Mundo

1.2K 65 4
                                    

"Aking Sinta, ikaw na ang tahanan at mundo. Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo"

-IV of Spades (Mundo)


















Nagising ako dahil naramdaman kong tumatama sa mukha ko ang sinag ng araw

Naramdaman kong may mabigat na nakadagan sa bewang ko

Kinusot-kusot ko ang mata ko at nagulat dahil nakita kong magkayakap na pala kami ni Vicey

Nakabalot ang mga braso niya sa bewang ko

Nakatulog pala talaga kami...

Napatingin ako sa maamo niyang mukha habang natutulog....I can't help but smile

Hindi ko alam but there was a part of me na hinihiling na sana ganito lang muna kami kahit ilang minuto lang

Nakatitig lang ako sa kanya the whole time...

Kahit medyo blurry ang mukha niya dahil hindi ako naka suot ng eyeglasses ngayon masasabi kong Pogi din 'tong baklang alien na 'to eh. Tapos kung makapag-sabi ng Pogi Kay Kevin tsk!

"Parehas lang kayong Pogi, gaga" bulong ko sa sarili

"Hmm" I heard him say

Patay! Nagising ata!

Nagmadali akong pumikit at nagtulog-tulugan

Naramdaman ko siyang gumalaw pero agad naman tumigil

Na-curious naman ako kaya sumilip ako ng konti, nagulat ako dahil ang lapit ng mukha ni Vicey saakin

Mas nagulat ako nang halikan niya ako sa pisngi

Agad akong napapikit ulit

Narinig ko siyang Tumawa

"Kakatawa talaga tong Earthling na 'to. May panis na laway pa sa labi" rinig kong sabi niya

Tsk grabeh kagigising niya lang, nang-aasar na agad

"Hoy Earthling! Gising ka na noh?" Dagdag niya

Napadilat naman ako sa gulat

Nakita ko naka-upo na siya ngayon

"P-Paano mo nalaman?" Tanong ko

"Aba siyempre! May natutulog bang biglang sumisimangot kapag inaasar?" Mataray niyang sambit

Napasimangot ako lalo "Tsk"

Natawa naman siya

"Oh baket?!" Tanong ko

"Wala, ang cute mo lang maasar. Sarap mong tirisin" niya sabay pisil ng pisngi ko

Sumimangot ako lalo kaya napatawa siya lalo

Nabigla naman kami dahil biglang dumating si Buern

"Anak ng baklang dalaga!" gulat niyang sambit nang makita niya kami ni Vicey

Tumayo naman ako "Buern!" Gulat ko ring sabi

"Sinasabi ko na nga ba!" Bungad ni Aaron na kakalabas lang ng tent

Sumunod naman sina Matt at Archi

"Umamin nga kayo, my tinatago ba kayo saamin?!" Tanong ni Archi

Conspire [COMPLETED]Where stories live. Discover now