Aphrodite pov
Napalabi ako at napakagat ako sa dulo ng aking hintuturo, kanina pa kasi ako andito sa loob ng aking kotse at hindi ko kayang lumabas saka binibuo ko pa ang tapang sa puso ko para maharap sila.
Dahil Iniisip ko pa lang na makakaharap ko sila ay natatakot na naman ako lalo na sa mga posibleng reaksyon nila Pero ilang ulit ko na itong pinag-isipan.. At nangako akong susubukan ko muli..
Napalundag ako sa aking kinauupuan ng biglang tumunog ang bagong cellphone na binili ko..
"Hello" mahinang sambit ko dahil hindi naman kasi nakaregister ang phone number na tumatawag sakin..
"Hoyy bruha sabi ng lola mo fighting! Wag na wag ka daw aatras kundi makakatanggap ka ng sapak mula sa kaniya. " napailing ako sa aking narinig bwesit si alex lang pala at baka nga binigay ni lola ang bagong cellphone number ko sa baklitang ito kaya nagagawa ako ngayong kulitin ng baliw na to.
"Teka asan ba si lola bakit ikaw ang tumatawag sakin ngayon? "Nagtatakang tanong ko at narinig kong bumuntong hininga si alex..
"Naku okay kami girl sadyang tong lola mo abay gusto magpaka-bagets andito kami sa salon at kanina lang nagshopping kami.. At sinasabi ko sayo nakakapagod kasama ang lola mo dahil grabe kulang na lang bilhin ang mall sa dami ng binili nito.. At take note ako ang naging kargador nito.. Bwesit sayang beauty ko. "Mahina akong natawa at narinig ko pa ang sigaw ni lola.
"Huyy bakla ka! babawasan ko talaga sahod mo! Sabihin mo sa apo ko. Na kapag sinaktan siya sabihin sakin kasi kahit di pa ko tapos magpabeauty susugod ako diyan at ipapakita ko sakanila ang aking kaalaman sa karate! " narinig kong nag-mura si alex habang ako ay di mapigilan na mapangiti. Kahit kailan talaga etong lola ko masyadong supportive
"Narinig mo na bruha.. Nakakatakot tong lola mo. So basta.. Ha.. Kaya mo yan.. Sige mag-iingat ka. Ako na bahala sa lola mo.. Handa akong magpapaalila basta ba.. Walang bawas ang sahod ko. Ang dami pa naman ngayong boylet na nagtetext sakin so bye bye! "
"T-teka--" di ko na natapos ang sasabihin ko ng marinig ko ng natapos na ang tawag.. Bwesit binabaan ako ng lokong yon..
"Ano na ang gagawin ko ngayon? " napatingin ako sa malaking gate ng bahay. na tinuring kong tahanan simula bata pa ako hanggang sa matuto akong magmahal. Napapikit ako at napasandal sa driver sit..
Ngunit di nagtagal ay agad din akong napamulat nang makarinig ako ng mahihinang katok mula sa bintana ng aking kotse. at doon nakita ko ang isang tao na kilalang kilala ko. Kaya kahit kinakabahan ay binaba ko ang tinted na bintana..
"Arrianne? " napasinghap.. Ito ng makita ako at nakita ko din ang saya sa mga mata nito
"Manang joy! " masiglang pahayag ko at binuksan ko ang pinto ng aking kotse saka lumabas at hindi ko mapigilan na mapangiti nang bigla ako nitong yakapin..
"Miss na miss kita arriane.. Hindi talaga ako naniwala na namatay ka sa aksidente patuloy akong nanalangin na bumalik ka.. Kahit ang ina mo ay patuloy ding nangulila sayo. Naku bata ka. Bakit ngayon ka lang bumalik.. " lumuluhang hinawakan nito ang aking pisnge At kahit ako man ay nasisiyahan na makita ito sapagkat naaalala ko na Noon ay ito ang tumatayong pangalawang ina ko at ito lagi ang sumasama sakin lalo na sa mga contest na sinasalinan ko.
"Pasensya na kung ngayon lang ako manang.. Na miss kita.. " tumango ito at pinunasan nito ang luha nito. Saka ngumiti ng malapad at nagsisimula na itong hilahin ako papunta sa direksyon ng gate ng mansion..sa lugar na pinapangambahan kong puntahan.
"Alam mo ba. Kanina ko pa napapansin yang kotse mo dito sa labas. Kaya nga nilapitan na talaga kita.. Baka kasi isa ka din sa mga panauhin.. At nahihiya lang pumasok.. Pero ikaw pala iyan ija.. Naku tiyak sasaya sila kapag nakita ka.. "Alanganin ako napatawa at napahinto ako sa paglalakad kaya napahinto rin ito at tinignan ako na tila nagtatanong kung bakit ako huminto. Kaya napabuntong hininga ako. Hindi ko pa ata kaya. Hindi ko muna sila haharapin, mukhang mali kasi itong ginagawa ko.. This is a mistake.. Specially when i am hoping to something which is impossible
"H-hindi po ako papasok" sabi ko kaya kumunot ang noo nito..duwag na kung duwag pero inaamin kong Natatakot parin akong harapin sila at mukhang hindi ata ngayon ang tamang panahon lalo pa't nalaman kong may nagaganap palang party sa loob. Nakakahiya lang kung papasok ako diyan.. At baka hindi ko makontrol ang sarili ko kung magsimula na naman ang ama ko sa pagtaboy sakin
"Ano ka ba ija nahihiya ka ba? Hindi ka na dapat mahiya. Pawang mga kaibigan lang ng pamilya niyo ang nandito at mga kakilala kaya tiyak kilala mo lang din sila.. Kaya halika na.. " napayuko at nang simulan ako nitong hilahin muli ay nagpatianod na lamang ako. Pero kahit ganon ay ramdam ko pa din ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. At sari saring tanong ang tumatakbo sa aking isip.. Tulad ng paano kung tulad ng una ay hindi na naman maging maayos ang pagkikita namin ng pamilya ko? Paano kung aalis na naman akong luhaan. Saka ewan ko ba. Parang may hindi tama sa sitwasyon ko ngayon.. Parang may humihila sakin upang umalis na lang
Ganito din yung naramdaman ko nung araw na umuwi ako at umasang yayakapin nila ako at tatanggapin.
