Rielianah
/ri•e•li•ya•na/Prinsesa ng Kahariang Selena. Sinasabing isa itong magandang dilag na marami nga ang hustong humahanga.
Ngunit may isang sabit.
Ito ay ayon lamang sa mga haka-haka.
Siguro nasabi lang ito dahil may isang kakaiba—hindi mo maaaring makita ang mahal na prinsesa.
Bakit?
Ang kasagutan sa tanong na ito ay walang nakakaalam.
Sabi ng iba ay prinoprotektahan lamang daw ang prinsesa.
May nagsasabi rin na isa raw itong impakta na may napakapangit na mukha.
Sabi naman ng iba ay may sungay daw ito kaya hindi ipinapakita.
Ang tamang kasagutan ay tiyak na walang nakakaalam.
Ngunit sa hiwagang ito ay may nag-iisang tama...
...iyon ay may hindi nalalaman sa likod ng kamahalan.
Occultatum Libera ni PlayfulEros
Mensahe mula sa may-akda:
Ang istoryang ito ay maaaring maglaman ng karahasan kung saan may mga madudugong eksena na maaaring hindi magustuhan at hindi angkop ilang mambabasa.
- Eros
Disclaimer:
Ang akdang ito ay isang gawang fiction. Ang mga pangalan, character, negosyo, lugar, kaganapan, lokal, at pangyayari ay alinman sa mga produkto ng imahinasyon ng may-akda, gawa-gawa lamang o kumuha ng inspirasyon sa ilang bagay na babanggitin ng may-akda sa katapusan ng nobela. Anumang pagkakahawig sa aktwal na mga tao, buhay o patay, o aktwal na mga kaganapan ay hindi sinasadya at pawang nagkataon lamang.
KUNG HINDI MARUNONG RUMESPETO SA GAWA NG IBA, HUWAG NA MAGPATULOY SA PAGBABASA.
PLAGIARISM IS A CRIME.
BINABASA MO ANG
Occultatum Libera
Historical Fiction[ON-HOLD | UNDER SLOW EDITING] Tunghayan ang istorya ng pag-ibig, kataksilan, kasakiman at paghahari. Petsa ng Pagsisimula: Unang araw ng Pebrero, taong dalawang libo't labing-walo. [Paalala: matagal na pagdaragdag sa mga kabanata]