"Kamahalan!" Pigil ni Ginoong Jal sa hari sa pagwawala nito. Napakagulo ng silid ng hari. Hindi ito tumigil sa pagbabato ng mga gamit buhat nang dumating mula sa tahanan ng iniibig.
"Sabihin mo sa akin, masama ba akong tao?" Gulong-gulong tanong ng hari sa tagapagpayo. Gulong-gulo siya. Hindi niya maialis sa isip niya ang mga narinig mula sa iniisip ng binibini.
Bakit . . . ibang-iba na ang lalaking nasa harap ko ngayon?
Alam kong si Ginoong Ezequiel pa rin si Haring Zenthiel ngunit bakit tila magkaibang tao na sila?
Nasaan na ang mabait at malumanay na si Ginoong Ezequiel?
Nasaan na ang matatamis niyang mga ngiti na siyang kinahumalingan ko?
Nasaan na ang malambing niyang tinig na nagpapakalma sa sinumang makarinig nito?
Nasaan na ang mabuting ginoo na kinagigiliwan ng lahat dahil sa angkin nitong bait at malasakit?
Bakit tila ibang-iba na?
"Jal, malaki ba ang pinagbago ko?" Tanong niya muli ngunit sa pagkakataong ito ay may tumulong isang patak ng luha mula sa kaniyang mata.
"Totoong malaki ang pinagbago niyo, kamahalan ngunit para lang din ito sa inyo. Kung mananatili kayong maamo at malumanay katulad ng dati ay madali kayong mapapatumba ng iyong mga kalaban dito sa palasyo. Matalino pa rin kayo tulad ng dati ngunit mas marahas na kayo ngayon at isa lamang iyong katangian na dapat taglayin ng isang hari paminsan-minsan." Sagot ni Jal.
"Ginoo," Tawag ng hari at lumapit pa sa kaniya ang tagapagsilbi.
"Ihanda mo ang aking kabayo."
"S--Saan po kayo pupunta, kamahalan?" Nagtatakang tanong ni Jal.
"Gusto kong maging hari na may malasakit sa lahat ng nasasakupan nito. Pupuntahan natin ang mga magsasaka na nakararanas ng tagtuyot at kakausapin natin sila at nang masolusyunan na ito." Sagot ng hari at tumayo na upang mag-ayos.
"Matagal-tagal na paglalakbay po ito, kamahalan. Maaari naman pong pumunta na lamang dito ang ilan sa mga magsasaka upang makausap kayo at—"
"Gusto ko silang makausap lahat at gusto ko nandoon silang lahat upang makapagsalita sila kung ano ang mga saloobin nila sa gagawin kong desisyon." Sagot ng hari at nauna na.
"Ngunit ang binibini . . . " Sabi ni Jal ngunit tuluyan nang nakalabas ang hari ng silid.
"Hindi ba siya magpapaalam sa binibini?"
~¤~
"Sinabi ko naman po sa inyo, mahal na prinsipe na iniibig na ng mahal na hari ang dalagang iyon. Humanap nalang po tayo ng ibang dilag na maaari niyong mapangasawa." Sabi ni Jakob habang ginagamot ang sugat ni Zuriel.
"Hindi!" Mariing sabat ng binata.
"Matuto siyang lumaban nang patas! Hindi marahil siya ang hari ay maaari na niyang manipulahin ang nararamdaman ng binibini!" Sabi niya atsaka tumayo.
"Prinsipe, hindi pa po tapos ang sugat—"
"Nakita ko kung paano niya manipulahin ang binibini, Jakob! Sigurado akong natatakot lang siyang sumuway sa hari." Sabi ng prinsipe at napabuntong-hininga nalang ang tagapagsilbi. Napalingon sila pareho sa pintuan ng silid nang bigla itong bumukas.
"Ama," Bati ng binata kay Prinsipe Zenon. May sasabihin sana si Prinsipe Zenon nang mapansin ang leeg ng anak.
"Ano'ng nangyari riyan?" Tanong niya at lumapit sa anak. Iniangat niya ang baba nito upang makita nang maayos ang sugat.
BINABASA MO ANG
Occultatum Libera
Tarihi Kurgu[ON-HOLD | UNDER SLOW EDITING] Tunghayan ang istorya ng pag-ibig, kataksilan, kasakiman at paghahari. Petsa ng Pagsisimula: Unang araw ng Pebrero, taong dalawang libo't labing-walo. [Paalala: matagal na pagdaragdag sa mga kabanata]