Ikalabing-apat na Kabanata

108 48 0
                                    

"Saan mo pinatuloy si Binibining Liah?!" Galit na sigaw ng hari kay Jal.

"W--Sa tahanan po ng.. mga tagapagsilbi ng hari. I--Iyon po ang utos ng reyna." Nakayukong sagot ni Jal.

Dumating na ang umaga at kinamusta ng hari kung ano ang kalagayan ni Liah mula nang ihabilin niya ito kay Jal at sinabi naman ni Jal ang mga nangyari nang buong katotohanan. Parang kidlat ay lumabas ng silid ang hari at pumunta sa tahanan ng reyna at dire-diretsong pumasok sa silid nito.

"Inang reyna, nandito po ang mahal na hari." Sabi ng nagbabantay sa labas ng silid ng reyna kahit pa nakapasok na ang hari.

"Bakit mo iniutos na sa tahanan ng mga tagapagsilbi patuluyin ang dinala kong bisita?" Diretsong tanong ni Zenthiel sa ina.

"Sino ba siya para bigyan ng kwarto sa palasyo? Hindi ba't isa lamang siyang hamak na alipin na napulot mo sa iyong pagsuway sa utos kong huwag lumabas?" Sagot ng reyna.

"Hindi lang siya basta isang alipin, Ina! Siya ang babaeng nais kong pakasalan!" Sabat ni Zenthiel na ikinagulat ng reyna. Ang gulat na ekspresyon sa mukha ng reyna ay unti-unting napalitan ng galit.

"Anong sinabi mo? Nais mong pakasalan ang alipin na iyon?! Nahihibang ka na ba talaga, Zenthiel?!!"

"Tawagin mo akong nahihibang ngunit wala nang makakapagpabago pa sa desisyon ko, Ina." Sabi ni Zenthiel atsaka tinalikuran ang ina at lumabas na ng silid nito. Naglakad siya patungo sa tahanan ng mga tagapagsilbi.

Pumasok si Javier sa silid ng reyna atsaka kinamusta ang reyna.

"Ayos lang po ba kayo, mahal na reyna?" Tanong niya, bakas sa mukha at tono ng pananalita ang pag-aalala.

"Ayos lang ako, Javier ngunit kailangan kong umisip ng paraan upang mabago ang isip ni Zenthiel. Alam kong matigas ang ulo niya at hindi magiging madali na baguhin kung ano'ng napagdesisyunan niya." Sagot ng reyna.

"Ina ka pa rin ng kamahalan, mahal na reyna kaya't nakasisiguro akong may pag-aalala pa rin siya sa'yo.. lalo na kapag nalaman niyang may malubha kang karamdaman."


Rielianah


"Hindi ba't dinala siya dito ng hari kagabi?"

"Oo nga daw at ayon sa narinig ko ay kasama siya ng hari noong naninirahan pa ito sa labas ng palasyo."

Napamulat ako nang makarinig ng ingay sa paligid. Bumungad naman sa akin ang mga mukhang nakadungaw sa akin, sila ay mga kababaihan na may pare-parehong kasuotan.. kasuotan ng mga tagapagsilbi ng hari. May isang lumapit sa akin at nagulat ako nang hagisan niya ako ng mga damit.

"Dalian mo na at magpalit ka na ng damit. Hindi porket ang hari ang nagdala sa'yo rito ay espesyal ka na. Bawal ang tatamad-tamad dito!" Bulyaw niya sa akin. Bumangon naman ako agad at nagpalit nga. Paglabas ko sa silid na pinagbihisan ko ay nandoon na naman ang mga kababaihang nagkukumpulan, parang hinihintay nila ang paglabas ko.

"Labhan mo 'tong mga 'to at ayusin mo!" Hagis sa akin ng isang babae ng batsa na may lamang mga kasuotan. Tumama 'yon sa ulo ko kaya't natumba ako sa lapag pati na 'yong batsa at mga damit sa loob no'n.

Pagbangon ko ay inayos ko na ang mga kasuotan sa loob ng batsa at binitbit na 'yon. Nagtanong ako kung saan ako maaaring maglaba at may nagturo naman sa akin kung nasaan ang sapa kaya't doon ako nagpunta. Pumwesto ako medyo malayo sa tubig na kamay ko lamang ang mababasa, puwestong hindi mababasa ang mga paa ko.

Hindi talaga ako marunong maglaba kaya't kung anu-anong pagpiga at pagkusot nalang ang ginawa ko. Bakit ba kasi hindi ako nagpaturo noon? Ang hirap nito.

Occultatum LiberaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon