In our planet, there are 195 countries, 7 continents and 5 seas.
In our solar system, there are 9 planets.
In the whole universe, there are approximately 100 Billion galaxies.
Some are even yet to be discovered.
But one thing's for sure...
WE ARE NOT ALONE.
I, Karylle King, personally believe it.
Since the night I saw that boy.
Hindi ako sigurado kung 'boy' ba talaga yun. Hindi ko mawari kung ano ba talaga siya.
Bata pa ako nang makita ko siya. I was 9 back then.
Nung panahong nagalit ako sa Daddy ko. Nakita ko kasing sinasaktan niya si Mommy. Araw-araw na nga siyang wala, sinasaktan niya pa si Mommy.
So I ran away. I was so furious. Galit na galit ako kay Daddy.
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa umabot ako sa kalsadang walang dumadaan. The unknown road.
Stories were saying na lahat ng dumadaan sa kalsadang iyon noon tuwing gabi ay di na nakakabalik pa. Nawawala sila. It was considered haunted at night.
Pero dahil sa galit ko, Hindi ko namalayang umabot na pala ako doon.
Mula sa madilim na kalangitan ay lumiwanag ang isang umiilaw at lumilipad na bagay.
At mula sa kakaibang bagay na iyon ay bumaba ang lalaking tinutukoy ko.
Ang tangkad niya. Base sa mukha niya noon ay tila ka-edad niya lang ako. Kulay dilaw ang kanyang buhok na umaabot hanggang sa kanyang balikat. At kung tama ang pagkakaalala ko may.....bangs? Siya
Kakaiba ang kanyang itsura.
Mukha siyang tao ngunit may kakaiba sa kanya.
Lalo na sa kanyang makulay niyang pananamit.
Hinding-hindi ko rin malilimutan ang kanyang ngiti.
Kakaiba ngunit nakakahawang ngiti.
"Hi Bes!"
Ang naalala Kong sabi niya.
Lumapit ako sa kanya. Nagulat ako nang itaas niya ang kanang kamay niya.
At tila inaakit ako ng kamay niya. Gusto Kong ilapat ang kamay ko sa kamay niya.
Unti-unti ko nang inaabot ang kamay ko sa kanya. Naglapat ang aming mga hintuturo nagulat ako sa naramdaman ko. Tila kuryente.
Nakaramdam ako ng kakaibang enerhiya na dumaloy sa buo kong katawan. At base sa itsura niya, ganon din ang naramdaman niya.
Ngunit bago pa tuluyang magkadikit ang buong palad namin ay bigla ulit siyang hinigop ng umiilaw na bagay.
Sinundan ko lang ng tingin ang bagay na iyon hanggang sa mawala na ito at lumipad patungo sa kalawakan.
Since that night, I didn't stop searching for him.
I learned a lot about UFO's, Galaxies and Stars. All things about Astronomy and Myths.
Dahil sa paghahanap ko sa kanya, na-distract ko ang sarili ko mula sa pag-aaway ng mga magulang ko.
Even until now.
I'm 25 and I'm still believing that one day, makikita ko yung lalaking iyon.
Kahit sinasabihan na ako ng mga taong nakapaligid saakin nang "Grow up, Karrie" or "You're too old to believe in aliens"
I'm still hoping that one day mahahanap ko pa rin siya.
I didn't know why I'm still hoping for it. May something sa lalaking iyon na hinahanap-hanap ko.
And I know that the universe will conspire for us to meet again.
I know it will. I believe.
We'll meet again, Starboy.
•°•°•°•°•°•°•°•°
A/N: I wanna know your opinion guys, Go ba or No?
-Nikiiiicat2
YOU ARE READING
Conspire [COMPLETED]
FanfictionWhat if the person you love came "literally" from the stars?