14.

7.9K 182 62
                                        

Aphrodite pov.

Napakagat ako ng ibabang labi dahil nagsisimula na itong manginig. I am seeing the exact replica of myself trying to step closer to my place with her eyes filled with pain and longing napailing ako.

"A? You don't know how much I miss you. Sa wakas nakita rin kita." Muntik akong matumba dahil sa panghihina ngunit sinubukan ko pa ring umatras. I can see the tears swells in her eyes. Napailing ako just looking at her makes me feel more small her clothes lahat ng nakikita ko sa kaniya ay wala ako. She has the intact dignity, virtue and good fate while me on the other hand have nothing but a broken pieces of myself napalunok ako ng makita ko ang pagpasada ng tingin nito sa aking anyo at napatakip ito ng bibig at mas napaluha dahil sa nakita nitong kaawa awang lagay ko.

Naglikot ang aking mga mata at pinipilit na wag tumingin dito. Dahil ayokong makita ang naaawang tingin na tinatapon nito sa'kin. I want her to just get out of here because I don't need her to slap me on the face of how pathetic had I become.

"What have you done to yourself?" She muttered almost a whisper not believing what she had saw. I want to laugh hysterically at her question. Bakit nga ba? Bakit nga ba ako nagkaganito? 'Yan din ang tanong ko sa sarili ko na hindi ko masagot-sagot.

'Di ba masaya na ako noon na maging isang masamang replica ng isang Xianne? Dahil kambal ko naman siya at kapag nagtagumpay siya parang nagtagumpay na rin ako.

Naging masaya rin ako na kahit sa malayo ay nakikita ko kung paano siya mahalin ng taong mahal ko? Dahil iniisip kong okay lang 'yan sapagkat napunta naman siya sa taong kamukha ko at papangarapin ko na lang na ako iyon na ako ang binibigyan niya ng bulaklak at sinusuyo. Hindi na ako aasa sa kadahilanan na sila naman ang nababagay sino ba kasi ang magtitiyaga sa'kin? Isang balyena ng bayan at isang tanga na kailanman ay walang pakinabang.

Masaya rin naman ako na makitang mas nagagawa niyang pasayahin ang mga magulang namin sa pamamagitan ng bawat bagay na nagagawa niya? Dahil alam kong napapasaya niya ang mga ito na bagay na di ko magawa simula pa noon sapagkat pawang kahihiyan lang kasi ang nabibigay ko. Kaya buti na lang meron pa ring taong nagiging sanhi ng mga ngiti nila. Imbes na isang sakit ng ulo na ako lang ang nakakapagbigay.

At higit sa lahat masaya naman ako noon na makitang ako ang napapag-iwanan at kinakalimutan? Sapagkat alam kong hindi ko sila maiinis o maaasar sa aking presensiya kapag wala ko at iyon ang importante.

Pero 'di ko naman pala alam na lahat ng sayang 'yon ay pawang kasinungalingan. I made myself a fool. Believing that I am happy by just being the last option and I thought it was my purpose pero 'di pala dahil for once I wish to be selfish gusto ko makita rin ako, gusto ko may mapangiti ako at higit sa lahat gusto ang mahalin din ako ng taong mahal ko. Pero ang hirap palang pilitin ang sariling mangarap dahil sa huli mas masakit ang pagbagsak.

"What are you doing here? And who are you?" I ask in monotone making her flinch and shook her head. Kuyom ang kamao ko at hinarap ko siya acting so brave.

"Ako 'to? 'Di mo ba ako nakikilala? Ako 'to si X? P-Please A come back." I gritted my teeth fighting the urge to cry. Umatras ako muli.

"No! I don't know you! So Get out of here!" Sigaw ko rito pero nagulat ako nang takbuhin ako nito at niyakap ng mahigpit. Sa yakap nito naramdaman ko ang pangungulila. My tears flow gustong-gusto kong suklian ang kaniyang yakap. Gusto kong yakapin ang taong pinangarap ko na sana ay naging ako at magsumbong rito. She was my older sister and I want to cry out telling her how much pain I am suffering now. Parang ang init na binibigay nito sa'kin ay bumura sa lahat ng pasakit na aking naranasan those pain that almost kill me alive It burns, my heart is throbbing, I want to shout, yell how frustrated I am.

The Knife That Cuts DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon