"THIS is brilliant, Renz!" si Mr. del Rosario matapos mapag-aralan ang trabaho ni Kimberly. "Mahusay ang concept. Natitiyak ko ang appeal nito sa mga kababaihan."
Tumango si Renz. "She is coming today. Pag-usapan natin. Ipatatawag kita pagdating niya.'' Lumabas siya ng silid nito at tinungo ang sariling opisina.
Naupo sa swivel chair at binuksan ang drawer at muling kinuha roon ang gold chain. Nilaro-laro ng kamay. Nakatiim-bagang habang malalim ang iniisip.
Nang biglang bumukas ang pinto. "Hello, darling," si Dianne.
Ngumiti siya. Sa nakalipas na mga taon ay nanatili silang magkaibigan.
"Hi. Bakit ka narito?" Nasa kabilang opisina pa rin ito nakaugnay.
Naupo si Dianne sa armrest ng swivel chair at malambing na inakbay ang braso sa balikat niya. "Absent ako ngayon dahil gusto kong magpa-parlor. Let's have lunch out, Renz," yaya nito na lumabi pa.
"May kausap ako ngayong umaga, Dianne. Hindi ko alam kung hanggang anong oras kami matatapos. Guess who?"
"Eh, sino nga..." Napuna nito ang bracelet sa kamay ni Renz. "Nilabas mo na naman iyan."
Mapait na ngumiti ang binata. "This has become a habit, Dianne. Lalo na pag nag-iisip ako."
"Kung ibinibigay mo na ba sa akin iyan, di ang tuwa ko pa."
Natawa si Renz. "At ano naman ang magiging halaga nito sa mga mamahaling alahas mo, aber?"
Bumahid ang lungkot sa mukha ng babae. "Hanggang ngayon ba naman, Renz, ayaw mo pang pakawalan ang alaala ni Kimberly?"
"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong niya na sinabayan ng mahinang tawa.
"Pinipilit mong ipagkaila sa akin pero hanggang ngayon ay alam kong hindi mo pa siya nalilimot."
Bago pa nakasagot si Renz ay bumukas uli ang pinto kasabay ng marahang katok. Sumungaw mula roon si Kimberly.
"Good morning, Renz—" Nahinto siya sa paghakbang nang makitang hindi ito nag-iisa sa silid. Si Dianne!
Si Dianne man ay nagulat din. Napatayo mula sa pagkakaupo sa armrest. "Kimberly!"
"H-hello, Dianne," bati niya habang humakbang papalapit. Ngumiti siya. Hindi kailangang masira ang composure niya dahil lamang magkasamang narito ang dalawa. "Do you mind if I take a seat?" aniya kay Renz. Kailangan niyang maupo at baka bumigay ang mga binti niya.
"B-bakit siya narito, Renz? Kailan kayo...?"si Dianne na litong nilinga ang binata.
"Si Kimberly ang sinasabi ko sa iyong kausap ko ngayong umaga, Dianne. May gagawin siyang trabaho sa Bio-Natura," walang anumang sagot habang wala sa loob na patuloy pa ring nilalarong daliri ang gold chain.
Sabay na napako roon ang paningin ng dalawang babae. Sabay ding nawalan ng kulay ang mukha. Si Dianne ay kulang na lang na hablutin ang bracelet sa kamay ni Renz.
"P-paanong napunta sa 'yo, iyan?" wala sa loob na namutawi sa bibig niya. Of course, kinuha nga pala sa kanya iyon ni Dianne. Pero bakit kinailangang ibigay nito iyon kay Renz?
Sarkastikong ngumiti si Renz. "Ito ba?" Itinaas ang bracelet.
"Come on, Renz, kung may pag-uusapan kayong trabaho ay simulan n'yo na, so we can have lunch together," pilit nitong pinaging normal ang tinig at inabot ang gold chain mula sa kamay ng binata pero iniwas ni Renz.
"I'm surprised you asked me that. Nalimutan mo na bang isinauli mo sa akin ito along with your message?" Biglang tumigas ang mukha nito sa nakabadyang galit. "Well, at least, kahit sa kahibangan mo sa lalaking napangasawa mo ay nagawa mong isauli sa akin ito. How decent!"
BINABASA MO ANG
Sweetheart Series 1
Romance"Ikaw ang aking panaginip... ang aking magandang pag-ibig." Isang matinding crush ang umusbong sa batang puso ni Kimberly para kay Renz noong sixteen siya. Love letters and gift, waltz and song, promises and the very first kiss. All grow into a beau...