Aphrodite pov.
"Andito na tayo "anunsyo ni zerrah.. Na kinagising ko mula sa malalim na pag-iisip.. At sa kauna unahang pagkakataon mula sa hinaba- haba ng naging aming biyahe ay ngayon lamang muling bumalik ang takot sa aking puso..
Bakit kasi ngayon pa nitong piniling basagin ang katahimikan na namamayani sa loob ng kotse eh kanina naman na kahit naSa pribadong sasakyan panghimpapawid pa lang kami ay wala itong imik.. Ni walang kahit isa samin ang sumubok na bumasag non At nanatili iyon hanggang Kanina ng dumating ang isang kotse kung saan minamaneho iyon ng tauhan ni zerrah na siyang susundo Sana samin ngunit kusa na ring nakapagdesisyon si zerrah na siya na lang ang magmamaneho .
At sa ngayon nga gaya ng anunsyo ni zerrah ay nakikita ko nga ang malaking mansion na nasa harap namin ang lugar na di ko inasahan na makikita kong muli. Ang bahay na kilalang kilala ko ...because i always dream and imagine this place.. At Noon nasa bar pa ako inisip kong kailanman di ko na ito muling makikita na naging sanhi ng pagkaramdam ko ng konti lungkot but now here i am.. Feeling so cold and sweaty at thesame time.. Happy
Sino ba naman hinde? Eh ang bahay na ito ay puno ng alaala... Sapagkat dito ako lumaki, dito ako nagkaisip at dito ko din naramdaman ang pagmamahal... Ngunit napag-isip ko din na okay na lang din na sana ay hindi ko na ito makita pa sapagkat hindi naman lahat ng alaala ko dito sa bahay na ito ay magaganda dahil nang nagdalaga na ako doon ko din naranasan at napag-isip isip na hindi ako nararapat na manirahan sa bahay na nasa harap ko ngayon..
"Hindi ako papasok diyan.. " i utter na kinalingon sakin ni ate zerrah.. Nakataas ang isa nitong kilay na tila ba sinasabing babalik na naman ba tayo sa pagiging isip bata mo? Pero hindi. Ayoko talagang pumasok sa lugar na yan oo masaya ako na nakita ko ito muli pero. .. Umaayaw pa din ang buo kong katawan at isip . Dahil Hindi ko naman alam kung anong makakaharap ko. Di ko alam kung anong mararamdaman nila pag nakita akong muli.. Paano kung hindi na nila kailangan ang presensiya ko? At paano kung sa tagal ng aking pagkawala ay ayaw na nilang makita akong muli?? Parang narinig ni ate zerrah ang aking iniisip sa sunod nitong sinabi..
"Alam mo arriane wag kang mag-isip ng negatibo dahil tiyak miss na kayo ng pamilya niyo.. "Nangunot ang noo ko sa sinabi nito.. Kami? What does she mean na kame..? Sino ba ang tinutukoy niyang kasama kong umalis.
"Basta hali kana at ikaw din xianne.. " tumango ang kambal ko saka nakita kong may pinindot itong kung anong remote control na kinabukas ng gate. At pinasok na ni ate zerrah ang kotse. Kaya mas naramdaman ko ang pamamawis ng aking mga kamay... Kasabay ng paglitaw ng mga katanungan sa aking utak.. Gaya ng Anong sasabihin ko sakanila.?. Na umalis ako. At naging isang mananayaw lamang ako sa bar? Na halos wala ng ipinagmamalaki kundi kahihiyan. ? At anong sasabihin ko na ang arriane na kilala nila noon bilang masayahin ay wala na?
Nagsalita muli si ate zerrah
"Ihanda niyo ang mga sarili niyo sapagkat andiyan lahat sila.. Ang mama ko.. Ang mga tita natin. At syempre ang mga papa at tito natin.. I invite them to come here because i have an important announcement to made.. Pero wag kayong mag-alala ang ibang mga makukulit na mga anak ng queens ay wala dito. Kundi ang mga kapatid niyo lang. " tumango si xianne at nakita ko ang paglitaw ng maliit at tipid na ngiti sa labi nito.. samantalang ako ay napayuko at napabuntong hininga na lamang dahil mas lumakas ang pakiramdam kong takot.
Nakarinig ako ng pagbukas ng dalawang pinto.. Ngunit ako ay wala kagalaw galaw hanggang sa marinig kong may bumukas ng pinto sa aking kanan.
"Lumabas kana arriane. There's no time for fear right now. " umiling ako.. Saka napahigpit ang hawak ko sa laylayan ng aking suot na dress..
"I can't--"
"You can kaya labas! " inis na sambit nito.. Umangat ang mukha ko at bumunggad sakin ang mga mata ng kambal ko na matamang nakatitig sakin. Napabuntong hininga ako saka lumabas mula sa loob ng kotse. .
![](https://img.wattpad.com/cover/131222261-288-k261614.jpg)
BINABASA MO ANG
The Knife That Cuts Deep
Romance"We didn't made love you hear me?! It's fuck! O 'di mo pa rin maintidihan dahil sa kabobahan mo! E' 'di sana 'yang taba mo ay mapunta sa utak mo nang matauhan ka na and I hope you'll quit from your delusions because I wouldn't fall for an ugly and...