3

11.4K 248 19
                                        

Neon pov

"Andito na tayo salamat naman I can't wait to meet new people!" Masiglang saad ni Erron na sinapak ni Rohws.

"Huwag kang epal alam naman namin na babae lang ang gusto mo na makilala sa mga bagong lugar na tulad nito ipapaalala ko lang sa'yo kambal kong utol. Ako ang pinakagwapo kaya ako ang pag-aagawan dito hahaha!" Huminga ako ng malalalim bakit ko ba ito nakasama buti pa sumama na lang ako sa iba naming kateam na nauna na sa hotel kaysa naman sa mga ito na walang ginawa kundi mag-ingay at mag-asaran. Malala pa nito ay rito pa mismo sa grocery store. Bwesit bibili raw kasi sila pero kanina pa kami naglalakad ay wala pa silang nabibili.

"Tsk, Magkamukha kaya tayo pero lamang pa rin ako! Napapasigaw ko lagi ang mga girls sa sarap at kilig. 'Di tulad mo pa gentleman sus tol uso ang bad boy effect ngayon. Bakla na maiituring ang mga tulad mo. Gayahin mo 'ko pinapantasya ng lahat at pinapangarap ng lahat." Puno ng pagmamalaking sabi ni Erron at nagpogi sign pa. Parang bata lang sa magkambal ito ang nagmana kay tito Roque isang heart breaker. Ewan ko kung bakit ang tagal ng karma nito.

"Hindi naman pwedeng laging ganiyan. 'Yung ginagamit mo ang mga babae para sa saya lamang na panandalian. Dapat kapag humanap ka ng babae ay maiisip mo na sa lahat ng babae ay siya na talaga ang napili mong makasama hanggang sa huli at papaligayahin sa abot ng iyong makakaya." Parang wala sa isip kong sambit na kinatahimik ng dalawa nagtaka ako noong una pero nung rumehistro sa isip ko ang mga pinagsasabi ko roon ko lang nalaman na I have mistakenly act like a hopeless romantic man.

"Shit pre anyare sa'yo? Bigla-bigla ka na lang nagsasalita at petmalu ang lupet dahil 'yun pa talagang mga salitang may chansang magpapahimatay sa'min sa gulat. Grabe 'di ko 'yon ineexpect. A man like you na dati parang ginagawang boxer ang mga babae kung magpalit araw-araw ay sasabihin na kailangan naming magseryoso. Woah! 'Di ko 'yon nagawan sundan 'a." Eto na ba ang sinasabi ko ayan sisimulan na ako nilang asarin. Buti pa 'yong nanahimik na lamang ako.

"'Yan ba ang nagagawa ng pagiging tigang pre. Pwede ka namin dalhin mamaya sa malapit na bar rinig ko may sikat na bar dito na ang pangalan ay aprodites kasi raw lahat ng babae raw dito ay ang gaganda parang diyosa. But according to Ice it was a secret bar. Para lang sa mga may kaya ang nakakakita no'n and only people who know the code ang makakapasok. " dagdag ni Rohws ngunit walang gana ko lang itong tiningnan. Yes I am celibate but I will not find a girl for just a release. Nagsisi ako na minsan ko 'yon nagawa ang insultuhin ang pagkakababae ng isang babae. They need to be respect kaya hindi ako magtatangkang itapon ang paniniwala ko sa isang gabi lang.

"Trabaho ang pinunta natin wala ng iba at isa pa Rohws 'di natin alam ang code at kung anong mga nangyayari sa loob ng bar 'di ba sabi mo tago ito? kaya tiyak may mga gawain doon na hindi maganda baka madamay pa tayo." Pangngaral ko rito pero ito ngumuso lang at kinuha ang cellphone nito at my tinype at saka ipinakita sa'kin ang cellphone nito.

Goddeses iyon ang nakasulat kaya napakunot ang noo ko.

"That's the code kung pumunta na tayo rito bakit hindi na natin lubos-lubosin. I want a night of adventure. Sige na Neon." Umiling ako ngunit napatigil ako nang may makita akong isang babeng kilalang-kilala ko. She was with simple clothes. A shirt and a jeans ngunit ang mukha nito siyang-siya.

Xianne....

Nanlalaki ang mga mata ko at hindi ko inasahan na lumingon ito sa kinatatayuan ko with a smile and when she saw me her eyes grew big kasabay ng pagkawala ng ngiti sa labi nito. Those bluish eyes are filled with unnamed emotion umiling ito and there I saw her wipe something in her right cheek at alam kung luha iyon. Pinaluha ko na naman siya the girl I love is crying because of what I have done. Napaatras ito kaya napahakbang ako.

The Knife That Cuts DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon