"Buhos ng ulan aking mundo'y lunuring tuluyan. Tulad ng pag-agos mo di mapipigil
Ang puso kong nagliliyab"-Eraserheads (Tuwing Umuulan at Kapiling ka)
Nagising ako sa tunog ng Alarm Clock ko
As usual gigising na naman ako para mag trabaho sa Café
Its been one week mula nang mag decide kami ni Ferdy na magdagdag ng crew at nakahanap nga kami ng dalawang waiter na makakasama namin for the first time mamaya, first day nila ngayong araw
Pero sa kasamaang palad wala parin kaming nahahanap na Chef kaya hindi pa kami pwedeng magdagdag ng mga bagong dishes
Napabuntong-hininga naman ako
Ano ba yan! kagigising ko lang trabaho agad ang nasa isip ko
Bumangon na ako sa pagkakahiga at tumingin sa bintana
Nakakapagtaka, ang dilim ng palibot
Alas sais naman na ng umaga pero makulimlim ang langit
Uulan siguro mamaya, Mas mabuti kasi Mas dadami ang customers kasi marami ang makikisilong
Lumabas na ako ng kwarto ko at nagsimula nang maghanda para sa almusal namin ni Vicey
Ganito ako lagi, ang tagal kasing gumising ng alien na yun eh
Nung tapos na akong magluto ng ulam at magsaing ay nagtimpla ako ng kape
Pagkatapos ay dumiretso ako sa sala at in-on ko ang TV
Hihintayin ko munang magising si Vicey. Ayokong kumain mag-isa. Mula nang dumating siya nasanay na ako na may kasama akong kumain eh
Napatutok naman ako sa TV
"....Inaasahang papasok ang Bagyong ito sa Philippine area of responsibility, mga bandang alas dose ng madaling araw mamaya. May dala itong hangin na may bilis na 140 km per hour...." Sabi ng newscaster sa Flash Report
"Ahh....kaya pala makulimlim kasi babagyo pala" sabi ko
Nakarinig naman ako ng pagbukas-sara ng pinto hudyat na gising na si Vicey
Napalingon naman ako sa kanya. Naka White T-shirt siya at Minnie Mouse Boxers at hindi rin siya naka wig
"Vicey!" Tawag ko
Inaantok niya lang akong tinignan at dumiretso siya sa kusina para magtimpla ng kape
Bumalik naman ang tingin ko sa TV
Wala namang masyadong nagbago these past few days
Nakapagtaka nga eh.... Ano ba talaga ang Misyon ni Vicey? Bakit di ko man lang siya nakikitang may ginagawang iba bukod sa pagtatrabaho sa Café at pag ubos ng laman ng Ref ko
![](https://img.wattpad.com/cover/137709810-288-k511376.jpg)
YOU ARE READING
Conspire [COMPLETED]
Fiksi PenggemarWhat if the person you love came "literally" from the stars?