.."Hayy naku alam mo ba yung mga kapatid mo.. Ang laki laki na nila pero ang kukulit parin.. Minsan nga namimiss kita kasi ikaw lang naman ang may kayang patahimikin yung mga kapatid mong yon aba't kung kailan naging college na ay saka naman mas kumulit parati na nga lang nababalitaan na may pinaiyak na babae.. at alam mo ba si annisa ayon magiging high school na sa susunod na buwan.. Siya talaga ang pinakatahimik sa inyo.. Kaya minsan.. Nakikita ko siya bilang ikaw.. Ang ingay ingay mo nung bata ka pa pero nang tumanda. Ay halos di na nakikitang nagsasalita. "Mahabang pagkwekwento nito kaya panandalian kong nakalimutan ang pangamba dahil gusto ko ring malaman ang mga bagay na hindi ko nakita o nalaman tungkol sa mga taong naging bahagi ng buhay ko.
Saka hindi ko napigilan na mapangiti .. lalo na't alam kong tama ang lahat Ng sinasabi nito.. Dahil noon pa man ay ako na talaga ang may kayang kontrolin ang mga kapatid ko. Pero ewan ko na lang ngayon.. Lalo pa't alam kong sobra sobrang galit ang nararamdaman nila para sakin.. ngunit kahit ganon ay Nakakamiss din yung mga panahon na tumatawa kami ng sabay at minsan sabay pa kaming gumagawa ng kalokohan..
"At alam mo ija kauna-unahang pagkakataon kong nakitang umiyak si keyzie at yun ay nung nawala ka.. Kaya tiyak sasaya yon kapag nakita ka ngayon.. "Ewan ko na lang kung tama ito. Pero hindi na muna ako magpapakasaya dahil lamang s amga nalaman ko dahil alam kong maaaring magbago pa yon. I sigh at nanatili na lamang akong tahimik habang Iniisip ko ang maaari kong kaharapin ngayon..
Kakayanin ko kaya?.. Tanong ko sa aking sarili at kasabay non ay ang
Paghinto ni manang sa paglalakad at umangat na rin ang aking mukha.. At nakita kong nandito na pala kami sa bungad ng pinto..
"Pasok kana ija.. " sabi nito pero ako'y parang napako sa aking kinatatayuan .. Ngunit kumunot ang noo ko nang makarinig ako ng mga tawanan at kantahan..
"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, Happy birthday, Happy birthday to you"
Teka anong meron bakit may naririnig akong kantahan? Sino kaya ang may kaarawan?"Ija halika na nga. At ihahatid na lang kita. Nasa dining area kasi sila ngayon " hindi ako naka-imik dahil naguguluhan parin ako.. Sa pagkakaalam ko wala namang may kaarawan saming magkakapatid. Kaya sino kaya ang may birthday at lahat pa ng kakilala naming pamilya ay nandito?
Naramdaman kong hinila ako muli ni manang at hinayaan ko na lang ito.. Habang ako ay naiwan parin sa mga tanong na pinipilit kong hanapan ng sagot
"Arriane? " nagising ako sa aking malalim na pag-iisip nang bigla akong makarinig na may tumatawag sakin. Doon ko lang din napansin na tumahimik ang buong lugar na kinaroroonan ko at nang ilibot ko ang aking paningin ay agad na bumunggad sakin ang mga taong naging parte ng buhay ko,
Ang mga kaibigan ni mama.. Kung saan ito ay Ang mga queens kasama ang mga anak at asawa ng mga ito, ang mga kapatid ko, si papa at
si neon?
Shit anong meron reunion?
"Sige ija. Iwan na kita balik na ako sa kusina" rinig kong usal ni manang bago ko narinig ang papalayong yapak nito na naging kaisa isang bagay na nagbigay ingay sa dining area.
"A-anak dumating ka..! " masiglang pahayag ng aking ina at naglakad na ito papalapit sakin. Shit
I can feel that i am not welcome kaya sana pala di na lang ako pumunta...My gut is right.. Coming here is not a good choice.. Buti pa't nagpatuloy ako sa aking pagpaplano na pabagsakin sila kaysa ang magkaroon ng makapal na mukha at pumunta pa dito sa teritoryo ng aking mga kalaban at sakto pang nagsasaya ang mga ito.

BINABASA MO ANG
The Knife That Cuts Deep
Romance"We didn't made love you hear me?! It's fuck! O 'di mo pa rin maintidihan dahil sa kabobahan mo! E' 'di sana 'yang taba mo ay mapunta sa utak mo nang matauhan ka na and I hope you'll quit from your delusions because I wouldn't fall for an ugly and...