"I can think of all the times. You told me not to touch the light never thought that you would be the one"
-Ben&Ben (Leaves)
Tagapagsalaysay's POV
Nagising si Vice dahil sa sinag ng asaw na tumatama sa mukha niya mula sa bintana ng yate
Kinusot-kusot niya ang mata niya at napatingin sa tabi niyang si Karrie na natutulog parin sa braso niya
Nagnakaw naman siya ng sandaling halik mula sa dalaga at napangiti sabay napakagat-labi nang maalala niya ang magandang nangyari kagabi
Sa ilalim ng buwan...
Di na niya natandaan kung paano sila napunta sa kwartong ito ng yateng sinasakyan nila Basta ang alam niya lang ay dahil sa bugso ng damdamin ay kung saan-saan na sila napadpad ni Karrie hanggang sa mahanap nila ang kwartong ito sa Second floor ng yate
Nakita naman niyang gumalaw si Karrie hudyat na gising na ito
Napatingin naman ang dalaga sa kanya
"Good morning" bati ni Vice na medyo magaspang pa ang boses
Napangiti naman ang dalaga at nang ilang saglit ay napabangon siya at medyo naguluhan kung paano siya napadpad sa kwartong kinalalagyan nila ni Vice....at magkahubad na magkatabi pa sa kama
"P-Paano tayo napunta dito?!" Natatarantang sabi ni Karrie
Bumangon narin si Vice "Siyempre, naghanap tayo ng Mas komportableng lugar para sa round two" kaswal na sagot ni Vice
At nakatanggap naman siya ng isang hampas sa braso mula kay Karrie "Anong round two ka diyan?!"
"Ay, Oo nga noh? Hindi pala round two, naka round five pala tayo"
Bahagya naman siyang sinabunutan ni Karrie
"Aray! Oo na girl! Hanggang round three lang naman talaga! Aray! Yung anit ko! Namumuro ka na Earthling ah! Mapapanot ako ng husto sa ginagawa mo"
"Tse!" Pagtataray ni Karrie
"Aysssuuus! Nagtataray pa eh gusto rin naman niya" pang-aasar ni Vice
Hindi parin umimik si Karrie a pinipigilan lang ngumiti
Gusto rin naman ni Karrie ang nangyari sa kanila ni Vice at nagpapabebe lang ito at nagpapanggap na galit
Nabigla siya nang halikan siya ni Vice sa pisngi kaya napatingin siya dito
"But thank you, Earthling. For trusting me" sinserong sabi ni Vice habang nakatingin sa mga mata niya
Napangiti naman si Karrie at damang-dama niya rin ang sinseridad sa mga salita ni Vice
"I Love You" dagdag pa ng Baklang Alien
Nag lapit naman ang kanilang mga mukha hanggang sa isang dangkal nalang ang layo nito nang biglang...
"Good morning--------Omaygash! Sorry guys!" Bungad ni Anne na bigla nalang binuksan yung pintuan
"Daot ka, Anne eh! Hadlang ka talaga sa kasiyahan ko! Makaka-round six na sana kami!" Reklamo ni Vice
Natawa naman si Anne "Sorry Sisteret! Sige ituloy niyo lang yan, I did not see anything"
At nagkukunahog naman na umalis si Anne

YOU ARE READING
Conspire [COMPLETED]
FanficWhat if the person you love came "literally" from the stars?