"Ako ay nagbalik, at muli kang nasilayan. Hindi na 'ko muli pang lilisan"
-Ogie Alcasid (Yakap)
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon
Si Vicey. Nasa harapan ko siya ngayon at hawak parin niya ang kamay ko pero nakatingin lang siya ng masama Kay Six
Ako naman ay nakatitig lang sa kamay niya na nasa kamay ko
Hindi ko alam ang ire-react ko
Ang bilis ng tibok ng puso ko
Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko
May lungkot, pananabik, saya at galit
"I said, why are you here?" Malamig na turan ni Vicey
"Let's not talk here" sagot ni Six "Anyway, miss I didn't got to have a chance to ask your name"
Napabalik ako sa realidad at binawi ang kamay ko mula Kay Vicey
Napatingin ako Kay Six na nakangiti na saakin
"I'm K-Karrie King" sagot ko
"Let's catch up some other time. Just call me. I just need to clear up this business" sabi ni Six sabay tingin ng seryoso Kay Vicey
Nauna na siyang naglakad palabas ng Café
Napatingin naman si Vicey saakin
Hindi ko alam pero nagsisimula nang mamuo ang mga luha sa mata ko
"Karylle..." Panimula niya
Hindi ako nakapagsalita, all I know is that this moment is somewhat painful for me
Above all the emotions na nararamdaman ko Mas nangingibabaw ang galit ko
Napabuntong-hininga siya "I'll be back. Let's talk later"
At tuluyan na siyang lumabas ng café
Napahinga ako ng malalim at Kasabay non ay ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ko
"Ma'am Karrie...gusto niyo po bang ako nalang muna diyan?" Sabi ni Aaron
Tumango lang ako at dumiretso na sa opisina ko
At pag pasok nang pag pasok ko ay Napa-upo ako sa sahig at napahagulgol ng iyak
Pagkatapos niyang mawala na parang bula bigla-bigla nalang siyang babalik nang ganon-ganon na lang?
Kung kelan nakapagdesisyon na akong kalimutan siya ay babalik siya dito?! Ang kapal din ng mukha niya eh
"Ang sama-sama mong alien ka!" Paulit-ulit kong sabi habang humahagulgol parin ng iyak
Tagapagsalaysay's POV
"Anong pinaplano mo at nandito ka sa Earth?" Tanong ni Vice Kay Six
Nasa labas na sila ng Café ngayon
Hindi naman sumagot si Six
"Inutusan ka ba ni Ama na Sundan ako dito?! Sumagot ka!" Galit na tanong ni Vice
Napatawa ng mapakla si Six "VG14314, hindi ka parin nagbabago. Iniisip mo parin na ikaw lagi ang bida. Iniisip mo na lang lagi ang sarili mo"
"Iniisip ang sarili ko?! Pagkatapos kong magsakripisyo ng malaki para sa pamilya natin, makasarili parin ba ako sa paningin mo? Makasarili parin ako sa paningin ng kapatid ko?"
![](https://img.wattpad.com/cover/137709810-288-k511376.jpg)
YOU ARE READING
Conspire [COMPLETED]
FanfictionWhat if the person you love came "literally" from the stars?