"It's just another night and I'm staring at the moon. I saw a shooting star and thought of you"
-Ed Sheeran (All of the Stars)
"Good morning, Vicey!" Bungad na bati ko nang lumabas si Vicey mula sa kwarto niya
Pupungas-pungas pa siya habang nakatingin saakin
Natawa naman ako sa mukha niya. Ang laki ng eyebags niya at ang Gulo ng buhok niya
Namangha naman ako
Nagkaka-eyebags din pala ang alien
"What did you just call me?" Tanong niya
That snapped me out of my thoughts
"Ha?" Tanong ko
"Tinawag mo ba akong 'Vicey'?" Tanong niya
Tumango naman ako "Yes, from now on, that's going to be your nickname. Ang wirdo naman kung VG14311-----"
"VG14314"
"-------yun nga! Eh basta! Hindi ka magmumukhang tao kung ganyan ang pangalan mo" pagpapatuloy ko
He crossed his arm at itinaas rin niya ang kilay niya "Alam ko. Pero teh, seryoso ka? Vicey? Mukhang pangalan ng aso"
Lumaki ang mata ko "May aso------"
"Walang aso sa planeta namin! Nasabi yan sa briefing namin. Sinabi doon kung gaano ka baliw ang mga tao na pati mga hayop ay pinapangalanan"
Napanguso naman ako "Grabeh naman kayong mga Alien sa pangaalipusta saaming mga tao"
Inirapan niya lang ako
Tsk grabeh ang level ng kamalditahan ng baklang 'to
Bumuntong-hininga ako
"Anyway, first day ng training mo ngayon" sabi ko
Napalunok naman siya
"Gosh! I can't believe na kailangan Kong mamuhay na parang tulad niyong mga tao eww!"
"Tama na ang satsat! Its showtime!" Sabi ko at kinindatan ko siya
*****
"First step!" Sabi ko habang pinapalibutan si Vicey na tila Kumander ng mga sundalo
Tumigil ako sa paglalakad at tumingin ako sa mga mata niya
"Your hair!" Sabi ko
Napahawak naman siya sa buhok niya "A-Anong hair ka diyan?!"
Inilabas ko naman ang gunting mula sa bulsa ko
Napalunok siya nang makita niya ito
"No freaking way!" Sabi niya
Natawa ako sa mukha niya
Takot na takot eh, parang batang takot maagawan ng candy
"Yes way!" Sabi ko
"Hey hey hindi naman kailangang putulin ang buhok ko para mag mukha akong tao eh"
"Kailangan! Maniwala ka! Ang wirdo naman kung-------"
"Eh kung mag suot ako ng pekeng buhok? Alam kong uso yun dito sa Earth"
YOU ARE READING
Conspire [COMPLETED]
FanfictionWhat if the person you love came "literally" from the stars?