Ikalabing-isang Kabanata

117 51 0
                                    

Rielianah

Nakapatong ang ulo ko sa mga palad ko habang nakapatong naman ang mga siko ko sa lamesa, pinagmamasdan ko si Ginoong Ezequiel habang pinapakain niya ang kabayo niya.

Napakakisig niya talaga. Matipuno ang kaniyang pangangatawan at napakabait pa niya. Magalang siya sa lahat ng tao at kahit kailan ay hindi niya ako pinabayaan. Halos perpekto na siya kung tutuusin at hindi ko talaga maiwasang humanga sa kaniya.

"Baka malusaw si Ginoong Ezequiel, binibini." Rinig kong sabi ni Ginoong Jal na siyang ikinagulat ko. May halong panunukso sa tono ng kaniyang pananalita kaya't hindi ako nakasagot agad. Gano'n ba kahalata na pinagmamasdan ko ang ginoo?

"A--Ah, pinapanood ko lang po siya upang malaman kung paano magpakain ng—"

"Hindi mo kailangan magpaliwanag, binibini." Putol sa akin ni Ginoong Jal atsaka siya kumindat na may halong pang-aasar.

"Ayan na ang ginoo." Bulong niya na may panguso-nguso pa kay Ginoong Ezequiel na palapit sa amin.

"Maaari bang makisali sa inyong pag-uusap?" Nakangiting tanong niya at umupo sa tabi ko. Naku, hindi maaari ginoo! Isang kahihiyan kapag nalaman mong nahuli ako ni Ginoong Jal na nakatitig sa iyo.

"A-Ah.. wala naman po kaming mahalagang pinag-uusapan, ginoo. Nabanggit ko lang po kay Ginoong Jal na nais ko rin matuto magpakain ng kabayo." Pagpapalusot ko. Sana maniwala siya, sana maniwala siya..

Napapikit nalang ako habang hinihintay kung paniniwalaan ba ni Ginoong Ezequiel ang sinabi ko. Ano na naman kayang idadahilan ko kapag hindi siya maniwala?


"Kung gayon ay tuturuan kita, binibini." Rinig kong sabi ni Ginoong Ezequiel kaya't napamulat ako.

Ano kamo?? Naniwala nga siya at tuturuan niya akong magpakain ng kabayo?!

Waaah wala naman talaga akong balak matuto magpakain ng kabayo. Ano ba naman kasi Rielianah 'yang mga naiisip mong palusot!

Tumayo na si Ginoong Ezequiel kaya't tumayo nalang rin ako at sumunod sa kaniya. Bago pa man kami tuluyang makalayo ay nakita kong sumenyas sa akin si Ginoong Jal ng, "kaya mo 'yan!" at nagpakita pa siya ng hugis puso gamit ang kaniyang mga daliri.

Zenthiel

"Waaah, sigurado ka bang hindi niya kakagatin ang kamay ko, ginoo?" Tanong ni Binibining Liah habang unti-unting lumalapit sa kabayo.

"Sa dami naman kasi ng puwede kong idahilan ay bakit ito pa? Paano kapag nakagat ako ng kabayong 'to at mamatay ako? Waaah, gusto ko pa makasama nang matagal si Ginoong Ezequiel." Rinig kong sabi niya kahit na hindi naman bumubuka ang kaniyang mga labi, ibig sabihin ay sinasabi niya lang ito sa kaniyang isip.

Hindi ko mapigilang matawa sa t'wing naririnig ko ang mga iniisip niya dahil kung gaano siya katahimik sa labas ay gano'n pala siya kakulit at kaingay sa kaniyang utak.

Nasasanay na rin ako makinig sa sinasabi niya sa utak niya kahit na minsan ay napapaisip ako kung ayos lang ba ito. Malamang kapag nalaman niyang nakikinig ako sa iniisip niya ay magagalit siya sa akin ngunit wala naman din akong magagawa dahil kahit takpan ko ang aking mga tainga ay naririnig ko pa rin ang iniisip niya.

Noong una'y akala ko nagkaroon ako ng abilidad na marinig ang iniisip ng mga tao kaya't sinubukan ko ito kay Jal.

*pagbabalik tanaw*

"K--Kamahalan . . . ? Bakit ka po nakatingin sa akin?" Nagtatakang tanong ni Jal at lumingon-lingon pa sa kaniyang likuran upang makasiguro kung siya ang tinititigan ko.

"Sshh.. mag-isip ka lang." Utos ko sa kaniya at hinawakan ang noo ko.

*kroo.. kroo..*

Bakit wala naman akong naririnig?

"Nag-iisip ka ba?" Tanong ko kay Jal at tumango-tango siya. Bakit hindi ko naman naririnig ang iniisip niya?

"Anong iniisip mo?" Tanong ko.

"Iniisip ko po kamahalan kung bakit kakaiba ang ikinikilos mo ngayon. Pinag-iisipan ko po kung may nakita ka na namang kahibangan sa plaza at nais mo itong gayahin o nahuhumaling ka na sa akin kaya't titig na titig ka sa akin." Sagot niya na may halong panunukso. Tumayo na ako nang maayos at napagtanto na tanging iniisip lang ni Binibining Liah ang naririnig ko.


*katapusan ng pagbabalik tanaw*


"Ginoo?" Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang tinig ni Binibining Liah kaya't napunta sa kaniya ang atensyon ko.

"Tama po ba itong ginagawa ko?" Tanong niya habang pinapakain ang kabayo. Nginitian ko siya atsaka tumango-tumango.

Pinagmasdan ko siya sandali at naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso habang nakatitig sa napakaganda niyang mukha. Kung pagmamasdang mabuti ay mukha siyang anghel kaya't nagmimistulang langit ang paligid kapag nandito siya.


"Kamaha—este, Ginoong Ezequiel!!" Pareho kaming napalingon ni Binibining Liah kay Jal na tumatakbo papalapit sa amin. Sa likod niya ay mayroong tatlong kawal ng palasyo na nakasakay sa kanilang mga itim na kabayo at isa sa mga kawal na 'yon ay si Javier.

Naglakad ang kabayo ni Javier palapit sa akin atsaka siya bumaba at pasimpleng yumuko upang magbigay galang.

"Nais ka niyang makita."

Occultatum LiberaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon