[Third Person's POV]
Lahat ay nagkakagulo. Maraming gusali na ang nawasak.
"King Artemio! Ang palasyo!," sabi ng isang heneral.
Nanlaki ang mata ng nasabing hari. Isa siya sa mga hari ng Elemental Kingdoms.
Nagkakagulo ang buong Magic Realm dahil sa isang digmaan. Digmaang sisira sa isang lahi.
Kadiliman laban sa apat na elemento, ang tubig, lupa, hangin at apoy
Nagkaroon ng malaking pagsabog sa isang parte ng kanilang palasyo.
"Ang mag-ina ko," ang sabi sa isip at walang pasabing pinasok niya ang loob ng palasyo.
"Haring Artemio, sandali!," hindi niya iyong pinakingggan.
Agad niyang hinanap ang kwarto kung nasaan ang mag-ina niya.
"Ama!," Tawag sa kaniya ng sampung taong gulang na lalaki habang umiiyak ito.
Tinakbo niya ang pagitan nilanat niyakap ang bata.
"Ang iyong ina?," tanong niya.
"W-Wala na siya ama. Kasanalan ko. Ako dapat ang tatamaan ng patalim pero isinakripisyo niya ang kaniyang buhay para iligtas ako. Patawad ama," humagulgol ang bata. Walang nagawa ang hari kundi ang yakapin ng mahigpit ang anak.
"Wala kang kasalanan anak. Nasaan ang katawan ng iyong ina?," itinuro ng bata ang kinaroroon ng ina. Agad na pinuntahan ng hari. Binalot siya ng galit. Dahil sa kasakiman, nangyari ang lahat ng ito. Tumutulo ang kaniyang luha nang buhatin niya ito. Tinignan niya ang anak at sinenyasang lumapit ito sa kaniya.
"Kumapit ka sa akin. Ilalayo ko kayo dito," sabi sa kaniya. Sumampa sa likod niya ang anak.
"Kumapit ka ng mabuti anak," paalala niya. Naramdaman niyang hinigpigatan ng anak ang pagkakapit sa leeg niya. Tumakbo siya ng mabilis palabas ng kanilang palasyo.
Pumasok sila ng gubat. Inilapag niya ang katawan ng asawa sa lupa at bumaba na ang anak.
Humarap siya sa anak.
"Anak, makinig ka. Aalis ka dito," seryosong sabi niya na ikinailing naman ng anak.
"Ayaw kong iwan ko kayo ama!," Sabi naman niya sa ama.
"Makinig ka, ikaw lang ang natitirang pag-asa ng lahi natin. Kailangan mong makaalis sa lugar na ito. Hindi pwedeng walang matira sa atin. Kaya anak, gawin mo ito para sa iyong ina, para sa lahi natin," walang nagawa ang anak kundi ang tumango.
Pinunasan niya ang luha nito.
Itinaas nito ang kamay.
"Almighty gods and goddesses, hear me
Protect this child in front of me"May lumabas na magic circle sa paanan ng kaniyang anak. Kahit masakit, kailangan niyang magtiwala sa anak.
"Lagi mong tatandaan, mahal na mahal ka namin ng iyong ina," sabi niya at hinalikan sa noo ang anak. Tumango ang bata.
"Mahal ko rin kayo ama at baabalik ako ama. Paalam," umiiyak na sabi sa kaniya.
Tumango siya.
"Hihintayin ka namin namin anak," unti unting nawala sa paningin niya na siya ring pagguho ng kanilang palasyo.
Napapikit siya nang may tumamang palaso sa kanyang likuran. Ininda niya ang sakit at nakipaglaban hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng lakas.
Darating ang araw muling babangon ang aming lahi. Darating yung araw na magkakaroon ng pag-asa para sa amin. Nasa sa iyong kamay ang kapalaran ng ating lahi, anak.
••••••••••••••••••••
A/N: Wazzup! Another BL fantasy is waving!
BINABASA MO ANG
The Seventh Generation (BoyxBoy)
FantasySeventh Generation, ito ang tawag sa ikapitong tagapangalaga ng apat ng Elemental Spirits ngunit sa naganap na digmaan, nawala ang Prinsipe ng Fire Kingdom na siyang tagapangalaga ng Fire Spirit. Sa pagkawala niya ay hindi naging balanse ang lahat. ...