59

5.9K 126 40
                                    

Aphrodite pov

"So kailan mo ulit ako bibisitahin dito apo... Dapat isama mo na din ulit ang dalawang makukulit na apo ko sa tuhod dahil miss ko na ang mga iyon. " natawa ako ng mahina sa sinabi ng aking lola halatang halata kasi na gustong gusto talaga nito ang mga anak ko..

Dahil kahit dumalaw na kami noong isang araw ay eto na naman po siya tinatanong ako ulit kung kailan kami makakadalaw muli.

"Hayy naku lola kapag dumadalaw kami diyan ay walang preno ang pagbibigay mo ng mga gusto nila kaya nga kahit sina avianne ay kinukulit din akong dumalaw kami diyan. "Narinig ko ang malutong na tawa nito mula sa kabilang linya and i am glad that my children made her happy.. Sa dami ba naman ng naitulong nito ay gugustuhin ko talagang mapasaya ito dagdag pang ito ang naging tagapayo na naging sanhi upang maabot ko ang katayuàn ko ngayon... At hindi pa ito huminto sa pagiging maunawain dahil tinanggap nito ang desisyon kong makipag-ayos sa tunay kong pamilya.. At kahit kaaway nito sa negosyo noon sina papa ay hindi ito nagtanim ng galit bagkus tinanggap nito ng buong buo ang lahat ng mga pangyayari

"Aba! Dapat lang na ibigay sa mga apo ko sa tuhod ang lahat because they deserve happiness! At isa pa kung maibibigay ko sakanila ang isang bagay pwes ibibigay ko iyon.. Dahil ako ang lola at tungkulin ko iyon. " tama si lola my children deserve to be happy at tulad ni lola ibibigay ko din ang lahat ng makakaya kong ibigay para sa mga anak ko.. Kahit pa mahirap ay sisiguraduhin ko pa din na lahat ay magagawa kong ibigay..

"Saka apo alam mo ba madaming pangangailangan ang mga bata kaya nga dapat ibigay mo ang mga iyon.. Pero sa lahat ang mas kailangan nila ay pagmamahal at pamilyang mag-aaruga at mag-uunawa sakanila. "Napabuntong hininga ako.. Nagagawa ko naman ibigay ang pangangailangan nila tulad ng materyal na bagay, pagmamahal, pag-aalaga o ano mang hinihingi nila

pero hindi ko alam kung sapat na ba ang mga bagay na naibibigay ko sa ngayon.. Dahil sa loob loob ko ay Natatakot ako na baka may kulang.. Pa.. Na baka may iba silang gusto
Na hindi ko lang makita o hindi nila masabi..

"O apo bakit natahimik kana diyan may problema ba? " napapikit ako at maayos kong isinandal ang aking likod sa swivel chair. Ang dami kasing bumabagabag sa isip ko. Oo nga't kompleto na at naging masaya na ang pamilya ko pero bakit ganito i still felt so empty and bothered.. Pabalik balik sa isip ko ang nangyari noong isang araw.

Kung saan muntik ko na masabi kay neon ang mga salitang nagpapahayag ng aking damdamin kung bakit ba kasi natatakot ako..

"La satingin niyo po ba kulang pa ang binibigay ko sa mga anak ko? " isang nakakabinging katahimikan ang narinig ko hanggang narinig ko ang pagbuntong hininga nito.

"alam mo huhulaan ko kung bakit mo yan iniisip dahil ba hindi mo sila maibigay ngsang kompletong pamilya? Yung kasama ang kanilang ama?" Natahimik lamang ako dahila alam kong totoo ang sinasabi nito.. Natatakot ako na baka tulad ng nangyari kay cresent ay magiging ganoon din ang mga anak ko.. Ayokong masaktan sila at magtanong kung bakit hindi kompleto ang pamilya nila..

"Tama nga ako.. Dahil natahimik ka.. Ngunit Alam mo apo.. Ikaw naman ang dapat magdesisyon ng mga bagay bagay na iyan Pero tandaan mo na hindi mo parati maipipilit ang rason na para lang sa mga anak mo kaya gagawin mo ang isang desisyon .. Dahil Hindi yon tama saka masasaktan ka lang at malilito kaya ang payo ko lang ay sagutin mo ang lahat ng tanong sapamamagitan ng pakikinig sa sarili mong puso "pero yon naman ang dapat diba? .. na Kung para sa kasiyahan ng anak ko ay Gagawin ko ang lahat, na kung hinihingi nila ay ibibigay ko?

"Itanong mo nga sa sarili mo apo kung kailangan mo din ba siya? .. At Satingin mo ba kung wala ang mga anak mo.. Kakailanganin Mo pa ba siya sa buhay mo? Kapag nasagot mo iyan doon mo makukuha ang kasiyahan.. At hindi kana mabubuhay sa takot " napakagat ako sa aking pang-ibabang labi.. At napaisip.. Oo diba dapat galit ako. At Diba ginusto kong maghiganti pero bakit di ko na maisip iyon gawin? Baki di ko siya magawang paalisin?

The Knife That Cuts DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon