sa dako niya si Ralph na namilog ang mga mata. Ang alam nitong lalaking nagpupunta sa kanila ay si Joseph at Patrick lamang.

Ngumiti si Renz. "Hello, big bear..."

Ibinalik ni Grace sa high chair ang bata na ang mga mata'y nakatitig pa rin sa palagay nito'y estranghero.

"Dito ka muna at wawalisin ko ang nabasag mo, ha? Huwag kang malikot." Nilingon si Renz. "Pasensiya na kayo, Sir."

"Akin na ang bata at linisin mo na iyan." Inabot nito si Ralph mula sa high chair. Atubiling sumunod si Grace. "Sa sala lang kami," assurance ni Renz.

Inilapag niya sa sofa ang bata at tinitigan. May kung anong bumundol sa dibdib niya. Gusto niyang alisin sa isip ang kung anong tila nagsisiksik doon.

"What is your name?" tanong niya.

"Raf... your name?" sagot at ganting tanong ng bata.

"Renz..." sagot niya sa baradong lalamunan. Pilit pa rin inaalis sa isip ang bagay na ang kaharap niya'y isang buhay na larawan ng mga litrato niya sa album noong maliit pa siya.

Dumausdos mula sa sofa ang bata at kinuha mula sa bunton ng laruan ang bolang binili ng ina. Inabot kay Renz. "Play ba'ketball... shoot!" Nagkakandahaba ang nguso nito na tumingala sa kanya.

Tumuwid siya ng upo. "So? You want to be a basketball player, ha? Okey I'll show you how to dribble." Nag-dribble siya. Tuwang-tuwa si Ralph na nagtitili at pilit na hinuhuli ang bola. Nang ibigay niya ang bola sa bata ay pilit nitong ginagaya ang ginawa niya.

Nagsisikip ang dibdib na pinanonood niya ito. Natanawan niya si Grace na nakamasid sa kanila.

"Ano ang pangalan mo?"

"Grace po."

"Gaano ka na katagal na kasama ni Kimberly?"

"Tatlong taon na po."

"Umuuwi ba rito ang asawa ni Kimberly?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Grace. "Asawa?"

"Ang daddy ni Ralph..."

Umiling si Grace. "Hindi naman po nagkaroon ng asawa si Ate Kimberly. Maliban po sa daddy niya at kay Kuya Patrick ay kayo pa lang ang kauna-unahang lalaking bumisita sa kanya mula pa noong ipaglihi niya si Ralph."

Kung anuman ang nararamdaman ng nasasabugan ng bomba ay iyon marahil ang nadama ni Renz. He was shattered into pieces. Muling tinitigan ang anak at pagkatapos ay kinarga.

"Hello, again, big bear. May palagay akong ako ang may utang na dapat bayaran. Now, give me a hug, will you? And also your biggest kiss," aniya na bagaman nakangiti ay nagsisikip ang dibdib.

Nagbigay naman si Ralph at mahigpit siyang niyakap sa leeg at hinalikan sa ilong.

"Lord, I never cried in my whole life. Kahit noong mawala ang mommy mo sa akin," bulong niya sa bata na nagsasalubong ang mga kilay.

"Are you crying?" nagtatakang tanong ni Ralph na dinutdot ng daliri ang namumuong luha sa mga mata niya. Umiling ito. "Huwag iyak. Mommy said man don't cry."

Natawa siya at mahigpit na niyakap ang anak. "Sometimes, it is better if we did, son."

Sweetheart Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon