"I don't know when I lost my mind. Maybe it was every time when you said, you said, you said that I Miss You"
-Ed Sheeran (Miss You)
Dalawang linggo na ang lumipas mula nung Simulan kong iwasan si Vicey.....hanggang ngayon ay umiiwas parin ako sa kanya
Buti nga't hindi niya napapansin ang pag-iwas ko
Napabuntong-hininga naman ako
Hay nako Karrie?! What do you expect? Wala namang pake sayo yun eh kaya kahit todo iwas ka na deadma parin ang baklang alien na yun! Manhid manhiran din kasi ang peg eh tsk!
Pero....kahit anong iwas ko yung puso ko traydor eh! Gaya nung one time....
*Flashback*
Naglilinis na kami ng Café dahil pasara na ito nang bigla kong maalala na nakalimutan ko palang sabihin Kay Vicey na birthday ni Karla ngayon kaya kailangan naming magmadali
Napatingin ako sa kanya na busy sa pagmo-mop
Huminga ako ng malalim... Whooo! Alalay sa damdamin, Karrie!
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, hindi naman niya napansin ang presensya ko kasi nakatalikod siya saakin
Busy parin siya sa pagmo-mop...
Lumunok muna ako bago magsalita
"Vicey------ARAY!"
Napahawak ako sa baba kong biglang tumama sa siko niya
Gulat naman siyang Napatingin saakin. Binitawan niya ang mop niya at hinawakan ang baba ko
"Sorry! Sorry! Ayos ka lang ba?!" Nag-alala niyang tanong
Hindi naman ako nakasagot dahil natigilan ako sa lapit ng mukha niya
Yung pasaway kong puso naghihisterical na
"Ikaw naman kasi eh! Dika nagsasabing nandyan ka na pala sa likod ko, May lahi ka bang ninja?" Mataray niyang saway saakin
![](https://img.wattpad.com/cover/137709810-288-k511376.jpg)
YOU ARE READING
Conspire [COMPLETED]
FanfictionWhat if the person you love came "literally" from the stars?