"Renz!" bulalas ng dalagita. Sunod-sunod ang tahip ng dibdib niya. Of all the persons in the world. Puwede namang ang Kuya Patrick niya.
"O, sweet—Kim! Bakit para kang nakakita ng multo diyan?" Si Renz na nagtaka sa pagkatigagal niya.
Hindi malaman ng dalagita ang gagawin. Nilingon ang tatlo sa building. Nakita niyang sumenyas ang mga ito na gawin ang utos bago muling umatras. Sinundan ni Renz ang nilingon niya.
"Sina Laila ba iyon? Tapos na ba kayong mag-decorate ng hall?"
"Ang... ang... kuya ko?" nagkakandautal siya.
Paano ba niya lulusutan ito?
"Kanina pa umuwi. Pauwi na nga rin ako. Kanina pa tapos ang practice at ako na lang ang nahuli. Bakit ba?"
Isang lingon pa uli sa tatlo ang ginawa ng dalagita. Naiinip na ang mga ito. Siya naman ay parang gusto nang maiyak.
"What's wrong, sweetheart?" muling tanong ng binata na nagsasalubong ang mga kilay "May problema ba sa loob?"
"Eh... Renz... n-naglalaro kami ng truth or consequence. Ako ang taya."
"Ows? At ano ang iniuutos sa iyo?"
Nagyuko ng ulo ang dalagita. Huminga nang malalim bago alanganing tumingin dito. "To... to... kiss you. Rather... kung sino ang kauna-unahang makita kong lalaking dadaan dito."
Sandaling hindi nakakibo si Renz. Napatitig sa dalagita. Pagkatapos ay ngumiti.
"Really? Well, I'm glad na ako ang napadaan." Muling sinulyapan ang kinaroroonan ng tatlo na biglang nag-atrasan patago. "Wala bang ibang paraan para makalusot ka sa utos sa iyo?" amused na tanong ng binata.
Iling ang isinagot ng dalagita. "They were all so sport pagdating sa turn nila," mahinang sagot niya. Ilang segundong katahimikan ang lumipas.
Mayamaya ay kumislap ang mga mata ni Kimberly at tumingala sa binata.
"May paraan, Renz!"
BINABASA MO ANG
Sweetheart Series 1
Romansa"Ikaw ang aking panaginip... ang aking magandang pag-ibig." Isang matinding crush ang umusbong sa batang puso ni Kimberly para kay Renz noong sixteen siya. Love letters and gift, waltz and song, promises and the very first kiss. All grow into a beau...
