39

6.3K 180 92
                                        

Aphrodite pov..

Nakarinig ako ng ingay. At mga singhapan.. Ngunit hinang hina na ako at walang ginawa kundi yumuko at hayaan ang aking mga luha na umagos..

"A-anong ibig sabibin ng sinabi mo anak? Sabihin mong mali ang naiisip ko. " nakakatawa na ngayon lang muli ako natawag na anak ng aking ama.. Ngayon pa kung kailan nalaman niya ang mga nangyari sakin.. At nakakatuwa din na nababakasan ng desperasyon sa boses nito

"Naaksidente ako.. At ang taong bumangga sa sinasakyan ko ang taong nagkupkop sakin.. Siya ang nagbayad ng gagastusin sa hospital ngunit dahil sa laki ng babayaran at dahil hindi pa ako nagigising mula sa pagka-coma ay nagdesisyon itong tanggalin na lamang ang buhay na nasa sinapupunan ko.. At ang masakit wala ako magawa papa.. At ang masakita ay alam kong gustong gusto ng anak ko ang mabuhay dahil gabi-gabi kong naririnig ang anak kong Humihingi ng tulong ang Hindi ko maintindihan nung una kung bakit lagi siyang nasa panaginip ko pero sa huli nalaman ko din.. Nalaman kong tinanggal nila ang bata kasi may plano sila at di nila ako mapagkakakitaan kung hahayaan nilang mabuhay ang bata.. " napayakap ako sa aking tuhod habang nagsisimula na namang maglaro sa aking isipan ang iyak ng aking anak.. At kung paano ito humingi ng tulong..

"P-papa. Gustong gusto ko siyang buhayin.. Gustong gusto ko siyang makita at makasama.. Siya na lang ang meron ako pero kinuha pa din siya mula sakin.. Kaya sabihin mo papa bakit ako na lang lagi? Bakit hindi ako naman ako ang tatalikod? Bakit hindi naman ako ang magpaparusa? Bakit hindi naman ako ang maging masaya? Ilang iyak ba ang dapat kong gawin? Ilang tao pa ba ang mananakit sakin? Kasi papa kung meron pa baka di ko na kayanin hindi ko na kayang mawalan kasi wala na akong mabigay. Di ko na kayang maging masaya kasi wala ng magbibigay non sakin at mas lalong di na ako pwedeng magmahal kasi wala ng naiwan sa puso ko kundi galit at pighati.. At Nung umuwi ako papa.. Ninais kong magsumbong sayo.. Gustong gusto kong umiyak at humingi sayo ng tulong pero papa. Pinaalis mo ako.. Pinaalis mo ako na puno parin ng sakit ang puso ko.. At Alam mo ba na itong anak mo ay ilang ulit nilang sinaktan at pinahiya? Papa pinahubad nila ako sa harap ng madaming tao, sinaktan nila ako kapag hindi ako sumusunod.. Ilang ulit ko ba dpaat isigaw ang pangalan mo? Ilang latigo, sipa suntok ba ang hahayaan kong dumapo sakin para mapansin niyong may isa pa kayong anak at na andito si arriane naghihintay ng kakaramay sakaniya, papa sana pala namatay na lang ako.. Kung ganito na lang lagi.. Ako na lang lagi ang nasasaktan"..
Nakarinig ako ng mga yapak at nagulat ako ng maramdaman ko ang mainit na bisig na pumalibot sakin.. Ito yung bisig na matagal kong pinangarap na maramdaman muli... Pero bakit ngayon lang?

"I-i'm sorry.. Wala ako doon sa mga araw na sinaktan ka nila anak.. Sorry kung pinagtabuyan ka kita---" kahit gustong gusto ko ang ginagawa nito ay nagpumiglas ako upang makalayo dito at dali dali akong tumayo.. Kahit nanginginig at tila mabubuwal ako sa aking kinatatayuan ay ginawa ko parin ang lahat para makaya ko ito muling harapin..

"Sorry..? Papa huli na yang Sorry mo! Kasi tignan niyo kung sino ako ngayon. Wala ng natira papa.. Arriane is long gone. Diba naman si xianne ang kaisa isa niyong anak? Di na nga ako kasali diba? T-teka sino ba naman ang tatanggap sakin.. Isa akong maduming babae! Ni hindi ko makayang tignan ang sarili ko o isipin na etong katawan na ito ay pinagnasaan ng marami! At alam mo... Isa din akong mamamatay tao! Kasi pinatay ko sarili kong anak.. Hindi ko siya niligtas.." Huminto ako sandali at napatingala..

"Kaya maswerte ka ate.. Ang swerte swerte mo... Kasi ikaw ang minamahal ng lahat.. Ikaw yung biniyayaan. Ng mga bagay na pingarap kong magkaroon... At yang anak.. Oh diba. Papa andiyan na ang pinangarap mong apo? Andiyan na ang saya diba.. "Napaatras ako at hindi ko inasahan na tatama ang mga mata ko sa mga kapatid kong lumuluha din at ang huling taong tinignan ko ay ang lalakeng nagsimulang. Lahat ng to...

The Knife That Cuts DeepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon