Pagkagising ng ikalabing-dalawang prinsipe ay dumiretso siya sa asotea upang gumuhit sana habang kumakain ng agahan ngunit nagulat siya nang madatnang nandoon na ang ikalabing-walong prinsipe, nakangiti't nakatingin sa kawalan.
"Zyel." Tawag ni Zyir sa kapatid kaya't nabaling sa kaniya ang atensiyon nito. "Mukhang malalim ang iniisip mo."
"Ito'y marahil hindi pa rin maalis sa isip ko ang binibining nakilala natin kahapon." Sagot ng ikalabing-walong prinsipe. Napangiti si Zyir at umupo sa tabi ng kapatid.
"Anong ibig sabihin nito?" Tanong ni Zyel.
"Maaaring nahulog na ang loob mo sa kaniya." Sagot ni Zyir na dahilan ng paglaki ng mga mata ni Zyel dahil sa gulat at kumuha ng pangguhit atsaka nagsimula nang iguhit si Zyel at ang dalagang nakilala nila.
"N--Nahulog na ang loob ko.. sa kaniya?" Tanong ng ikalabing-walong prinsipe at tumango ang kausap. Napatingin si Zyel sa iginuguhit ng kapatid at namangha ito.
"Paano mo naiguguhit ang kaniyang itsura nang eksakto sa kaniya gayong isang beses palang natin siyang nakita? Hindi rin ba siya mawala sa isip mo?" Tanong ni Zyel.
"Hindi sa hindi siya mawala sa isip ko, kakaiba lang ang kaniyang kagandahan kaya't naukit ito sa aking isipan. Marami na akong nakitang magagandang babae noon sa bayan na iginuhit ko ngunit ngayon lang ako nakatagpo ng dalagang hindi ako magsasawang titigan."
"H--Huwag mong sabihing nahuhulog na rin ang loob mo sa kaniya!" Suway ng ikalabing-walong prinsipe sa kapatid. "Akin siya, ako ang nauna!"
Natawa si Prinsipe Zyir. "Kung gayon ay kumilos ka na."
"Kumilos? Ano ang ibig mong sabihin?" Nagugulumihanang tanong ni Prinsipe Zyel.
"Kung nais mong mapasaiyo ang isang bagay, nararapat lang na gumawa ka ng paraan upang mapasaiyo ito." Sagot ni Prinsipe Zyir.
Napasimangot ang ikalabing-walong prinsipe. "Ngunit hindi naman bagay ang dalaga."
"Ganun pa rin iyon. Kung nais mong magustuhan ka rin niya ay kailangan mong gumawa ng paraan. Maaari kang magbigay sa kaniya ng mga prutas, bulaklak, mga alahas at kung ano pa ang tingin mong maiibigan niya." Sagot ng ikalabing-dalawang prinsipe.
"Kung gayon ay kailangan ko na kumilos.. salamat, Prinsipe Zyir!" Tayo ni Zyel at tumakbo na palabas.
Namitas ng mga prutas ang ikalabing-walong prinsipe at inilagay ito sa loob ng isang malapad na tela at ibinuhol ito. Napadaan din siya sa mga bulaklak kaya't napatigil siya sandali at pumitas nang makita siya ng ikapito—Zael, ikalabing-isa—Zeo, ikalabing-anim—Zeandre at ikalabing-pitong prinsipe na si Zoren.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Prinsipe Zael nang makita ang ikalabing-walong prinsipe kaya't napalingon rin ang iba pang prinsipeng naroon sa direksyon nito.
"A--Ah.. Nais kong kumain ng prutas mag-isa." Sagot ni Zyel.
"Ngunit bakit may dala kang mga bulaklak?" Tanong ni Prinsipe Zoren.
"Baka may kasintahan na si Zyel!" Sabi ni Prinsipe Zeandre kaya't nanlaki ang mga mata ng iba pang prinsipe at tumingin ulit kay Zyel.
"H--Hindi totoo ang mga ibinibintang niyo!" Depensa ni Zyel at humakbang paatras ngunit humakbang palapit sa kaniya ang mga kapatid.
"Kung gayon, bakit pinagpapawisan ka? Kinakabahan ka ba dahil nalaman namin ang sikreto mo?" Sabi ni Prinsipe Zeo.
"Kung totoo ngang may kasintahan na si Zyel, nararapat lang na makilala natin ito." Sabi ni Prinsipe Zael.
BINABASA MO ANG
Occultatum Libera
Historical Fiction[ON-HOLD | UNDER SLOW EDITING] Tunghayan ang istorya ng pag-ibig, kataksilan, kasakiman at paghahari. Petsa ng Pagsisimula: Unang araw ng Pebrero, taong dalawang libo't labing-walo. [Paalala: matagal na pagdaragdag sa mga kabanata]