Truth and Fallacy

1K 75 19
                                    

"Sometimes the fallacy is the truth"

-VG14314























Tagapagsalaysay's POV

Nagising si Vice dahil sa nakakasilaw na sinag ng araw na nagmumula sa bintana

Kinusot niya ang kanyang mga mata at pupungas-pungas na iginala ang mata sa paligid

Nagulat siya nang mapagtanto niya na hindi niya hotel room ang kwarto kung saan siya naroroon ngayon

Napahawak siya sa ulo niya na medyo sumasakit ngayon

Pilit niyang inaalala kung paano siya napunta sa kwartong iyon pero sa halip ay bigla niyang naalala ang matamlay at malungkot niyang paglalakad sa tabing-dagat nang bigla niyang makita si Karrie bago siya mawalan ng malay

Bago pa niya ito tuluyang mapagtanto ay biglang bumukas ang pintuan

"Oh? Gising ka na pala"

Napalingon siya sa biglang nagsalita at literal na nanlaki ang kanyang mga mata at hindi siya nakapagsalita dahil sa gulat

"D-Dinalhan kita ng agahan" naiilang na sabi ni Karrie sabay lapit sa side table malapit sa kama at inilapag niya roon ang tray na may naglalaman na sopas, tubig at mga gamot

Hindi parin makapag-react si Vice at tila natameme siya sa biglaang pagsulpot ng babaeng di niya inaakalang makikita pa pala niya

"T-Tsaka, pagkatapos mong kumain, uminom ka agad ng gamot para mawala na iyang lagnat mo" dagdag pa ni Karrie

Umupo naman siya sa tabi ni Vice

"Kamusta na ang pakiramdam mo?"

Hindi naman sumagot si Vice

Akmang hihipuin ni Karrie ang noo nito nang biglang hawakan ng huli ang kanyang kamay upang pigilan siya

Si Karrie naman ang nagulat sa pagkakataong ito

Tinignan siya nang mataman ni Vice. Ang kaninang gulat sa mata nita ay napalitan ng luha bungsod ng galit, lungkot at pag-aasam

"B-Bakit mo 'to ginagawa?" Malamig na tanong ni Vice

Mas nagulat si Karrie sa inasta ng kanyang dating kasintahan

Umiwas siya ng tingin at binawi ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Vice

"Pagkatapos mong kumain, pwede ka nang umalis" pagbaling ni Karrie sa paksa sabay tayo at talikod kay Vice papunta sa pintuan

Akmang lalabas na siya nang biglang magsalita ulit si Vice

"Bakit kung umasta ka parang walang nangyari?" Galit at naiiyak na sabi ni Vice

Hindi naman umimik si Karrie at hindi narin siya nagbalak na lumingon pabalik dahil ayaw niyang makita na tumulo ang mga luha na kanina niya pa pinipigilan

"Tinanong mo'ko kung kamusta ang pakiramdam ko diba?" Napatawa siya ng mapakla "Ang lakas ng loob mo para tanungin saakin yan, Karylle. But for the sake of answering your question...I'm hurt"

Parang tinusok ng libo-libong karayom ang puso ni Karrie sa narinig niya pero nanatili lang siyang nakatayo habang pinipigilan parin ang luha sa mga mata niya

"That's what I'm feeling right now" dagdag ni Vice "I'm suffering for missing you each day. I'm drowning from all the memories we made. I'm in pain for hoping that someday we'll get back together and I'm stupid for assuming that that day will still happen"

Conspire [COMPLETED]Where stories live. Discover now