Aphrodite pov.
Nakakailang ang nakakabinging katahimikan na maririnig sa loob ng dining area at ramdam na ramdam kong nasa akin nakatutok ang kanilang mga tingin na tila binabantayan ang bawat kilos ko..
"Anak ito gumawa ako ng paborito mong leche flan " masayang sambit ng aking ina at nilagyan na naman ng pagkain ang aking pinggan..at pansin kong Kanina pa pala nito iyon ginagawa kaya halos mapuno na nga ang plato ko sa mga pagkain na nilalagay nito. Ngunit parang wala akong ganang kainin yon kahit na paborito ko pa ang mga ito dahil narin sa mga taong walang humpay ang kakatingin sakin na parang isa akong estranghero na anumang oras ay makakagawa ng mali.
"Raven ikaw ba ang nagpapunta sa kaniya? " napalunok ako nang marinig ko ang tanong ni cane, oo nga pala bakit ba ako pumunta dito kung hindi naman ako imbitado
"Cane hindi ko alam basta ang alam ko masaya ako ngayon dahil bumalik na ang anak ko. Sana naman maging masaya rin kayo sakin.. Dahil alam niyo naman na matagal ko tong pinangarap na mangyari muli ang mabuo ang aming pamilya"nakayuko lang ako habang pinapakinggan ang mga sinasabi nito.. At naiinis ako na ako ang dahilan kaya ang masayang party nila kanina ay naging tahimik at napuno ng galit.
"Pero raven hindi natin alam ang sadya niyan kaya pumunta yan dito.. Isa pa ang huli nating pagkikita ay nagawa ka niyan ipagtabuyan dahil hindi ka na niyan kinikilalang ina.. "Napalunok ako muli dahil alam kong ako yung may mali kaya naiisip nilang kaya kong saktan muli ang aking ina saka simula pa lang alam ko nang hindi magiging maayos ang pagpunta ko dito alam kong hindi nila ako tatanggapin ng may ngiti sa labi at bukas ang dalawang bisig.. . pero dahil isa akong babae na puro pagbabakasakali ang alam ay eto ang napapala ko.
Napabuntong hininga ako. At kasabay non ay
Naramdaman kong may tila malaking kamay ang pumalibot sa kamay kong kanina pang nakakuyom.. at hindi ko na kailangan pang tignan kung sino ang gumawa non dahil sa epekto pa lang na binibigay ng mainit nitong kamay sa akin ay hindi na maitatanggi na si neon lang ang natatanging may kayang gawin yon. Ngunit mali itong ginagawa niya.. Ayokong isipin niyang na sapamamagitan ng pagsuporta niya sakin ay magiging okay na ang lahat sa pagitan namin.. Kaya kahit sobrang nakakakalma ang ginagawa nito ay ako na mismo ang nagpatigil sa ginagawa nito. Hinawakan ko ang kamay nito at inalis iyon sa pagkakahawak sa kamay ko."Cane alam kong hindi sinasadya ng anak ko ang ginawa niya kaya nga bumalik siya samin ngayon diba? " narinig kong tila nanhihina na ang boses ng aking ina. Kaya napalabi ako. Anong gagawin ko? Mukhang mas sinaktan ko lang ito sa ginawa kong pagpunta dito..
"Raven kahit anong gawin mo! Hindi na mababago na ang babaeng nasa tabi mo ngayon at sinasabi mong anak ay hindi na kapareho ng batang inalagaan mo! She already change dahil lang sa mga dahilan na walang kwenta! "Nanginginig ang aking labi nang marinig ko na ang boses ng aking ama.. Tama nga talaga na kahit anong mangyari ay may galit parin ito sakin. At iniisip niya na isa parin akong walang kwentang anak na puro walang kwentang bagay lang ang ginagawa saka isang babaeng tinalikuran sila ng walang matinding dahilan..
"Anak mo siya roux! At satin padin siya nangaling! Ako ang nagluwal sakaniya at nakasama ko siya hanggang sa paglaki niya.. At hindi ko siya tatalikuran.. Kung kaya mo yon gawin edi hindi ikaw ang lalakeng pinakasalan ko. Dahil ang lalakeng pinakasalan ko ay nangakong proprotektahan kami at ang aming magiging anak! " natahimik ang lahat sa sinabi ng aking ina at nakita kong bumakas ang kalungkutan sa mga mata ng aking ama habang nakatingin sa aking ina.. At nang gumawi sakin ang mga tingin nito ay agad din nagbago ang emosyon na nakalarawan sa mga mata nito at naging galit.. Kaya ako na ang umiwas ng tingin dahil di ko kayang magtagal pa ang tingin na puno ng galit na binibigay nito sakin.
"Hindi ko pinagtatangol ang taong kusang umalis! Ni hindi na nahiya! Pagkatapos niyang ipakilala ang sarili niya sa buong mundo bilang ibang tao.. Ay nakakagulat na may mukha pa siyang humarap sa tunay na pamilya niya?! At Simula noon ganiyan na yang babaeng yan! Parati na lang tayo binibigyan ng rason upang sumama ang loob natin! At saka mas lalong hindi ko ipagtatangol iyang babaeng yan dahil wala iyang ginawa kundi sirain ang pamilya natin.. Tignan mo nga kung anong ginawa ng babaeng yan sa kaarawan ng ating apo! Sinira niya.." Parang tambol sa tenga ko ang sinabi nito apo? Ini-angat ko ang tingin ko at inilibot ko ang aking paningin at kusa iyon huminto sa upuang nasa tabi ni xianne. Doon nakita ko ang isang batang lalake na nakatingin sakin ng puno ng pagtataka.. Kaya di ko napigilan ang sarili kong bibig dahil kusa iyong umawang..

BINABASA MO ANG
The Knife That Cuts Deep
Romantik"We didn't made love you hear me?! It's fuck! O 'di mo pa rin maintidihan dahil sa kabobahan mo! E' 'di sana 'yang taba mo ay mapunta sa utak mo nang matauhan ka na and I hope you'll quit from your delusions because I wouldn't fall for an ugly and...