Nahihilo

1.2K 53 1
                                    

"Oo nga pala, hindi nga pala tayo. Hanggang dito lang ako, nangangarap na mapa-sayo"

-Moonstar 88 (Migraine)










































Isang buwan na ang nakakalipas mula nang i-hire namin ni Ferdy si Kevin bilang guwardya ng Nebula Café. Pumasok naman siya sa standards namin at kailangang kailangan na din namin ng security personnel

At isang buwan narin akong nakakaramdam ng kakaibang inis sa tuwing magkasama sila ni Vicey

Maayos naman si Kevin. Mabait naman siya, matulungin at masipag pero diko alam kung ba't naiinis ako kapag magkasama sila ni Vicey-----ay wait correction----naglalandian pala

Tapos yung baklang alien din na yun mapusok din, ang pabebe gosh

Halos sabay na sila ni Kevin sa lahat ng oras. Tuwing lunch break at uwian ay sila ang magkasabay. Madalang na nga lang siyang sumama sa team vice eh

"Oh Ma'am Karrie, malapit nang kumintab ang bahaging yan ng lamesa sa kapupunas mo" rinig kong sabi ni Buern na nakapagbalik saakin sa realidad

"H-Ha?" Nagtataka kong tanong

"Ayown! Lutang si mamang!" Komento niya

Napatigil ako sa pagpupunas "Pasensya na Buern, ang dami ko lang kasing iniisip eh"

"Si Vice at si Kevin ba ang iniisip mo?"

Nagulat ako sa tanong niya. Teka-----alam niya bang gusto ko si Vice? Nahalata niya ba?!

"A-Ano bang--------"

"Ako rin naman, Ma'am Karrie eh...napapaisip rin ako" pagputol niya sa sasabihin ko

Nakahinga ako ng maluwag

"Ah...ikaw rin pala. Dahil ba di na siya sumasabay sa inyong team vice?" Tanong ko

"Hindi. Napapaisip ako kung ano bang nakita ni Kevin Kay Meme Vice na wala saakin" sagot niya

Napangiwe naman ako. Tsk isa pa tong talande eh

"Charot lang Ma'am Karrie! Baka isipin niyo naman na kalevel ko sa kalandian si Meme Vice" bawi niya

Natawa ako "Muntik na, Buern"

"Pero tama po kayo, Napapaisip ako kasi di na siya sumasabay saamin" malungkot niyang sabi

Napatingin ako sa kinaroroonan ni Vice na nagmo-mop sa di kalayuan

Biglang lumapit sa kanya si Kevin at pinunasan ang noo niya gamit ang bimpo nito at kilig na kilig naman si Bakla na hinawi pa yung imaginary long hair niya

Bigla namang pumwesto si Kevin sa likod siya at hinawakan ang mop ni Vicey. So parang naka-backhug siya Kay Vicey habang nagmo-mop sila

"Simula nung dumating si Fafa Kevin ay ayan na lumandi na ang bruha at kinalimutan na tayo. Ano ba talagang meron sa kanila?" sabi ni Buern

Napatingin ulit ako Kay Vicey

Tsk sabi niya ayaw niyang ma-attach pero tignan mo kung Anong ginagawa niya ngayon!

Nang matapos na kaming maglinis ay sinabihan na ni Ferdy ang lahat na umuwi na

Nakaramdam naman ako ng sakit ng tiyan pero naiinda naman

Conspire [COMPLETED]Where stories live. Discover now