"One last cry before I leave it all behind. I've gotta put you out of my mind, this time"
-Brian McKnight (One Last Cry)
Isang linggo na mula nang mga pangyayari...
Malamig parin ang pakikitungo saakin ni Vicey at patuloy niya parin akong iniiwasan, kung nasa nebula café kami o sa apartment
Madaling araw narin siya kung umuwi kasi kasama niya lagi si Kevin, kung minsan naman ay mag-isa lang siya.....hindi ko nga alam kung saan siya pumupunta eh. Pag umaga naman, lagi siyang nauuna sa Café
Sinubukan kong gumising ng maaga para maabutan siya at naabutan ko nga siya pero umiwas parin siya at nagmamadaling pumunta sa café
Halos diko na siya nakikita....sa café na nga lang kami magkakasama ay umiilag naman siya saakin
Hindi ko narin siya in-approach kasi gusto ko nalang respetuhin ang desisyon niya....pero....Hindi ko parin maiwasang hindi masaktan
I cried myself to sleep every night kasi naalala ko ang pang-iiwas at ang panlalamig ni Vicey
I don't know, bigla nalang tutulo ang luha ko at hindi ko ito mapigilan
"Bruh, na-check mo na ba ang recent sales ng Nebula Café?" Biglang bungad ni Ferdy na nakapagbalik saakin sa realidad
"H-Ha? Ah s-sorry hindi pa...nakalimutan ko talaga, sorry" sabi ko sabay hanap ng recent folder sa pile ng folders sa desk ko
Nasa opisina ako ngayon ng Nebula Café, Back to work na kami at marami parin naman ang customers namin
"Karrie..." Biglang sabi ni Ferdy
"Saglit lang, Bruh. Mahahanap ko rin yung recent na folder sandali lang------"
"Its okay, Karrie. Ako na ang gagawa" sabi niya
Napatingin naman ako sa kanya and he gave me an encouraging smile
"Pwede kang mag leave if you want. Kaya ko naman dito eh" sabi niya
"But-----"
"Look, Karrie, I know its hard. Don't deny it. Alam kong emotionally tired ka na sa lahat ng nangyayari lalo pa at magkatrabaho pa kayo at yung fact na nakatira kayo sa iisang bubong. You need some rest. Mag bakasyon ka, have a little retreat"
Napabuntong-hininga ako at tumayo sa kinuupuan ko sabay lapit Kay Ferdy
"I'm okay, Ferdy" I patted his shoulder "Thanks for your concern pero dapat hindi ko pinapaapekto ang personal kong buhay sa trabaho, and I'm sorry for that"
Napabuntong-hininga naman si Ferdy "You want a hug?"
Ngumiti lang ako at niyakap niya ako
"You sure you'll be okay?" Tanong niya
"Yes, I-I'll be" I guess.
*******
Kinagabihan....
As usual, ay nagtulong-tulong ulit kami sa paglilinis ng Café
Habang nagpupunas ako ng mesa, nakita kong nagtatawanan sina Kevin at Vicey habang nagse-spray sila ng panlinis sa isa't isa
YOU ARE READING
Conspire [COMPLETED]
FanfictionWhat if the person you love came "literally" from the stars?