Ikalabing-pitong Kabanata

102 46 0
                                    

Rielianah

"T--Totoo ba ang sinabi mo.. Gia?" Tanong ko at marahan siyang tumango.


"Kung g--gayon ay.." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil ang sasabihin ko sana ay wala na akong puwesto sa kahariang ito kung ikakasal na ang hari dahil simula palang naman ay wala naman na talaga akong puwesto sa kahariang ito.

Napabuntong-hininga ako. Bakit ba pumasok sa isip ko na maaari akong alokin ng hari ng kasal? Na maaaring.. gusto niya ako . . .


Nakakainis naman kasi! Sa mga ipinakita niya, sa mga ikinilos at sinabi niya sa akin . . . anong gusto niyang mahinuha ko sa mga iyon? Na mabait lang talaga siya sa lahat at lahat ay sinasabihan niya ng mga salitang, "gusto kong malaman mo na mahalagang parte ka na ng buhay ko," "sobra ang saya ko dahil kasama kita," "sana'y hindi mo na maisip na lumisan at iwan ako dahil labis ko iyong ikalulungkot" at "ipinapangako kong pro-protektahan kita at aalagaan basta't h'wag ka lang mawawala sa aking tabi, binibini."


Sinabi ko kay Gia na gusto ko munang mapag-isa upang makapagnilay sa mga nangyayari at iniwan na nga niya ako sa aking silid.


Kapag kinasal na ang hari . . . malamang ay kailangan ko na ring umalis o kaya'y ibabalik ako sa tahanan ng mga tagapagsilbi. Ayos lang naman siguro kung ibabalik ako sa tahanan ng mga tagapagsilbi dahil kasama ko si Gia at isa pa, malapit pa rin ako sa hari kahit papaano. Maaaring ako ang magsilbi sa kaniya sa kaniyang pagkain o pagbibihis, sa gano'ng paraan ay nakikita ko pa rin siya.




Napailing-iling ako bigla. Ikakasal na siya. Alam ko naman sa aking sarili na may pagtingin ako sa hari at hindi ito nararapat. Kung nanaisin kong manatili sa palasyo dahil gusto ko pa siyang makasama dahil sa nararamdaman kong ito, masasaktan lamang ako. Siguro nga'y dapat na akong umalis.


Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung anong klaseng tao ang mapapangasawa ng hari. Sinabi ni Gia na mula raw ito sa maharlikang angkan at ubod raw ito ng ganda. Kaya siguro siya ang napili ng inang reyna para sa hari.


Pero sana ay alagaan niya nang mabuti ang hari, sana ay . . . mahalin niya nang lubos ang hari.


"Mahal na prinsesa!" Pabulong na tawag ni Gia at natatarantang lumapit sa akin. "Nariyan po sa labas ang mahal na hari!"


Napatayo ako at lumabas na nga upang harapin ang hari.

Nawala bigla lahat ng iniisip ko kanina nang masilayan ko ang nakangiti niyang mukha. Biglang nagbago ang isip ko, parang.. gusto ko na lamang manatili sa tabi niya kahit pa alam ko na masasaktan lamang ako.



Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ng hari. "Ano ang iniisip mo, binibini?" Tanong niya at lumapit sa akin.

"A--Ah.. wala po, kamahalan. Nagagalak po akong bumisita kayo." Sagot ko nalang.

"Alam kong nagbabalak kang umalis ng palasyo." Natigilan ako nang sabihin niya 'yon. Paano niya nalaman na . . .

"Nakikita ko sa mga mata mo ang pag-aalinlangang manatili sa tabi ko, binibini." Biglang saad niya kaya't napatingin ako sa kaniya. Nakatingin siya nang diretso sa mga mata ko at ang mga matang iyon ay . . . nababalot ng kalungkutan.

Nalulungkot ba siya dahil pinag-iisipan kong umalis?


"Oo, binibini. Labis akong nalulungkot dahil mukhang binabawi mo na ang pangako mong mananatili ka sa aking tabi." Aniya at lumapit pa sa akin.


"Ano ang nag udyok sa iyo upang mag-alinlangan manatili sa piling ko?"

"K--Kamahalan.." Hindi ko alam ang isasagot ko.

Occultatum LiberaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon