Aphrodite povNapalunok ako habang nakatayo na naman ako sa parehong gate, habang nagdadasal na sana lang ay maging maayos ang lahat.
Bwesit din kasi ang dami pa ding bumabagabag sa isip ko pero kinailangan kong pumunta ngayon kahit na ang dami pa din akong tanong. Dumagdag pa ang gulong nangyari kagabi... Pagkatapos kasi sabihin ng lalakeng yon ang mga salitang kinagulat ko ay agad din itong umalis.. Ni hindi kami hinayaan na magsalita.. Pa o magtanong.. Hindi ko rin alam kong totoo ang mga sinabi nito pero kung may anak si xianne eh bakit niya pa kakailanganin ang anak ko?
Napabuntong hininga ako at pinindot ko na lamang ang door bell dahil tulad ng iba kong mga tanong ay Hindi ko din naman masasagot ang tanong na naisip ko ngayon sapagkat si xianne lang ang makakasagot non isa pa sa ngayon di iyon mahalaga ang mahalaga ay ang anak ko.
kailangan ko silang harapin ng may tapang hindi ko na pwedeng hayaan lamang di xianne na angkinin ang hindi kaniya.
Sa kaisipang yon ay pinindot ko muli ang door bell saka ang record button na malapit dito saka ako nagsalita na tiyak maririnig mula sa loob..
"Manang si arriane to. "
Mahinahon kong sambit at hindi nga nagtagal ay nakarinig na ako ng mga yapak.Bahala na di na ako aatras. Aalisin ko muna ang lahat ng mga tanong sa isip ko at uunahin ko muna ang anak ko.
Bumukas ang gate at bumunggad sa akin si manang na may hawak na remote... Ngumiti ako dito habang ito naman ay ang lapad din ng ngiti maluha luha pa nga eh.
"Magandang umaga manang kailangan ko lang makausap si xianne.. Andiyan ba sila? " nanlalaki ang mga mata nito na parang hindi makapaniwala, sino ba namang Hindi diba? Eh nung unang pagpunta ko dito ay wala akong ginawa kundi ang mang-away.
. "naku nandito lang sila sa loob ija.. Hinihintay ka dahil narinig nila ang boses mo. Excited na excited nga silang lahat.. Sige pasok ka ija.. Naku.. Sana naman magkaayos na kayo ng kapatid mo at nang papa mo. "Ngumiti lang ako ng matipid at naglakad na papasok habang sinusundan ko lang ito.. Mula sa likod..
"Ija.. Alam mo sana parati kanang makadalaw dito. Sana din di na kayo mag-away ng ate mo... Kasi kawawa din ang ate mo may pinagdadaanan din yon pero tulad mo ay hindi din palasalita kapag problema na ang pinag-uusapan.. Saka ija nagtatampo talaga sayo ang lolo mo dahil di ka nakapunta sa kaarawan niya.. Pero magsorry ka nalang tiyak mapapatawad ka non agad. " napabuntong hininga na lamang ako. At Hindi ko lang kasi alam kung maaayos pa ba ang pamilyang kinabibilangan ko.. Kaya nanatili na lamang akong tahimik ngunit nang nasa bungad ng malaking pinto na kami ay napahinto ito at nilingon ako saglit..
"ija.. Tandaan mo pamilya ay napakahalaga... Wag mong ipagdamot ito sa sarili mo o sa iba..yon lang ang masasabi ko is na pumasok kana at ako'y dadaan sa likod bahay dahil kailangan ko pang magluto sa kusina nga pala wala ngayon ang iba mong kapatid. May outing kasi sila sa school nila. " napatango lamang ako. Pero tumatak sa isip ko ang una nitong sinabi kaya hanggang nakaalis ito ay nanatili akong nakatayo lamang sa may pinto
At tinatanong sa sarili ko ang tanong na...
Madamot na ba talaga ako?
Napailing ako. Dahil Hindi ko na dapat iyon iniisip.. Kaya Naglakad na ako papasok..
Only to find out na nandito nga sina mama at ang ama ko. At pati si xinanne andito rin pero gaya ng sinabi ni manang ay wala nga ang iba kong mga kapatid"anak salamat at muli ka na namang napadalaw miss na miss na kita anak.. " sambit ng aking ina at agad akong niyakap pero ang aking mga mata ay nanatiling nakatutok sa kapatid ko na nakaupo lamang kasama ang aking ama na hindi man lang ako matapunan ng tingin ni hindi ko nga alam kung dahil ba sa galit o dahil lang sa hiyang nararamdaman nito.
BINABASA MO ANG
The Knife That Cuts Deep
Romansa"We didn't made love you hear me?! It's fuck! O 'di mo pa rin maintidihan dahil sa kabobahan mo! E' 'di sana 'yang taba mo ay mapunta sa utak mo nang matauhan ka na and I hope you'll quit from your delusions because I wouldn't fall for an ugly and...