Isipan

1.4K 63 1
                                    

"Di mo lang alam, naiisip kita. Baka sakali lang maisip mo ako"

-Up Dharma Down (Oo)














"Grabeh ka Bruh! More than 11 years na tayong magkasama pero hindi ko parin alam na marunong ka palang kumanta!" Pagpuri ni Ferdy

Kakatapos lang ng Valentine's program namin at natapos narin kaming maglinis

Its almost 1 am pero we still stayed para mag celebrate para sa success ng program namin

We had a lot of good feedbacks at marami narin ang nagsabing irerecommend nila ang Café namin sa mga kakilala nila

Its a good start of an advertisement

"Ay nako! Hindi lang marunong, Sir Ferdy! Maganda pa ang boses!" Sabi naman ni Buern

Napangiti nalang ako

"Oo nga! Napabilib mo nga ang pinsan Kong si Moira kanina eh" sabi ni Archi saakin

Napatingin naman ako Kay Vicey na nakaupo sa tabi ko

Bale naka-upo kami sa isang round table dito sa Café

Katabi ko sa kanan si Vicey, sa kaliwa si Ferdy, tabi ni Ferdy si Archi at tabi ni Archi si Buern na katabi naman ni Vicey sa kanan niya

Nakangiti lang si Vicey saakin

"You did great" sabi niya

I smiled

"Oh sige na! Cheers naman tayo diyan!" Sabi ni Ferdy sabay taas ng baso niyang may laman na Rhum "For a more fruitful and successful Café ahead!"

"Cheers!" Sabay-sabay naming sabi at nag cheers nga kami

Napatingin naman ako Kay Vicey

'May alak ba sa planeta niyo?'

Pinagmasdan ko siya pero wala siyang reaksyon

Nagtaka naman ako, hindi niya ba nababasa ang isip ko? Pero nakaka-usap niya ako sa isip ko ah? Tulad kanina....

Impit naman akong napangiti nang maalala ko ang nangyari kanina

Kaso agad naman akong bumalik sa ulirat

Gosh! Why am I smiling like this?!

"Oh dahil successful ang program natin ngayon, rest day natin bukas!" Sabi ni Ferdy

"Cheers!" Sabi naman ni Archi kaya napatawa kami

Hay salamat makakapagpahinga narin sa wakas

Ang hirap mag waitress, mukhang kailangan na naming mag dagdag ng crew ah? Wala rin kaming chef eh

At dahil dumadami na ang pumupunta sa Café namin we need to give them something new like a new dish na isang professional chef lang ang makakagawa

Sasabihin ko nalang Kay Ferdy ang naisip ko kung bumalik na kami sa trabaho









Maya-maya ay natapos narin ang celebration namin

And surprisingly nalasing si Vicey

Natawa naman ako sa hitsura niya

Gulo-gulo na ang wig niya at smudged narin ang make up niya

Nakahiga siya sa mesa at tumutulo pa ang laway niya

Conspire [COMPLETED]Where stories live. Discover now